Chapter 25

205 5 0
                                    

Yaxley's P.O.V.

'Di ko alam kung ilang beses na akong napanguso dahil sa paglalakad-lakad ng aking hari.

"My lord, pansinin mo naman ako! Ano po ba kasing nangyari at parang balisang-balisa ka?" Tanong ko at napatingin kay Salem na laging walang emosyon.

"Yaxley, I met a boy at an event. And he's so fine..." aniya kaya nagulat naman ako.

"Teka, 'wag ninyong sabihing ipagpapalit ninyo lang ako dahil sa isang lala-"

"Silence! I'm not like what you think and I will never like you" aniya habang sinasamaan ako ng tingin.

Ang sakit ha!

"He resembles my first love..." aniya at kita ko naman ang lungkot sa kanyang mga mata.

Kaya napatayo ako.

"What?! Si Priscilla nanaman?! Ang dami ko nang naitulong sa inyo pero hanggang ngayon siya pa rin ang iniisip ninyo! Ako yung palaging nandito pero yung matagal nang patay ang laging nasa isip ninyo! Ano ako rito, display-ackk!" Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang aking leeg at inangat sa ere.

"Ackk, t-tama na..."

"You're just my henchman, don't ever cross the line you bitch! You're not worth for me to think of you" singhal niya saka ako binitawan sa lupa.

Pansin ko namang umalis siya kasama si Salem kaya't 'di ko na napigilang humagulgol.

"AHHHH!! HOW DARE YOU PRISCILLA! BUTI NA LANG PATAY KA NA DAHIL KUNG HINDI, 'DI KO ALAM KUNG ANONG MAGAGAWA KO SAYO!!!" Singhal ko at mahigpit na ikinuyom ang aking mga kamay.

"And for that boy who looks like Priscilla, I'll kill you!"

Kahit hindi ko alam kung ano ang itsura ni Priscilla dahil hindi naman siya ipinakita sa comic kundi binanggit lang siya.

"Especially if that boy is a reincarnation of Priscilla, then that is more than enough reason for me to kill that brat!"


























































Vanilla's P.O.V.

Bigla na lang akong napayakap sa aking sarili.

"Vivi Vanilla, ayos ka lang ba?" Si Leilah na nag-aalala.

"Ah, oo ayos lang ako. Nilamig lang siguro ako"

"Gusto mo bang bumalik na tayo sa school?"

"Hindi 'wag muna, tinatamad pa ako bumalik"

"Sa tingin mo nasaan na kaya si Prinsipe Calvin?" Tanong ko.

"Malay ko, pakialam ko ba sa prinsipeng 'yon" aniya na napairap pa.

"Ano ka ba Leilah, pagpasensiyahan mo na lang siya. Dahil naniniwala akong balang araw magbabago rin siya"

"Ay sus, maniwala! Hindi 'yon titigil hangga't hindi ka niya nakukuha! Kaya kung ako sayo Vivi ay hindi Vanilla, layuan mo na siya dahil mapanganib ang taong 'yon! Eh 'di ba ikuwinento mo pa sa amin na may nagtutok ng espada sa kumukupkop sayo ngayon? What if siya 'yon?"

"Ha?! Hindi niya 'yon magagawa Lei-este Hestia, alam kong iba ang ugali ni Prinsipe Calvin pero naniniwala akong hindi siya 'yon"

"Hindi mo sure Vanilla, hindi porket nabasa mo siya sa comic eh kilalang-kilala mo na siya, ni hindi mo nga natapos basahin yung comic" si Leilah na umiiling kaya 'di na ako nakaimik pa.

May punto siya, pero alam kong hindi gano'n ka sama ang prinsipeng 'yon.















































The Demon King's Bride Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon