Chapter 11

248 4 0
                                    

"W-well... I don't know where that stupid peasant lives" aniya ko at kita ko namang nag-iba ang ekspresyon niya kaya napalunok ako.

Ba't naman kaya niya hinahanap ang hampaslupa na 'yon?

"But.. don't worry palagi siyang dumadaan dyan sa bayan ng Ultrea. And... pwede ka rin magtanong sa kanila kung saan siya nakatira"

"Fine, now leave" aniya saka binato sa akin ang mapa kaya agad akong tumakbo papaalis.

What a creepy woman, hindi ko na dapat siya makita pa. Feeling ko manganganib na ang buhay ko kapag nakita ko ulit siya.

I think I should start my journey.




































Hestia's P.O.V.

"Hestia, wala ka ba talagang balak puntahan ang kaibigan mo?" Si Prinsipe Calvin na isa nang ganap na Crown Prince.

"Kamahalan kahit nakabalabal ka pa, alam kong ikaw 'yan" aniya ko.

Nandito kami ngayon sa eskinitang walang katao-tao. Nagulat pa nga ako nang bigla siyang magpakita.

"May balak ako, pero 'di ko alam kung nasaan siya"

"Hmm... do you know Devereux?" Tanong niya habang nakangisi.

"Sounds familiar"

"Iyon ang lugar na ginawa ng 1st Demon King base sa librong 'yon" nagulat naman ako sa sinabi niya.

"T-teka, that place is really exist?"

"I don't know but I want to find out if that place is true. And I think Lady Janai has already hint about that" aniya na parang nangdidilim ang paningin kaya napalunok naman ako.

Hindi ko akalaing may ganyang side ang prinsipe.

"Ba't ninyo naman nasabi 'yan?" Tanong ko.

"Pumunta ako sa kanila kanina at ikuwinento lang nila sa akin ang nangyari, at 'di ka maniniwala sa sasabihin ko" sabay ngisi niya at nagsimula na siyang magkuwento.

Napanganga ako sa nangyari kay Lady Janai.

"Sino naman kaya ang misteryosong babaeng 'yon?" Takang tanong ko.

"Kakaibang babae... mukhang may alam ang babaeng 'yon kung nasaan ang Devereux kaya sumama sa kanya si Lady Janai. Kailangan kong hanapin ang babaeng 'yon" si Prince Calvin na desidido.

"Kamahalan... maaari ba akong sumama sayo? Gusto ko ring makita ang kalagayan ng kaibigan ko, alalang-alala na ako sa kanya"

"Sige, aalis tayo sa Sabado"

"Pero Kamahalan, hindi ka pwedeng umalis sa kaharian... lalo na't ikaw ang Crown Prince"

"Hestia, gagawin ko ang lahat para makaalis dito kaya maghanda kana ng mga gamit mo" aniya ng prinsipe at saka umalis.





































Third Person's P.O.V.

"Tch! Ang lakas niyang sabihin na tanggalan ko ng memorya ang babaeng 'to, wala naman siyang binigay na bote" iritadong saad ng binata na tauhan ng 12th Royal Captain na si Almer.

"Siguro naman kahit 'di nawala ang memorya ng babaeng 'to, 'di na siya makakarating sa Cliveo dahil sobrang layo na niya sa capital" saad ng binata saka hinawakan ang pisngi ng dalaga.

"Hay.. ang ganda mo pa naman tapos ganito lang mangyayari sayo? Sadyang kay 'rumi ng mundo... saka patawad dahil napag-utusan lamang ako at ginagawa ko 'to para matustusan ang pangangailangan ng mga kapatid ko" saad ng binata habang nakahawak sa pisngi ng dalaga.

The Demon King's Bride Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon