Chapter 13

218 4 0
                                    

Hestia's P.O.V.

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata.

"Hestia, ayos ka lang ba? Kainis, 'di ko manlang naabutan ang babaeng 'yon ni hindi ko manlang nakita ang itsura niya" si Prince Calvin na naiinis.

Pagkabangon ko ay biglang dumating ang mga ala-alang dapat 'di ko nalimutan.

"W-why are you crying?"

"Vivi, Rhianne..."

"Vivi, Rhianne? Sino ang mga 'yon?" Nagulat naman siya nang hawakan ko ang dalawang kwelyo ng kasuotan niya.

"Hoy, prinsipe ka 'di ba? Ibalik mo ang mga kaibigan ko!" Singhal ko habang niyuyugyog siya.

"Hestia, ano bang pinagsasabi mo? Come at your senses!" Si Prince Calvin na biglang tumayo kaya tumayo din ako.

"Hoy prinsipe! I'm not Hestia, I'm Leilah!" Sabay turo ko sa sarili kaya napakunot noo naman siya.

Teka lang... ito na ba yung tinatawag nilang reincarnation?!

"Hestia, ikaw pa naman 'yan 'di ba? Parang nag-iba ang mga kilos mo, anong nangyayari sayo?"

"Wala kang pakialam, saka pwede bang ngayon na tayo umalis?"

Feeling ko kasi may kakaiba kay Vanilla eh, lalo na yung mga pinagsasabi niya sa akin nung 'di ko pa naaalala ang dati kong pagkatao.

Katulad nalang yung...

"Hoy mga letchugas na noble bitawan ninyo nga yung bida ng kwento!"

Feeling ko si Vanilla at yung babaeng nagtangkang pumatay sa akin ay galing sa mundo ko? Dahil alam nila ang comic. At baka reincarnated din sila tulad ko!


"Pati kung paano ka magsalita ay nag-iba rin. Hmm... sige punta na tayo siguro naman nakapaghanda ka na?"

"Syempre ako pa, tara na dali let's go!"




































Vanilla's P.O.V.

"Mukhang napasarap ang gala mo, Van" si tiya na mukhang kanina pa naghihintay.

"Hehe.."

Pagkauwi namin ay agad akong humilata sa bago kong kama.

Ganito pala kahirap ang maging lalaki, hays.

"Van, kain na tayo" boses ni tiya mula sa baba.



"Oo nga pala Van, pumunta na ako sa magiging school mo kanina nung gumagala ka. Bale sa susunod na linggo ay kukuhanin ka na nila dito at doon ka na maninirahan" aniya habang kumakain kaya nabilaukan naman ako.

"Ayos ka lang ba?" Si tiya na kinuhanan pa ako ng tubig.

"A-ayos lang po ako, edi ibig sabihin magdodorm ako kasama ang mga lalaki!?"

"Iyon lang naman kasi ang naisip kong paraan para makaipon ka ng pera. 'Wag kang mag-alala pamangkin ko, tuturuan kitang umakto kung paano maging lalaki at sa gayon ay walang makakahuli sayo" aniya habang napangisi.

Wow, that confidence!

"S-sigurado po ba kayo tiya?"

"Ha! Oo, alam mo bang umakto na akong lalaki dati? Nang dahil nga doon ay nakapangloko ako ng mayamang babae kasi akala talaga niya lalaki talaga ak-ehem!" Si tiya na napaiwas ng tingin.

My goodness! Ginawa talaga ni tiya 'yon!?

"K-kalimutan mo yung nasabi ko h-haha! Basta sinisigurado kong 'di ka nila mahuhuli" si tiya na determinado kaya agad akong napatango.






































The Demon King's Bride Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon