Hestia's P.O.V.
"Hoy, kaano-ano mo yung Maelstrom na 'yon?" Masungit na tanong ni Janai.
"Kaibigan ko, bakit?" Masungit ko ring tugon.
"Wala, gusto ko lang namang ipamukha sa kanya na sa akin lang si Prince Rogue. My goodness! Nung umalis sila sa Durkheim ay grabe ang pagkakadikit niya sa prinsipe ko!"
"FYI, hindi kayo ni Prince Rogue kaya 'wag mong sabihin na 'prinsipe ko' at saka lakas naman ng loob mong sabihin 'yan eh ikaw nga itong tumakbo nang makita mo ang tunay niyang pagkatao" pagkasabi ko nu'n ay kita ko ang takot sa kanyang mga mata.
"H-hindi ko naman s-sinasadya 'yon eh... n-nagulat la-"
"Ibig sabihin lang na ang mga katulad ni Vanilla ang dapat na nasa tabi ni Prince Ro-"
"Shut the hell up, you bitch! Kaya ko nga siya pupuntahan para bumawi at ipakita sa kanyang hindi ko na gagawin 'yon!"
"Tss! Pwede bang manahimik kayong dalawa?" Yung prinsipeng umiidlip.
Napairap nalang ako at tumahimik naman na yung bruhilda.
Kapag malapit na kami sa Devereux ay hihiwalay na ako sa dalawang 'to 'di ko na sila kayang makasama, nakakairita.
At saka...
Napahawak naman ako sa likuran ko kung nasaan ang simbolo ng pagiging bride ko...
... kailangan kong makahanap ng paraan kung paano matanggal ito. Dahil naniniwala akong hindi ako ang karapat-dapat sa bagay na 'to, mas gugustuhin ko pang mamuhay ng tahimik at payapa sa loob ng comic kaysa maging bida ng kwento.
Halos buong byahe ay walang umiimik at sa tingin ko ay isang araw at kalahati na ang nakalipas. At oo gano'n katagal ang byahe namin.
"Ahm... mawalang galang na po hanggang dito nalang po ang byahe. Bawal na kaming lumagpas pa rito, kung saan man po kayo pupunta ay mag-iingat po kayo" yung driver kaya agad naman na kaming bumaba at binigay ang aming bayad.
Nang makaalis ang karwahe ay agad naman naming tinignan ang mapa.
"Hmm.. mukhang nandito tayo sa lokasyon na 'to. Medyo malayo pa tayo" ang prinsipe kaya kami'y nagsimula nang maglakad.
"Huhu... 'kakapagod naman"
"Ay wow wala pa tayong isang oras na naglalakad, pagod ka na agad?" Sabay irap ko.
"Hmp! 'Wag mo akong itulad sa inyong mga mahihirap!"
"Mayaman rin naman ako dati pero hindi ako ganyan..." bulong ko sa sarili at nauna nang naglakad.
Habang naglalakad kami ay napaupo nalang ako sa lupa dahil sa biglang sumakit ang tattoo na nasa likod ko.
"A-arghh! Ang sakit!"
"Hestia, ayos ka lang ba?"
"A-ayos la-arghh!"
Sa sobrang sakit ay 'di ko nalang namalayan na nawalan na ako ng malay.
Janai's P.O.V.
Ganito ba kahina ang mga peasants? Bigla-bigla nalang nawawalan ng malay.
"Buti nalang nakahanap tayo ng isang abandonadong bahay para kay Hestia" si Prince Calvin na nakatingin sa nakakairitang babae.
"Nag-aalala ka ba sa babaeng 'yan, Prince Calvin?"
"Oo naman, dahil siya ang kaibigan ng taong gusto ko" aniya saka hinawakan ang noo nito.
BINABASA MO ANG
The Demon King's Bride
FantasyWhat if you suddenly die and reincarnate as an extra in the comic that you're reading in your previous life. What will you do? Will you stay as an extra or will you interfere in the events of the main characters? That's what Vivi or Vanilla needs to...