Chapter 59

75 4 0
                                    

Val's POV

1 week na nakalipas nung makauwi kami galing Japan.

Sa mga natirang araw namin sa Japan ay naglibot libot na lang kami.

Hindi na kami tumuloy sa Disney Sea dahil wala masyado masasakyan si Ran dun baka madisappoint lang siya.

Mas nag enjoy naman siya magpakain ng reindeer and maglibot libot nun.

"VAL!" Sigaw ni Jane halos masira na ata yung pinto sa sobrang labas ng tulak niya.

"Tangina mo! Pwede ka naman pumasok ng maayos diba!?" Sigaw ko.

Halos atakihin na ko sa sobrang gulat.

Hindi niya ko pinansin bagkus nilahad niya sakin ang phone niya.

Inis kong tinignan kung ano yung pinakita niya.

"Ayan yung video na ginawa natin sa Japan. Sa wakas tapos ko na!" Proud niyang sabi.

"Ito ba yung pinag aabalahan mo kaya hindi ka makatrabaho ng maayos?" Wika ko.

"Oo!" Proudly said.

Hindi pa ko nakakareact sa sinabi niya halos ingudngud na niya mukha ko sa cp niya.

'The hell? 10 minutes!'

Plinay na niya yung video.

All too well by Taylor ang napili niyang background song.

Nagsimula ang video sa naglalakad kama sa Shibuya Crossing yung una naming tinake.

I can see that this is my POV.

Dahil paglingon ko sakanya bigla nag transition na parang nag flashback lahat.

Laking gulat ko na pati yung mga old videos namin sinama ni Jane.

Lalo na yung part ng engagement proposal and wedding.

Expect ko kasi na yung ginawa lang namin vid ang ilalagay niya.

Hindi ko mapigilan lumuha habang pinapanood ko.

'Fuck you Jane.'

Binalik ko na ang phone niya habang pinupunasan ang mga luha.

"Maganda ba?" Tanong niya.

"Alam mo bang hindi na ko umaasa magkabalikan kami. Okay na ko sa ganito na casual lang kami. Para kay Ran." Baliwala ko sa tanong niya.

"Paano kung gusto niya makipagbalikan? Makikipag balikan ka?" Tanong ni Jane.

"Hindi ko alam. Siguro kung papakita niya na worth it balikan. Na this time mas pipiliin niya ko kaysa yung pride niya. Mahal ko siya pero hindi sapat para balikan ko siya ng ganun ganun na lang." Sagot ko.

"Hindi ko nga rin alam bakit hindi na niya mababaan ang pride niya para sayo. Hindi naman siya ganyan dati. Lahat ng pride ibababa para sayo." Sambit ni Jane.

"Well... Ari really died. At kahit anong gawin natin hindi na natin mababalik si Ari. Yung kasama natin ngayon? Si Wave tanggapin na natin na siya talaga si Wave." Wika ko.

Tahimik lang si Jane habang nakatingin sakin.

Hindi ko napansin na umiiyak na pala ko.

"Ari will do everything for me. She can't bear to lose me. Which Wave can't do. Tignan mo after ng Japan ni hindi na nga nagpakita sakin." Patuloy ko.

Bigla naman may kumatok.

"Ms. Val here are the divorce papers." Bungad ni Atty. Chin pag bukas ng pinto.

Lumapit siya samin at agad din naman inabot yung folder.

I was expecting na nakapirma na si Ari pero laking gulat ko na wala pa.

"Bakit hindi pa nagpipirma si Ari?" Tanong ko.

"Hindi ko kasi siya mahanap kaya naisipan ko na ikaw muna ang magpipirma." Sagot ni Atty. Chin.

Sinara ko yung folder at binalik ko kay Atty. Chin.

"Hindi ko pipirmahan yan hanggat wala yung pirma niya dyan." Wika ko.

Napakamot na lang ng ulo si Atty. Chin sabay alis.

"So stubborn huh." Tatawang sabi ni Jane.

"Bakit ako mauuna pumirma dun? Siya naman nakaisip nun." Saad ko.

"Pero nasan kaya yung babaeng yun? Actually 3 days na siya hinahanap ni Atty. Chin kasi papapirmahan na nga yung divorce papers niyo." Kwento sakin sakin Jane.

"Hindi mo ba nakakasama?" Tanong ko.

"Hindi ah! Busy ako sa paper works!" Depensa niya.

"Paper works." Duda ko.

"Hehehe... Pero kasi last na nakasama ko siya she's planning to study Aero ata or AMT pero I suggested na AMT nalang since pwede siya 2 years." Kwento niya.

"Wala na siya matrip sa buhay?" Hindi makapaniwala sa sinasabi ni Jane.

"Ano pa ba mapagtritripan niya ni kumpanya niya hindi niya alam paano patakbuhin. Kaya nga mag aaral daw siya ng aviation HAHAHAHA! Papatalsikin na raw niya si Yanna." Natatawang sabi ni Jane.

"Ay oo! May na banggit siya sakin nung business event. Na ang panget naman na siya yung may ari tapos wala siya alam sa business niya. Pero ang gago ng bestfriend mo si Yanna grabe mambully kay Ari." Alala ko.

"Ewan ko ba dun. Feel ko nga hindi sayo may gusto yun eh. Baka mamaya si Ari talaga ang gusto. HAHAHAHA!" Biro ni Jane.

"Tangina mo! By the way yung nirefer mo na head ng engineering department need ko siya makausap i-set mo kami ng day kung kelan ko siya makakausap." Pagbabago ko ng topic.

"Friend ko yun nung College matalino yun! Kaya 100% na magagagawa niya ang tungkulin niya. Mas magaling pa yun kaysa sakin." Jane proudly said.

"Curious ako bakit siya napalipat dito okay naman pala siya sa dati niyang campany medyo nag woworry ako na baka magalit yung campany na yun since inofferan ko ng malaki si Yanna para dito magwork." Alala ko.

"Nako wag ka mag alala siya hindi ko naman siya inofferan. Nagulat na lang ako kasi nakasalubong ko siya dito at nag aapply pala siya. Kaya ayun sumakto lang na need natin ng bagong head ng engineering department." Explain niya.

Napansin ko na ang ganda ng ngiti ni Jane.

"Bakit ganyan ngiti mo? Gago! Ikakasal ka na ah!" Suway ko.

"Gaga hindi! Can't wait lang na magkita ang dalawa." Kinikilig niyang sabi.

"Sino naman?" Taka ko.

"Secret!" Sigaw niya.

Tumayo na siya at nagpaalam na umalis.

Our PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon