Chapter 29

158 3 0
                                    

Jasper's P.O.V.

Parehas kaming napalunok ni sir Noir nang biglang kumidlat ng sunod-sunod.

"That bastard... almost killed Vanilla?!" Aniya ng kamahalan at halos magusot na ang liham dahil sa pagkahawak niya.

"How dare he! I'll kill him...!"  Aniya ng kamahalan at sabay na pagkabuhos ng malakas na ulan.

Para tuloy bumabagyo.

"K-kumalma lang kayo kamahalan... s-saka nasa maayos namang kalagayan ngayon si Vanilla hehe" si sir Noir na pinapakalma ang kamahalan.

"No Noir! Kung nandoon lang sana ako sa event na 'yon ay walang ganoong mangyayari. At ang mas nakakainis pa, bakit walang ni-report ang school sa akin?! I'll talk to them tomorrow morning"

"S-sige kamahalan, magpapadala ako ng sulat na pupunta kayo sa school bukas at pag-uusapan ang patungkol dyan" si sir Noir na nagmamadali at agad na umalis.

"And... Jasper take me to Almer"

"Yes, Your Highness"



































































Vanilla's P.O.V.

"Teka, nasaan si Dark? Kumain lang ako saglit sa cafeteria, nawala nanaman siya" aniya ko.

"Eh paano naman kasi may natanggap siyang liham tapos dali-daling umalis"

"Ay... baka galing sa pamilya niya o kaya emergency?"

"Siguro? Tara na, ituloy na natin"

"Eh..? Teka lang, sakit pa ng kamay ko oh"

"Van kahit masakit pa ang buong katawan mo, tuloy pa rin ang labanan sa isang battlefield kaya masanay ka na at saka gusto kitang manalo" seryoso niyang tugon.

Napabuntong-hininga na lang ako at napangiti sa sinabi niya.

"Hay... sige na nga!"


Pagkatapos ng ilang oras na training ay napahiga na lang ako sa damuhan dahil sa pagod.

"Mahusay, Van! Isang araw pa lang pero ipinakita mo na agad ang iyong potensyal. Mauna na ako ha, see you tomorrow" si Charles na nakangiti at agad na umalis.

"Huhu! Ayaw ko na..." bulong ko sa sarili.

Hinawakan ko naman ang puti kong bow and arrow.

Hmm... paano ko kaya magagamit 'to kung wala namang string hays.







































































Rogue's P.O.V.

"T-teka kamahalan... hindi ninyo pwedeng gawin sa akin ito! Hindi ninyo masasabing tama ang pinagsasabi ng babaeng 'yan na hindi ko naman kilala dahil unang-una sa lahat ay wala kayong ebidensya at pangalawa... Xena, ginahasa ba kita kahit isang beses?"

Kaya't napatingin naman kami kay Xena na nakayuko.

"H-hindi po... hindi po kamahalan"

"Hmm... sige, Almer hangga't wala kaming nakakalap na ebidensya ay hindi mo muna itutuloy ang iyong trabaho rito sa palasyo dahil ikukulong muna kita... sa aking shadow"

"Ha?! Hindi ninyo maaaring gawin sa akin ito!" Singhal niya at susugurin sana ako kaya't agad naman siyang tinutukan ni Jasper mg espada at ng mga kasama niyang kawal.

The Demon King's Bride Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon