Chapter 34

139 5 0
                                    

Nang mawala na si King Reid sa aking paningin ay nagpakita na ako sa kamahalan pero nakatulala pa rin siya habang namumula.

Kaya't bahagya naman akong natawa.

"Kamahalan, ayos pa po ba kayo?" Tanong ko habang nakangiti.

"N-nandyan ka na pala Van, h-haha! Tara na teka, ba't ganyan ang iyong ngiti? Huwag mong sabihing nakita mo 'yon?!"

"Ahm... unfortunately po, yes eh hehe" sabay kamot ko sa batok.

"Van, kalimutan mo yung nangyari kanina ha!"

"Sige po, kamahalan..." aniya ko habang nakangiti.

"Stop smiling! Niligtas ko lang naman ang lalaking 'yon sa mga bandido at hindi na ako tinigilan!" Singhal niya.

"Hayaan ninyo na lang po siya kamahalan haha. Ang sarap kaya sa tenga na palagi kang pinasasalamatan at saka ayaw ninyo nu'n magkakaroon pa kayo ng ka-ibigan este ng kaibigan pala hehe"

"Ewan ko sayo Van, tara na sa palasyo" aniya kaya sumunod na lang ako.

Pagkasakay namin sa karwahe ay napatingin naman ako kay Noir na naka-pout.

Aba, napapadalas ang pout ng lalaking 'to ah.

"Kamahalan, ba't ang tagal ninyong kausapin yung lalaki kanina? Nakakabagot dito sa karwahe"

"Huwag ka ng maarte Noir, aalis na tayo oh. Pagpasensiyahan mo na ang lalaking 'yan ha, ganyan talaga 'yan" aniya ng kamahalan sa akin kaya't napalunok naman ako at napatingin sa reaction ni Noir na nakanganga.

"Kamahalan, sino pong kausap ninyo?"

"H-ha? Haha! Yung hangin lang kausap ko, pumasok ko na nga lang sa shadow ko" aniya ng kamahalan kaya't sumunod na lang si Noir.

"Wah... mukhang lahat na siguro ng mga demon king may ganyang kakayahan"

"Tama ka dyan Van, common na 'to sa mga demon king"













Pagkarating namin sa palasyo ay may lumapit na isang royal captain sa amin.

"Anong pakay mo, 1st Royal Captain Jhaz Wriedt?"

Nagbigay galang muna ito bago magsalita.

"Kamahalan, may nais pong kumausap sa inyo"

"Sino raw?"

Agad naman niya itong binulong sa kamahalan at pansin ko namang napatingin sa akin ang kamahalan.

"Sige, maaari ka nang umalis. Sabihin mo sa kanya na papunta na ako"

"Masusunod, kamahalan" aniya nito sabay na nagbigay galang at agad na umalis.

"Van, mauna ka na sa garden. Doon tayo magte-training"

"Sige po kamahalan"

Ang hilig talaga ng kamahalan sa garden haha.












































Third Person's P.O.V.

"Accad..." aniya ng ikaapat na demon king sa isang nobleng lalaki.

"K-kamahalan... nandyan na pala kayo" aniya ng nobleng lalaki at nagbigay galang sa ikaapat na demon king.

"Kumusta ang fetus... kumusta si Vanilla?"

"Hanggang ngayon ay fetus pa rin siya... hindi pa rin siya lumalaki. Napakahina ng tibok ng kanyang puso na animo'y maaaring tumigil ito sa kahit anumang oras"

The Demon King's Bride Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon