Prologue

1.1K 20 1
                                    

"Mga 'te, kailangan ko nang magbasa ng new comic! Naboboring na ako!" Singhal ko.

"Naku, wala na akong mairerekomenda sayo inday. Halos lahat ng comics ko nabasa mo na eh kung maghanap ka na kaya ng trabaho para 'di ka maboring?" Iiling-iling na sagot ng kaibigan ko na si Rhianne.

"Oo nga, hindi yung tambay ka lang dyan sa bahay ninyo kaya laging kang nasisigawan ni Tita Aira eh..!" si Leilah na lasing na.

"Nakailang apply na ako, 'di naman ako tinatanggap!" Sabay inom ko sa isang bote ng soju.

"Uy uy! Tama na 'yan, babaeng 'to talaga!" Si Rhianne na inaagaw sa akin yung soju.

"Ano ba... kakainom ko lang eh!"

"Anong kakainom ka dyan! Nakatatlong bote ka na nga kaloka, lagot ka nanaman dyan kay tita" si Rhianne na nakacross arms.

"Comic book huhu... ahhh! Haha!" Sigaw ko saka pumalakpak kaya napatingin ang mga tao sa akin.

"Isa pang bote! Mwehehe!" Si Leilah na pumalakpak din.

"H-hindi ko po sila kilala..." si Rhianne na nakayuko.

"Hays! Tama na 'yan, tara punta tayo sa condo ko meron pa akong isang comic book na 'di ko pa nabasa" si Rhianne na napakamot sa ulo.

Ewan ko ba pero biglang nawala yung pagkalasing ko.

"Meron pa naman pala! O siya let's go!" Sigaw ko.




Pagkarating namin sa condo ni Rhianne ay agad kaming pumunta sa mini library niya.

"Comics, comics, comics..." aniya ko na excited.

"Wait ka lang inday, ito oh. Dito nalang kayo matulog" agad niyang binigay sa akin ang isang comic book na maganda ang cover.

"The Demon King's Bride? Wow, sounds interesting!" Singhal ko at agad na humiga sa kama para magbasa.

"Hele nemen! Ang gwapo naman ni Rogue Denver Durkheim lalo na yung red eyes niya, crush ko na siya pati yung kapatid niyang si Calvin Lei Durkheim! Kaso nga lang ang laki ng inggit ni Calvin sa kuya niya, eh may sarili din naman siyang kakayahan hay!" Sambit ko saka humiga sa kama.

At saka prinsipe silang dalawa bale si bebe Rogue ang Crown Prince.

"Ay naks! Ang ganda naman ni Hestia Campbell, what a pretty blonde hair at saka she's from a poor family pero 'wag ka bida 'yan. Oh! Here's the villain Janai Beatrice Glamour, nairita na agad ako sa fes niya ah"

Habang binabasa ko ang comic ay manghang-mangha ako dahil sa ganda. So masasabi mo palang bride ka kapag may nakaukit na rose na pula na may tangkay na itim sa likuran mo. At magpapakita lang ang simbolong 'to kapag 18 years old ka na.

"OMG! Tamang-tama mag 18 na si Hestia, paniguradong siya ang bride" aniya ko.

"A-ano 'tong nakaukit sa likod ko? Bulaklak?" Si Hestia na nakatalikod sa salamin.

"Bahala na kung ano 'to! Kailangan ko ng magbihis dahil paniguradong nagluto na si nanay at tatay ng mga handa ko" excited na tugon ni Hestia at agad na lumabas ng cr.

Aww... ang simple lang ng handaan nila pero masaya na sila parang kami lang din nila mama.

Sa totoo lang 'di ko alam kung nakailang chapter na ako, mabilis kasi akong magbasa. Mukhang wala pang isang linggo matatapos ko na 'to. Bale wala pang nakakaalam kung bakit pula ang mga mata ng unang anak ng hari at reyna pero si Rogue may hint na siya na iba siya sa pamilya niya pero 'di lang niya sinasabi dahil ayaw niyang mahiwalay sa pamilya niya.

The Demon King's Bride Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon