Chapter 18

200 13 1
                                    

Val's POV

"Ate nakailan lupa na tayo wala ka pa rin napipili?" Tanong ko.

"Ang papanget naman kasi!" Saad ni ate.

"Pakaarte mo naman sa lupa." Inis ko.

"Aba natural! Ikaw ba magbobook ka ba sa resort na malayo sa dagat? O malayo sa mga restau? Di kaya malayo lalakbayin papunta sa main road? Mag isip ka nga Valentina!" Rebat ni ate.

Nagkakabwisitan na kami unang araw palang ng paghahanap.

"Marami pa naman pong bakanteng dito. Unang araw palang naman po ng paghahanap." Singit ni Wave.

Maggagabi na kaya tinigil na namin ang paghahanap ng lote.

Naghahanap na kami ng restaurant na kakainan namin.

Nakabalik na si Jane at Yanna sa Manila.

Sa susunod na araw pa nila mahahatid sila mama.

Kumakain kami ng bigla tumunog ang phone ko.

Pagtingin ko kung sino ang tumatawag si Andrew pala.

"Nasabi mo na ba sakanya?" Biglang tanong ni ate.

'Pakachismosa neto.'

"Hindi pa nga te eh. Sa tuwing sasabihin ko cinacut off niya ko lagi." Sagot ko.

"Bwiset talaga yun! Hindi ko nga alam bakit mo pinatulan yung ganung lalake." Inis ni ate.

Hindi ko sinagot ang tawag ni Andrew.

For sure kakamustahin lang niya.

Kakamustahin niya lang naman kami ni Ran.

Ilan beses na ko nagtry sabihin sa kanya pero lagi niya na lang kinacut ang sasabihin ko.

Flashback

Kakabalik lang galing Siargao ang tinambakan na agad ako ng work ng secretary ko.

'Tama nga si Jane hindi ko pwede iwan to basta basta.'

Habang aligagang aligaga ako sa ginagawa ko hindi ko na malayan na may tao na pala sa harap ko.

"Baka busy naman." Giit niya.

Pag angat ko ng ulo ko ay si Andrew pala.

Nginitian ko lang siya sabay balik ulit sa ginagawa ko.

"Grabe! Hindi makausap. Nagtatampo pa nga ako sayo dahil hindi ko sinasagot mga tawag ko nung nasa Siargao kayo." Ani niya.

"Sorry. Hindi ako nakapag phone masyado kasi ang daming activities ang ginawa namin ni Jane sumunod kasi sila nila Ash." Explain ko habang nakatingin sa mga papers.

"Sobrang na miss ko kayong dalawa hindi kayo nag paramdam sakin." Tampo niya.

Hindi ko siya masyado pinapansin dahil minamadali ko na ang mga papers.

Oo na lang ako ng oo sa mga sinasabi niya.

Maya maya lang bigla pumasok si Jane.

"Val ito mga need mo pirmahan ngayon na! Need na need ko na yan! Diba sabi ko sayo hindi mo pwede-" Napatigil si Jane nung nakita niya si Andrew.

"Sige mauna na ko. Val ah! Mamaya." Giit niya.

Tumungo tungo na lang ako kahit hindi ko alam ang tinutukoy niya.

Agad naman umalis si Andrew

"Nasabi mo na ba sa kanya?" Tanong ni Jane habang inaabot ang papers na hawak niya.

Our PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon