Val's POV
Nagpahinga lang kami saglit pagkarating namin diro sa Siargao.
Nung nakapagpahinga na kami ay agad din kami lumabas para kumain.
Pero hinihintay pa namin si Jane at Yanna. Kinuha kasi nila yung sasakyan na irerent namin.
Habang naghihintay sa dalawa pinapanood namin ang mga nagssurfing.
"Gusto ko na mag surfing." Naiingit si ate Cal.
"Sumama ka dito para tulungan ako pumili ng lupa o sumama ka para makalibre bakasyon?" Duda ko.
Ngumiti lang si ate ng nakakaloko at nanood na lang sa mga nag susurf.
Umiling iling na lang ako.
Si Ran naman busy siya sa paglalaro ng buhangin.
Umabot ng 30 minutes bago nakarating si Jane at Yanna.
Pagkataring nila agad din naman kami umalis at nag hanap ng resto na kakainan.
"What's our agenda for today?" Tanong ni Yanna.
"Maghahanap ng bahay." Sagot ko.
Yun naman kasi talaga pinunta namin dito.
"Corny mo naman Val!" Saad ni Jane.
"Pwede naman na kayo umuwi asikasuhin niyo dun mga iniwan niyo." Ani ko.
Kita ko na masama loob ng dalawa.
Ay hindi tatlo pala.
"Alam mo ate sama ka na rin umuwi bakasyon lang ata gusto mo." Giit ko.
"Anong bakasyon!? Corny mo kaya pumili ng bahay at lupa! Bahain nga dun sa last property na binili mo!" Depensa niya.
"Ahh! Alam ko na!" Biglang sigaw ni Jane.
Bigla niya kinuha ang phone niya at parang may tinetext.
"Bakit ano yun?" Curious ko.
"Wala! Basta!" Sigaw niya.
Tinarayan ko na lang siya at binaling ang atensyon sa anak ko.
"Mommy makikita ba natin si mama? Nandito tayo ulit sa Siargao eh." Inosenteng tanong niya.
Nginitian ko siya.
"Oo naman makikita natin yun dito." Sagot ko.
Maya maya lang nakarating na kami sa resto.
Pinaupo na kami at pinapili ng kakainin.
Habang na kain pinag uusapan na namin kung ano ba talaga ang bibilhin ko.
Kung bahay na ba or lupa lang.
"Kung tapat kaya ng beach para maganda yung view?" Suggest ni Jane.
"Nah! It must be further away." Hindi pag sang ayon ni Yanna.
"Hindi ang na iisip ko kasi ganto." Ani ni ate Cal.
Lahat kami nakatingin sa kanya ready to listen.
"Naiisip ko kasi gawin na lang resort kaysa bahay. O Airbnb ganun! Kasi pag naging okay ang lahat itatambak mo na lang yan eh! Kung naging resort edi babalik yung pera na ginastos mo hindi pa masasayang ahg bahay pagdating bg panahon!" Suggest ni ate.
"May point Val. Kasi naman kaya ka lang naman magpapagawa ng bahay dito para kay Ari. Maganda rin yang sinuggest ng ate mo para lang kagaya dun sa vacation house sa may Quezon Province." Pag sang ayon ni Jane.
Hindi ko alam isasagot ko dahil nag aalangan ako.
Ang dami na kasing business dadagdag pa eh.
Pero mukhang gusto nila ang idea na yan.
Kahit si Yanna na busy sa pagkain ay approve sa suggestion ni ate.
"Sige. Pero mag hanap na muna tayo ng lupa. Ate ilan square meter ang balak mo?" Tanong ko.
"Anong square meter ang sinasabi mo? 60 to 70 hectares!" Desisyon ni ate.
Nanlaki mga mata namin sa sinabi ni ate.
"Huy! Calinna! Pera mo?" Gulat ni Jane.
"Sa daming na iwan ni Ari na pera? Barya lang yan!" Ani ni ate.
"Ate masyado nga yun malaki. Ikaw gumagawa ka lang ng paraan para maganda mapapakita mo na folder sa mga susunod na clients mo eh. 50 hectares lang malaki na yun." Desisyon ko.
Approved naman sila sa desisyon ko at nag usap na kami kung kami lugar maghahanap.
May dala dalang laptop dito si ate Cal siya ang ssearch kung saan may available na lupa.
Yes lupa daw ang hahanapin namin hindi bahay.
Hinayaan ko na lang si ate magdecide since siya ang expert sa mga gantong bagay.
Busy kami sa pagpaplano ng may biglang lumapit samin.
Bigla nanlaki mata ko dahil hindi ko siya ineexpect na pupunta dito.
"Ate!!!" Sigaw ni Ran sabay lapit kay Ari.
"Hello Baby Ran!" Masayang bati neto kay Ran.
Hanggang ngayon masakit pa rin sakin na tinatawag siyang ate ni Ran.
Good thing at alam ni Ran ang nangyayari at pilit niyang iniintindi.
Napatayo ako sa gulat dahil nandito siya.
"Paano mo nalaman na nandito kami?" Patataka ko.
"Tinext ako ni Jane sabi niya nandito daw kayo." Sagot niya.
Lumingon ako kay Jane at sinamaan siya ng tingin.
Nginitian niya lang ako ng nakakaloko.
Magsasalita na sana ako pero sumingit si Jane.
"Wave diba sabi mo samin may mga papakita ka pag balik namin dito diba?" Paalala ni Jane.
"Oo gusto niyo na ba puntahan?" Tanong ni Wave.
"Ay hindi na madami pa-"
"Talaga? Sige tara na!!" Pagputol ni Jane sa sasabihin ko.
Nagsitayuan sila at nagtakbuhan papalabas ng resto.
Ako na lang na iwan dito sa loob dahil buhat ni Ari si Ran at hilahila sila ni Jane.
Napapailing na lang ako sa mga to.
'Pakataba ng utak netong babaeng to para gawing paraan si Ari para makagala.'
Wala na ako nagawa at sumunod na lang sakanila sa labas.
Author's Note:
Magpapasukan na ulit second semester na huhuhu.. Magiging busy ako pero susubukan ko mag UD every week. Kahit isa or dalawang chapter! At na ninibago rin ako sa new device na ginagamit ko pangtype ng story.
BINABASA MO ANG
Our Past
FanfictionReminiscing Our Past That I Will Never Forget. Book 2 of Our Paths