Val's POV
"Kailangan pa ba talaga yan?" Reklamo ni Ari.
Minemake upan kasi siya dahil mamemeet na namin ng mga executives ng Japan Airlines.
Isa siyang malaking event kaya need namin maging presentable at elegant.
"Pwede bang manahimik ka? Ikaw ang may ari tapos magmumukha kang gusgusin?" Inis ko.
Naayos na ko kaya nakabantay na lang ako sakanya.
Wala kami ginawa kahapon kundi ay magpahinga dito sa hotel.
Isang beses nga lang kami lumabas nung kumain pa ng ichiran.
"Wow! You look so good Val!" Bungad ni Yanna pagpasok ng kwarto.
Pagtingin ko sakanya napahanga rin ako sa ganda niya.
"You're gorgeous!" Bigla lumabas sa bibig ko.
Dalang dala niya ang black dress na suot niya.
Ngayon ko palang siya makita magsuot ng ganyan.
More on long sleeves and blazers kasi ang style niya.
"Of course I'm aware." Pagmamayabang niya.
Inaya niya ko makipagpic sakanya.
"We look so good together." Wika niya habang tinitignan namin ang mga pics namin.
Kinurot ko siya dahil sa sinabi niya at natawa naman siya.
Nagpaalam na siya na lalabas na pero bago pa siya tuluyan lumabas tinuro niya si Ari gamit ang nguso.
Pagtingin ko kay Ari halos hindi na maipinta ang mukha.
Hindi ko siya pinansin at nagphone na lang ako habang hinihintay siya matapos.
"Tapos na ko." Cold niyang sabi.
Napaangat ako ng tingin dahil nasa harap ko siya.
Nakasalubong ang kilay niya at nakacross arms.
"Ah sige." Saad ko sabay tayo at kinuha ang bag ko.
Pag harap ko sakanya ay wala na siya.
'Iniwan naman ako.'
Jane's POV
"I miss you honeybunchsugarplum." Lambing ko sa aking fiancee.
"Kung yan lang ang sasabihin mo ibababa ko na to. Malalate na ko sa trabaho dahil dyan sa kalandian mo." Saad niya sakin.
"Oo na I love you ingat sa work ah." Lambing ko.
As I expected pinatay niya yung tawag.
'Nag reresponse lang naman siya sa I love you ko pag nasa kama.'
Papalabas na sana ako ng balcony ng magulat ako nasa likod pala si Ari.
"Bakit nakakunot ang noo mo dyan?" Pagtataka ko.
"Paano pag kay Yanna 'You're Gorgeous!' pag sakin tingin lang!?" Pagmamaktol niya.
'Ayan na naman po tayo!"
"Alam mo wag mo masyado hayaan na makain ng sistema mo si Yanna. Hayaan mo siya. Gumawa ka rin ng sarili mong diskarte kay Val. Don't let others stop you from Val." Motivate ko sakanya.
Sa totoo lang ayoko mangialam sa nangyayari sakanilang tatlo.
Hindi ko rin alam ang tumatakbo sa isip ni Yanna.
Di ko alam if gusto niya ba si Val or pinagtritripan niya si Ari.
Sinasabi niya man nagusto niya si Val pero tuwing natotopic namin si Sab I can see pain in her eyes at ayaw niya na matopic namin siya.
Kung ano na lang ang desisyon ni Val yun na yun.
Ayoko na mainvalidate ang feelings ni Yanna dahil sa kagustuhan netong isa.
Bahala na talaga sila sa buhay nila.
Yung sarili ko ngang kasal hindi ko na maasikaso.
Val's POV
Nandito na kami ngayon sa harap ng venue.
"Mag act kaya kayo na parang partners pa rin." Suggest ni Jane.
"Bakit naman?" Taka ko.
"Kasi hirap naman na ipapakilala ko kayo na mag asawa pero halos ayaw niyo magdikit." Reason niya.
Napatango na lang ako kasi may point siya.
Lumabas na kami ng kotse.
Takang taka ako dahil inabot ni Ari sakin ang kamay niya para alalayan ako palabas.
'Ganap na ganap agad ah?'
Pero sige tatake for granted ko to.
I really miss her act of service.
Pagbaba naman never hindi manlang niya binitawan ang kamay ko hanggang sa makapasok kami ng venue.
Nauna samin si Jane at Yanna kaya sila ang una na binati.
Inalalayan nila kami hanggang sa upuan namin at dun sila nagpatuloy mag usap.
Nagpapasalamat ang mga executives samin for accepting their offer.
Ang dami nila pinag usapan nakatingin lang kami ni Ari.
Ito ang pinakahinihintay ni Jane at Yanna.
Ang magmerged ang dalawang Airline na ito.
Isa na ito sa biggest success ng Airline.
"Mrs. Ramirez I am thankful for accepting Japan Airlines." Saad ng isang executive.
Ngumiti lang si Ari at nag bow.
Halata sakanya ang awkward.
Smooth naman ang nangyari sa event.
Pinakilala kami sa stage and more daldal dito daldal duon.
Kami ni Ari at Ran ang magkasama dahil sa totoo lang wala kaming alam yayari biglaan lang kasi na dinala kami ni Jane dito.
"Nakakahiya na ako yung may ari ng airline tapos ako pa yung wala kaalam alam tungkol sa ganitong bagay." Malungkot niyang sabi.
"Hindi mo naman kasalanan na nawalan ka ng alala eh. Kung gusto mo patulong ka kay Jane ng mga basic." Wika ko.
Tumungo tungo siya.
Ininom ko na yung margarita na hawak ko.
Maya maya lang na gulat ako ng bigla lumapit sakin si Yanna at hinatak ako patayo.
"Problema mo?" Inis ko.
"May matandang panot na nilalandi ako." Sumbong niya sakin.
"Hah!? Nag tatagalog ka ah!" Gulat ko.
"Of course! Mamaya maintindihan yung english edi lagot." Wika niya.
"Sige na bumalik ka na dun tulungan mo si Jane." Natatawa kong sabi.
Nagmake face siya at umalis na.
Napapailing na lang ako at umupo ulit.
"Problema niya?" Tanong ni Ari.
"Nilalandi raw siya ng isang executive." Natatawa kong sagot.
Tumungo tungo lang siya.
"Do you like her?" Random niyang tanong.
"Huh?" Maang maangan ko.
"Gusto mo ba si Yanna?" Tinagalog niya.
"Yanna? Gagi hindi! HAHAHAHA! She might be treating me like a princess but we both see each other as bestfriends." Sagot ko.
"Trinatrato ka man niya bilang prinsesa, reyna pa rin naman kita." Wika niya sabay inom ng alak.
'Ano raw?'
BINABASA MO ANG
Our Past
FanfictionReminiscing Our Past That I Will Never Forget. Book 2 of Our Paths