Chapter 28

223 15 3
                                    

Val's POV

After 3 months ay natapos na rin ang dalawang Villa.

"Nandito na naman kayo!?" Sigaw ko.

Paano nandito na naman yung dalawang mokong.

Feel na feel pa nila yung suot nilang uniform habang naglalakad papunta samin.

"Angas pala ng unif nila. Sana ol." Bulong ni Wave.

'Kung alam mo lang na piloto ka rin.'

"Itong si Val! Ilan buwan mo rin kami hindi na kita! Hindi mo ba kami na miss?" Tampo tampuhan ni Jane.

"Puta yung Airline dun! Tinengga niyo na naman!" Inis ko.

"Ano ka ba! Syempre iniwan namin kay Myhoneybunchsugarplum lahat hehehe." Saad niya.

"Hindi na ko magtataka nahihiwalayan ka ni Ash anytime soon." Wika ko.

"Hoy! Wag naman! Kahit na anti romantic yun mahal na mahal ko yun!" Ani niya.

"What ever!" Pagtataray ko.

May rason naman bakit nandito sila Jane at Yanna.

Dinala nila yung mga kulang pa nagamit dito sa unit na ginawa.

Sa mga Villa pala na ginawa is may tig 4 na rooms.

Kaya dalawang Villa dahil dun sa isang mag iistay ang mga Architect, Foreman, Engineers Etc.. na paparating.

Kami naman sa kabila.

Napilit ko rin si Wave na tumira na rin samin.

Bukas tutulungan namin siya ilipat ang mga gamit niya.

Busy sila ate iasikaso ang mga gamit na dinala nila Jane.

Samantala kami rito ay na nonood ng sun set habang binabantayan si Ran at sila Jane naman busy sa pictorial session nila ni Yanna.

May party din pala mamayang gabi after nila mag ayos.

Deserve daw nila magwalwal kasi nakatapos sila ng dalawang Villa.

Saktong 7 naman natapos sila at nag simula na ang party.

Pinasok ko na si Ran sa kwarto dahil nandun sila mama kasi sila naman magbabantay sakanya.

Sa kabilang Villa naman kami mag iinuman so hindi namin sila magugulo.

"INUMAN NA!! Unang shot! Para sa broken!!!" Sigaw ni Jane sabay abot kay Yanna.

Hindi naman nag dalawang isip si Yanna at ininom din ang ito.

Nacucurious tuloy ako kung ano dinadala niya.

Nag simula na umikot ang alak.

"Teh. Ano na status nyo?" Tanong ni Clark.

'Itong baklang to napaka chismosa!'

"Getting to know pa rin." Sagot ko.

"Tagal naman! Nga pala Wave paalala ko lang sayo na kulang turnilyo nyan sa utak." Giit ni Clark.

"Inamo!" Mura ko.

Tumawa lang silang dalawa.

Normal na inuman lang naman ang nangyayari.

Tamang kantahan lang at nung medyo nagkakatama na nagkwekwentuhan na lang.

Dahil sa tama ng alak at sobrang bilis rin mag ikot ni Jane hindi ko na mamalayan na masyado na ko nagiging madikit kay Wave.

Hindi rin naman siya naiilang at hinahayaan niya lang ako siguro dahil may tama na rin siya.

"Huy! Val! Tantanan mo si Wave lagkit ng tingin mo!" Saway ni ate.

Our PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon