Val's POV
"Happy Monthsary." Unang bungad sakin ni Wave pagmulat ng mata ko.
May hawak siyang tray na may laman na mga pagkain.
Niyakap ko siya at kiss sa pisngi.
"May pa breakfast in bed si lover." Saad ko.
Nginitian niya lang ako habang nilalapag niya sa harap ko yung pagkain.
Ang bilis ng panahon isang buwan na pala kami.
"Kain ka na." Wika niya.
"Hindi mo ko sasabayan?" Pagtataka ko.
"Alam mo naman hindi ako kumakain sa umaga." Paalala niya.
Pero wala siya nagawa nung sinubuan ko siya.
Ang dami kaya netong dinala niya tapos ako lang kakain.
After namin kumain lumabas na kami ng kwarto.
"Goodmorning mommy!" Bungad agad sakin ni Ran pagkababa namin.
Lumapit ako sakanya at hinalikan siya.
Kasama din namin si Ran sa kwarto pero minsan mas gusto niya katabi ang lola niya.
"Mama." Tawag ni Ran kay Wave.
Lumapit naman sakanya si Wave at niyakap siya.
Hanggang ngayon hindi approve kay Wave na tawagin siyang mama ni Ran kasi feeling niya tinatanggal niya ng lugar yung tunay na mama ni Ran.
Not knowing na siya rin naman yun.
Cinocontact ko na nga si Dr. Xy at humihingi na ko ng tulong na paano ko sasabihin kay Wave ang totoo.
Pero inaadvise niya na wag muna lalo na't hindi maayos ang lagay ni Wave sa pamilya niya.
Kailangan muna namin makausap ang kinikilalang magulang ni Wave bago kami gumawa ng action.
"Okay ka lang ba? Na tulala ka dyan bigla." Tanong ni ate Cal.
"Iniisip ko kung paano sasabihin sakanya." Saad ko.
"Kung wag mo na lang kaya sabihin." Suggestion ni ate.
"Gagu." Mura ko sakanya.
"Biro lang. Pero wag mo na yan patagalin. Mas lalo ka mahihirapan pag siya pa mismo makadiskubre." Advice niya.
Tumungo tungo lang ako at iniwan niya na ko dahil pupunta na sa construction.
Nandito kasi ako sa labas nakatitig sa dagat.
"HIndi pa ba babalik si Jane at Yanna dito?" Tanong ni Wave paglapit niya sakin.
"Busy pa yung mga yun lalo na at summer madami nagtratravel." Explain ko.
After kasi namin pumunta ng Cebu bumalik na rin ng Manila si Jane at Yanna kinabukasan nung sinundo nila kami.
Bago pa man bumalik sila Jane sa Manila ay may inannounce ako na hindi ikinatuwa ni Jane.
Dahil ginawa kong CEO si Yanna habang busy pa ko dito sa Siargao.
Hindi matanggap ni Jane dahil sasalamantahin ni Yanna pagiging CEO niya.
Malaki naman tiwala ko sakanya at pasok na pasok ang qualifications niya.
Pero umpisa nung naging CEO si Yanna walang araw na hindi nagreklamo sakin si Jane.
Kesyo tinatambakan daw siya ni Yanna demanding pa raw.
So far okay naman daw magtrabaho si Yanna according sa Secretary ko.
"Wow ganda naman!" Sigaw ni Wave.
Napalingon naman ako kung sino yung pinupuri niya.
Si Ran pala nakaswimsuit na.
Natawa naman kami ni Wave dahil feel na feel ni Ran ang suot niya.
"Swimming tayo mama." Aya sakanya ni Ran.
Wala na nagawa si Wave dahil hinila na siya ni Ran papuntang dagat.
Habang nagswiswimming sila sa dagat pinapanood ko lang sila.
'I'm so lucky for having you both in my life.'
Kinuha ko ang phone ko at kinuhaan sila ng video at picture.
Lumapit si Ran kay Wave at may binulong.
Next thing that I knew nagsitakbuhan na sila papalapit sakin at binuhat ako ni Wave papuntang dagat.
"Kayo ah! Pinagkaisahan niyo ko ah!" Saad ko.
Tinawanan lang nila ako.
Lalapitan ko sana sila ng sumigaw ni Wave.
"Takbo Ran may Shokoy!" Sigaw ni Wave.
Nagsitakbuhan naman sila.
Hinabol ko rin naman sila.
"Ang liit liit mo pero ang bilis mo tumakbo." Reklamo ko nung hindi ko mahabol si Ran.
"Bagal mo kasi mommy." Wika niya.
"Ah ganun?" Babanta ko.
Naghabulan na naman ulit kami but this time na huli ko na siya.
"Mama help!" Sigaw ni Ran.
"Wala na ko magagawa nahuli ka ng shokoy." Giit ni Wave.
"Wala ka na kakampi!" Sigaw ko sabay kiliti sakanya.
Tawa kami ng tawa ni Wave sa sigaw ni Ran.
"Uy baka hindi na yan makahinga." Saway sakin ni Wave kaya tinigilan ko na.
Napahiga si Ran sa buhangin dahil sa pagod kakatawa.
Ginaya namin siya at humiga kami sa tabi niya.
Pinagmamasdan lang namin ang langit at mga ulap.
Na patingin ako sa dalawa na busy pa rin ang mga mata sa pagtingin sa langit.
"I love you, you two." Giit ko.
Tumingin naman sila sakin at nagtinginan silang dalawa.
Na gulat naman ako ng bigla silang tumayo.
"Mommy wait lang dyan ka lang." Utos sakin ni Ran.
"Saan kayo pupunta?" Tanong ko.
Tumakbo sila hindi manlang nag abala sagutin ang tanong ko.
Laking gulat ko pagbalik nila may buhat buhat si Ran na bouquet na mas malaki pa sakanya.
"Mommy oh." Abot sakin ni Ran.
Pagtingin ko sa bulaklak puro Tulips na iba't ibang kulay.
"Sabi kasi ni ate Cal yan daw fave mong flowers." Saad ni Wave paglapit niya sakin.
"Thank you Love." Pasalamat ko sabay kiss sa labi niya.
"Hindi lang yan ang regalo ko." Wika niya.
May nilabas siya sa bulsa niya na box at binuksan niya ito.
Pag bukas niya bumungad sakin ang napakagandang necklace na may infinity na pendant.
Nilabas niya ito at sinuot sakin.
"Si Ran pumili niyan." Bulong niya.
Pagkasuot sakin ni Wave ay lumuhod ako sa level ni Ran at pinakita ang suot kong necklace.
"Bagay sayo mommy ang ganda. Galing ko pumili diba?" Saad niya.
Natawa naman ako sa sinabi niya at hinalikan ang noo niya.
Tumayo na ako at humarap ulit kay Wave.
"Thank you ulit Love." Pasalamat ko ulit.
"Mas love ka namin ni Ran." Aniya niya.
Hinila ko sila papalapit at niyakap sila.
BINABASA MO ANG
Our Past
FanfictionReminiscing Our Past That I Will Never Forget. Book 2 of Our Paths