Rogue's P.O.V.
Dahil sa dami ng mga nangyari ay nakalimutan ko nang pumunta sa lugar na iyon. Gusto ko lamang malaman kung bakit ko naririnig ang boses ni Van.
"Kamahalan, pasensiya na ngunit wala akong ideya sa inyong mga isinambit sapagka't ngayon lamang ito nangyari. Kahit sa mga nakaraang demon king ay walang ganyan na nangyari"
"Hmm... sige maraming salamat"
At agad na umalis sa lugar na iyon.
"Kamahalan, pupunta po ba tayo sa Demon King's Basement?" Si Noir na lumitaw mula sa shadow ko at tumango lamang ako.
Pagkapasok namin sa basement ay bahagya akong namangha dahil ito pala ang basement ng unang demon king.
"Raia? Sino ang taong ito, Noir?"
May nabasa kasi akong isang liham para sa taong ito at mukhang ito ay galing sa first demon king.
"Hindi ninyo po ba nakita ang pangalang 'yan sa memorya ninyo nung naging demon king kayo?"
"Hindi, dahil hindi naman lahat ng memorya ng first demon king ay ipapakita"
"Hmm... kung gano'n po, siya yung kasintahan ng una kong hari. Sa daming pangyayari sa buhay ko ay wala na akong masyadong maalala pa pero ang masasabi ko lang ay napakabuti niyang tao lalo na sa amin na kahit sa kabila ng lahat ng mga pinagdaanan niya ay patuloy pa rin siyang nagpapakita ng kabutihan sa ibang tao" si Noir na bahid ang lungkot sa kanyang boses.
"Bakit, ano bang mga pinagdaanan niya?"
"Hindi ko na rin po maalala kamahalan, pero sa pagkakaalam ko hindi ko makakaya ang mga pinagdaanan niya kung ako ang nasa kalagayan niya"
Hindi na ako umimik pa at naglibot sa basement hanggang sa makapunta ako sa pinakaduluhan ng basement.
Nagulat ako nang may nakasabit na malaking papel at mahiwaga ang papel na ito sapagka't may liwanag ito. Nagulat ako nang magkaroon ito ng mga sulat.
"Maghanda ka, sapagka't magtatapos na ang lahat sa iyong panahon. Huwag kang mawalan ng pag-asa dahil ang iyong hinahanap ay nakita mo na"
Naalala ko na, ang papel na ito ay kusang nagkakaroon ng isang mensaheng na nais ipabatid sa isang demon king. Ibig sabihin ang mensaheng ito ay para sa panahon ko na kung saan ako ang nakaluklok bilang bagong demon king.
"Noir"
"Ano po iyon kamahalan? Teka, may mensahe na pala sa papel na ito!"
"Naiintindihan mo ba ang ibig sabihin nito, Noir?"
"Patawarin ninyo ako kamahalan ngunit hindi ko rin maintindihan ang ibig sabihin ng mensahe na ito. Ano po bang hinahanap ninyo, kamahalan?"
"Sa pagkakaalam ko, si Vanilla lang naman ang hinahanap ko. At imposible naman kung siya ang tinutukoy dyan dahil masyadong simple ang mensahe kung siya nga"
"Sa bagay, may punto kayo kamahalan"
At ano ang magtatapos sa panahong ito?
Vanilla's P.O.V.
"Kainis naman, ba't ang hirap huhu" bulong ni Rhianne sa kanyang sarili.
"Ang hirap ng history kanina pero itong math medyo madali" si Leilah.
Sana all nadadalian sa math.
Ngayon na ang exam day namin at ang masasabi ko lang ay sa aming tatlo, ako ang mas nahihirapan. Ilang araw na ang lumipas kaya halos lahat pagod kami pero wala kaming magagawa dahil sa letcheng exam na 'yan.
BINABASA MO ANG
The Demon King's Bride
FantasyWhat if you suddenly die and reincarnate as an extra in the comic that you're reading in your previous life. What will you do? Will you stay as an extra or will you interfere in the events of the main characters? That's what Vivi or Vanilla needs to...