Chapter 10

186 11 2
                                    

Val's POV

"Tara na mag night life naman tayo dito!" Pangungulit ni Jane.

'Itong babaeng to parang phone na chinacharge habang ginagamit! Di nauubusan ng battery!'

"Kakatapos lang natin mag Island Hopping Jane paawat ka naman!" Ani ko.

"Minsan lang naman to eh! Uuwi na tayo sa isang araw oh! Back to reality na naman!" Pamimilit niya.

"Hindi pa kami uuwi." Ani ko.

Lahat sila biglang napatingin sakin nanlalaki ang mata.

"Huy! Bakit?" Tanong ni Ash.

"Syempre nandito si Ari! Hahanap ako property dito." Ani ko.

"Gagu umuwi ka muna dami natin aasikasuhin!" Kontra ni Jane.

"Kaya mo na yan! Malaki ka na!" Asar ko.

"Yoko papahirapan mo ko." Pagmamaktol niya.

"Isang linggo lang naman hahanap lang ako ng bahay or lote dito." Explain ko.

Tumungo tungo na lang siya pero masama pa din ang loob.

"Tara na kasi bar hopping naman tayo!" Pamimilit niya ulit.

Sa sobrang kulit niya ay napilit niya kami ni Ash.

Nag insist naman si Dr. Xy na aalagaan niya na lang si Ran.

Nagtanong tanong lang kami sa mga lokal dito kung saan ang pinaka magandang bar dito.

Dami sila binigay na suggestion pero sa susunod na lang namin yun pupuntahan yung iba.

Pumili kami ng bar na malapit sa resort kung saan kami nag stay.

Yung walking distance lang.

Pagkadating namin nag simula na agad kami uminom.

Medyo madaming ng tao dahil mag aalas dose na din.

Ang pulutan nga pala namin si Ari.

Siya topic buong inuman namin eh.

"Sa sobrang sama ng ugali neto ni Ari hindi tinanggap sa langit at impyerno kaya binalik sa lupa." Natatawang saad ni Jane.

"HAHAHA! Tarantado!" Saad ko sabay batok sa kanya.

"Gagu! Biruin mo! Nabuhay! Tangina may peklat nga lang sa noo." Di makapaniwala si Jane.

Nakitawa na lang kami ni Ash sa sinasabi niya dahil siguro may tama na din kami.

"Diba kanina lagi ko siya dinidikitan kasi nararamdaman ko na hindi siya na iilang sakin! Kung alam mo lang Val na nirereto na kita sakanya kanina." Saad pa neto.

Halos masamid ako sa sinabi niya.

"Tarantado!" Sigaw ko sabay sabunot sakanya.

"Aray! Biro lang naman! Pero aminin kinilig ka kanina nung sinalo ka niya." Pangangasar neto.

"Oo nga Val. Ang layo ni Ari sayo nun nagulat na lang kami siya pa nakasalo sayo." Dagdag pa ni Ash.

"Kayo! Wag kayong ganyan. Hindi siya si Ari ngayon. Siya si Wave at ang tingin niya lang satin ay customer niya. Sa tingin ko nga impossible na mabalik ang alaala niya." Ngumiti lang ako sabay inom.

Natahimik sila dahil tama ang sinabi ko.

2 years na ang nakalipas malabong maaalala niya pa.

"Kung hindi ka man niya maalala edi. Make her fall for you again." Suggest ni Jane.

Our PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon