Pagkarating namin sa bahay ay panay paliwanag yung dalawa at kahit din ako kaya walang napagalitan sa amin. 'Di ko naman kayang mapagalitan sila nang dahil sa akin.
Pagkapasok namin sa kwarto ko ay namangha si Hestia at napanganga.
"Wahh! Ang ganda ng kwarto mo samantalang ganito lang kalaki ang bahay namin" napailing nalang ako sa sinabi niya at ngumiti.
"Grabe ang bait at nakakatuwa yung mga magulang mo"
"Di ba sabi ko sayo hihi. O siya pili ka na nang susuotin mo dyan" sabay bukas ko ng pinto sa wardrobe room ko.
"Ang daming magaganda wahh..." natutuwa niyang tugon.
Kahit din ako ganyan ang reaction ko kanina nang makita ang kwarto ko haha.
"Itong pink gusto ko ang cute parang fairy" sabay kuha niya doon sa dress.
"Wow! Good choice!" Aniya ko. Pangbida talaga yung itsura bagay sa kanya.
"At dahil pink sayo mag blue naman ako" agad naman siyang tumango.
"Good choice too, Vanilla" nag-apir naman kaming dalawa.
At pagkatapos ng maliit na kwentuhan ay pinahatid ko na siya kay Kuya Ethan.
Bababa sana ako ng hagdanan nang marinig kong nag-uusap sila mama at papa.
"Grabe ang laki ng pinagbago ng anak natin. Samantalang dati ayaw niyang nakikipag-usap sa mga dukha pero ngayon isa pa sa kanila ang una niyang naging kaibigan" si papa.
"Oo nga eh, nakakatuwa talaga si Vanilla. She's unpredictable and so humble to others, she's so very opposite before na maaksidente siya" si mama.
"But it's good thing na nagbago na siya. Hindi ko na alam kung paano ihahandle yung dati niyang ugali" si papa na nagkakamot sa ulo kaya napangiti nalang ako.
Pumasok nalang ako sa kwarto at natulog dahil 1:00 pm ng hapon gaganapin ang ball. Ewan ko ba kinakabahan ako siguro dahil makikita ko nang harap-harapan yung dalawang prinsipe.
BINABASA MO ANG
The Demon King's Bride
FantasyWhat if you suddenly die and reincarnate as an extra in the comic that you're reading in your previous life. What will you do? Will you stay as an extra or will you interfere in the events of the main characters? That's what Vivi or Vanilla needs to...