Chapter 17

150 0 0
                                    

Nagulat nalang ako nang mapaluhod siya sa sahig habang nakahawak sa kanyang ulo.

"Ayos ka lang ba?" Tanong ko saka siya pinaupo doon sa upuan.

"Tch! Bilisan mo nang bumili, hintayin kita dito"

"S-sigurado ka ba?"

"Yes"

Wala akong magawa kundi ang pumasok sa store. Sana ayos lang siya. Pero ewan ko ba bigla ko nalang siyang naalala. Kumusta na kaya siya?
















































Rogue's P.O.V.

Buti nalang habang nasa ere ako kanina ay nakita ko ang lalaking 'yon. Ba't kasi mukhang babae mukha niya?

Pero ano ba 'tong mga ala-alang 'to?

"What do you think you're doing with my woman?"

The heck sinabi ko talaga 'yon?

At sino ba ang babaeng 'yon?

Ba't ang labo ng mukha niya?

Ba't Strange Woman ang tawag ko sa kanya sa pangyayaring 'yon?

At bakit bigla kong naalala ang bagay na iyon pagkatapos kong iligtas ang lalaking 'yon?

Did I forgot something?

Something... important?


"Salamat nga pala ulit kanina, ayos ka na ba?" Aniya na mukhang tapos nang bumili kaya agad ko siyang nilapitan.










































Vanilla's P.O.V.

Pagkalabas ko ng store ay pinasalamatan ko ulit si Asungot.

"Salamat nga pala ulit kanina, ayos ka na ba?"

Nagulat ako nang lumapit siya sa akin.

"B-bakit? May problema ba?"

"If I stay with you, will I be able to remember that woman?"

Napanganga naman ako sa sinabi niya at halos 'di ko na marinig ang mga tinig sa paligid dahil sa lakas ng tibok ng puso ko.

Kaloka heart! Ba't ang lakas ng energy mo ngayon ha?

"A-ano bang pinagsasabi mo, Dark? S-saka sino bang b-babae 'yan?" Tanong ko sabay iwas ng tingin.

"Nothing. Just forget what I said" aniya at nauna nang naglakad.

Ha?! Sa tingin mo ba makakalimutan ko nalang 'yon ng basta-basta? Kung alam mo lang na babae ako eh hmp!

Pinagtitripan ba niya ako? Hmp!

Agad na akong tumakbo at inunahan na siyang makapasok sa school.

Lechugas na asungot!

Pagkapasok ko sa dorm ay napailing nalang ako dahil tulog na yung dalawa.

"Tch! Ba't nandito sila?" Si Asungot na dumeretso sa kusina at tinignan ang niluluto ko.

"Hayaan mo sila, mga kaibigan ko sila" aniya ko saka sumunod sa kanya sa kusina.

"Hmm... not perfect. Akin na 'yang mga binili mo, ako na ang magtutuloy nito" aniya at bago pa ako magreklamo ay pinagpatuloy na nga talaga niya.

"Siguraduhin mong masarap 'yan ha" banta ko.

The Demon King's Bride Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon