Chapter 50

68 5 0
                                    

Val's POV

"Are you sure about this?" Tanong ni Yanna.

Nandito kami ngayon sa Ikea para mamili ng mga gamit para sa Penthouse.

"Oo naman! Hindi porket ayaw niya eh hindi ko na itutuloy." Saad ko.

Dahil kasi sa nangyari kaya naninigurado si Yanna kung tutuloy ko ang paglipat.

"Did you and Ari talk about what happened?" Curious ni Yanna.

"Yeah, But I stood my ground. Hindi ako pumayag na hindi umalis ng bahay. Ano yung gusto na lang niya lagi? Paano naman ako? Paano ang nararamdaman ko? Hindi ko need ng kahit anong approval mula sakanya dahil wala na kami." Sagot ko.

Tumungo tungo na lang siya at nagpatuloy kami sa pamimili.

Itong mga gamit na binili namin ay mga pansamantala lang dahil papadesign ko ito kay ate next week pag uwi niya.

Nung makuha na namin lahat ng kailangan ay agad din kami nag bayad.

Iaabot ko na sana ang card ko ng unahan ako ni Yanna.

"Huy! Bakit ikaw nag bayad?" Gulat ko.

"It's a reward." Saad niya habang nakangiti.

"Reward? Para saan?" Pagtataka ko.

"For choosing yourself. You no longer depend on Ari. You know your worth. You know you did your part for your relationship." Wika niya.

Binigyan ko siya ng isang painful smile.

"Hindi naman kasi porket na ayaw niya ko paalisin ay gusto niya pa kami magkabalikan. Ayoko na rin umasa Julianna. Hindi na kasi siya yung Ari or Wave na nakilala ko." Saad ko.

Lumapit siya sakin at binigyan ako ng side hug.

Need na namin umalis dahil may mga gagawin pa kami sa office.

Jane's POV

"Oh! Ano na gagawin natin?" Tanong ko.

Tataka pa ba kayo kung sino kausap ko? Malamang si Ari.

"Buo na desisyon niya Jane." Halos wala nang boses na wika ni Ari.

"Paano imbis na kausapin ng malumanay eh nag alburuto ka!" Sermon ko.

"Hindi na ba ko pwede magselos?" Sarcastic niyang tanong.

"Aba talagang hindi! Ikaw nakipaghiwalay dun sa tao." Wika ko.

"Tsk. Ilayo layo mo na kasi yang Yanna na yan kay Val ng magkaayos kami!" Inis niya.

"Bakit ako!?" Gulat ko.

"Aba natural! Ikaw nagpakilala sakanilang dalawa dapat ikaw din magpalayo." Saad niya.

"Huy! Hindi ah! Nagulat na lang ako nakuha siya ni Val sa ibang Airline!" Depensa ko.

"Tsk." Sama ng loob niya.

"Kung gusto mo magkaayos kayo ulit ni Val kausapin mo siya ng masinsinan at dapat maging sincere ka! Hindi yung parang siya pa dapat mag adjust sayo." Wika ko.

"Oo na! Tama na yang panenermon na yan! Tulungan mo na lang ako!" Halos mag dabog na siya.

Natatawa na lang talaga ako sa inaasta niya.

Para siyang batang hindi makuha kuha ang gusto.

"Ganto na lang. Next week may business meeting sa Japan. Sumama kayo ni Val at Ran. Ako na bahala sa lahat at kung ano irarason sakanila." Idea ko.

Halos mapunit na yung pisngi niya sa sobrang laki ng ngiti niya.

"Talaga!? Yes! Walang Yanna na epal!" Masaya niyang sigaw.

"Ay! Dyan ka nalungkot! Kasama siya." Pagputol ko ng kasiyahan niya.

"Bakit!?"Sigaw niya sabay hampas ng table.

"Sisihin mo si Val siya ang pinili maging CEO!" Depensa ko.

"Kakainis naman!" Sigaw niya at padabog na lumabas ng office.

'Parang bata.'

Ari's POV

Lumabas na ko ng office ni Jane.

'Bakit pa kasi kailangan kasama pa yang Yanna na yan?'

Dumeretso ako sa parking lot para kunin ang motor ko.

Kailangan ko muna magpahangin.

Habang tahimik akong naglalakad sa parking lot nagulat na lang ako ng may biglang tumulak sakin ng sobrang lakas.

Sa sobrang lakas tumilapon ako sa isang kotse.

Nagulat ako ng may biglang humawak sa leeg ko.

Pagtingin ko kung sino si Andrew yung ex ni Val.

"Pinagkatiwala ko sayo si Val tapos ganto ang gagawin mo!" Sigaw niya sakin.

"Ano ba bitawan mo ko!" Sigaw ko dahil humihigpit na ang hawak niya sa leeg ko.

"Mahal na mahal ka ni Val tapos tratratuhin mo lang siya nga ganun!" Pagbaliwala niya sa sinabi ko.

Hindi ako makapagsalita dahil humihigpit yung pagkahawak niya sa leeg ko.

'Kakagaling ko lang sa hospital kahapon mahohospital na naman ata ulit.'

"You better let go of her or else." May pag bigla nag salita sa gilid namin.

Hindi ako makalingon sa sobrang higpit ng hawak ni Andrew pero base sa boses si Yanna yun.

"Or else ano?" Sarcastic na tanong ni Andrew.

"Do you really wanna know?" Pananakot ni Yanna.

Aggresibo akong binitawan ni Andrew at humarap kay Yanna.

Sa sobrang higpit ng pagkasakal niya sakin nawalan ako ng balanse pagkabitaw niya.

"Sinong tinatakot mo?" Pagmataas ni Andrew.

"You forgot that I'm the CEO and she's the owner of the company you're working? I can definitely terminate you." Pananakot ni Yanna.

Hindi ko makita ang reaksyon ni Andrew dahil naghahabol ako ng hininga pero napahinto siya sa sinabi ni Yanna.

"Are you okay?" Tanong niya sakin at sabay lahad ng kamay niya.

"Hindi ka na sana nangialam." Inis ko.

Hindi ko inabot yung kamay niya dahil kaya ko naman tumayo mag-isa.

"Wow! You're welcome Madam Artemis!" Sarcastic niyang sabi.

"Nagpapasalamat ba ko sa ginawa mo? Umalis alis ka na nga sa harapan ko! Nandidilim paningin ko sayo!" Pagtaboy ko sakanya.

"Why you are so mean to me?" Pagtataka niya.

"Eh paano! Epal ka! Buntot ka ng buntot sa asawa ko!" Sarcastic kong sagot.

"You mean ex wife." Pagtatama niya sakin.

"Lumayas layas ka na nga sa harap ko baka tamaan ka sakin." Inis ko.

"Oh! You already forgot what happened yesterday?" Pangangasar niya.

'Oo nga pala.'

"Ayaw mo umalis? Edi ako ang aalis." Saad ko sabay lakad papunta sa motor ko.

"Are you threaten? Am I a threat to you Ari? Are you afraid that Val might fall for me? Then do your best to win her back because I'm here ready to do what ever it takes to make her fall for me." May halong pagmamayabang ang boses.

Napatigil ako sa sinabi niya at humarap ako sakanya.

"Alam naman natin na saating dalawa ako ang mahal niya. Kaya wag ka na makipag kumpentensya dahil hindi ka mananalo." Mayabang kong saad.

"I am not competing against you. But will see about that." Wika niya.

Tinalikuran na niya ko at naglakad na papalayo.

Pumunta na rin ako sa motor ko at agad agad na umalis.

Our PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon