Chapter 7

359 11 1
                                    

Halos ilang minutong walang nakaimik pagkatapos sabihin ng prinsipe 'yon.

Kaya pala pamilyar yung line na 'yan sa librong The History of First Demon King kasi nasa comic din. Isa lang ang masasabi ko, yung librong 'yon ay 'di mo masasabing 'di totoo.

Nagulat ang lahat na narito kahit ako nang biglang ilahad niya ang kanyang kamay sa harap ko kaya hinawakan ko ito at napatayo ako.

"R-rinig ninyo ang sinabi niya? Siya nga ang Demon King at ang babaeng 'yon ay kasabwat niya!" Singhal nung matandang attendant ng hari kaya napahiyaw ang lahat at kumuha ng kaniya-kaniyang sandata at itinutok sa direksyon namin.

"T-teka lang! Walang kinalaman dito si Vanilla!" Si Hestia na humahagulgol saka yumakap sa braso ko.

Nagulat si Hestia nang itulak siya ng isa sa mga kawal at sabay itinutok sa leeg ko ang espada.

"Vanilla!!" Sigaw ni Hestia dahil isasaksak na sa leeg ko nung kawal yung espada kaya napapikit nalang ako at naghihintay ng kamatayan.

Ang malas mo naman Vanilla, kaka-reincarnate mo lang tapos mamamatay ka nanaman? Haha, 'kakatawang buhay.




















Nagulat ako nang may humawak sa beywang ko kaya naidilat ko ang aking mga mata.

"N-nasa dibdib ako ng prinsipe?! N-niyakap niya ako!?" Bulong ko sa sarili saka napatingin sa isa niyang kamay na nakahawak sa espada nung kawal at napanganga dahil natunaw 'to kahit 'di niya ginagamit ang kapangyarihan niya. At dahil doon ay napaupo ang kawal na 'yon habang nakanganga.

"Hold me tight, strange woman"

"Ha? Bakit, saka ba't strange wo-ahhh!" Sigaw ko kasi bigla kaming lumipad.

Tinignan ko ang likod niya pero walang pakpak. So powerful.

"A-ayos ka lang ba Vanilla?" Si Hestia mula sa baba kaya agad akong tumango.

"Ahh! Takbo yung halimaw lumilipad!

"Naku po! Ano nang mangyayari!?"

"Mamamatay tayo, magsitakbo na tayo!"

"Jusko anak, bumalik ka dito!" Si mama pero ngumiti lang ako sa kanila.

"Ma, kahit bumalik ako sa inyo. Nakaukit na sa puso ng mga tao dito na kasabwat ako pero 'wag kayong mag-alala ayos lang po ako at babalikan ko kayo kapag maayos na ang lahat" aniya ko sa kanila habang nakangiti.

"K-kung 'yan talaga ang gusto mo Vanilla.... bilang kaibigan mo ay irerespeto kita kaya mag-iingat ka kundi magagalit ako sayo at 'di na kita papansinin habang buhay" si Hestia na nagpupunas ng luha.

Biglang tumulo ang aking luha nang dahil sa sinabi niya.

"Langya ka naman gusto mo ba talagang sumama doon? Hay! Kung 'yan talaga ang gusto mo Vivi.... bilang kaibigan mo ay irerespeto kita kaya mag-iingat ka kundi magagalit ako sayo at 'di na kita papansinin habang buhay" si Leilah na nakacross arms habang nakapout.

Hestia, naalala ko nanaman sayo ang kaibigan ko.

"Oo! 'Wag kang mag-alala Hestia, babalikan din kita. Mag-iingat ka rin" aniya ko habang lumuluha na nakangiti. At natuwa ako dahil inihagis niya sa akin yung bag na pinag-impakehan ko kanina.

Nagulat ako nang bumalik si Janai sa palasyo at gulat na gulat na nakaturo sa akin.

"I-ikaw!? Noble ka pala!?" Singhal niya at buti nalang 'di siya napansin ng prinsipe.

"Get ready, we're leaving" seryoso niyang tugon kaya 'di na ako nakapagreklamo.

Nagulat ako nang bigla kaming lumipad ng mabilis. Kaya napasigaw nalang ako sa isip ko, dahil kung sisigaw ako ng actual ay baka inihagis na ako ng prinsipeng 'to.




The Demon King's Bride Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon