Chapter 53

61 4 0
                                    

Val's POV

"We should leave her." Suggest ni Yanna.

Eh paano kasi ang tagal neto ni Ari.

"Ikaw manahimik ka dyan Julianna!" Inis ni Jane.

Hindi ko alam problema ng dalawa pero parang meron sila malaking beef na di sinasabi.

Kanina pa kasi mainit ang dugo nila sa isa't isa.

O dahil wala lang sila mga tulog dahil 4:30 ang alis.

Kasama na namin si Ran for the meantime si mama muna ang nag aalaga sakanya.

"I'll seat at the back! I don't want to seat beside you!" Sigaw ni Yanna.

"Hoy! Hindi si Ari dyan!" Hindi pag payag ni Jane.

Pero hindi siya pinansin ni Yanna at lilipat na sana siya sa tabi ko kaso nakahiga si Ran natutulog.

Binuhat niya si Ran at nilagay niya sa bisig niya.

"Huy! Bumalik ka dito!" Pabulong na sigaw ni Jane.

"Shh!! Can't you see Ran is sleeping in my arms!?" Saway ni Yanna.

Hindi na nagsalita si Jane at tinignan na lang niya ng masama si Yanna.

Habang itong isang to pumikit na lang mukhang iiglip.

Natatawa na lang talaga ako sa dalawa.

Maya maya lang bumaba na si Ari.

Dali dali naman lumabas ng kotse si Jane para tulungan ilagay sa likod yung maleta niya.

Pagkalagay ay binuksan ni Ari yung pinto kung saan nandun si Yanna.

Laking gulat niya nung makita niya na nandun si Yanna na kalong si Ran habang natutulog.

Agad niya sinara ang pinto at tumingin siya kay Jane.

May pinag uusapan sila pero wala ako naintindihan.

Hindi naman sila nagtagal pumasok na rin sila ng kotse.

Ramdam ko na masama ang loob ni Ari.

Samantala si Jane hindi ko malaman ang itsura kasi di ko alam kung natatawa siya or what.

Umalis na kami agad dahil hinihintay na kami ng private plane namin.

Hindi si Jane at Yanna ang magdridrive dahil maaga at ayaw nila mapagod.

Tahimik kaming lahat habang byumabyahe papuntang airport dahil siguro mga antok pa kami.

Sobrang lapit lang namin sa Airport kaya nakarating agad kami.

Actually pwede mo nga lang to lakarin kung masipag ka.

Pagkarating namin agad naman kami bumaba para ilabas ang mga bagahe.

"Mukhang may papalit na sakin sa buhay ng anak ko ah?" Bulong ni Ari sa likod ko habang nilalabas ko mga maleta.

Bigla nagpanting yung tenga ko sa narinig ko.

"Pinagsasabi mo!?" Sigaw ko sabay tulak sakanya.

'Aga aga nambwibwiset!'

Inasikaso naman kami ng mga ground crew patungo sa aircraft na sasakyan namin.

Our PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon