Vanilla's P.O.V.
Hay... sa wakas last subject nalang. Ilang subjects na kasi ang nakalipas para kalang nasa Earth, gano'n rin yung mga subjects dito. Puro academic subjects lang rin, knowledge class raw kami kaya tutok kami sa academic subjects huhu.
Ba't kasi ito pinili ni tiya? Huhu.
"Knowledge class, dismissed!" Si sir Lance na Science teacher namin na palangiti saka umalis.
By the way, gwapo niya mga 'te may asawa nga lang.
"Guys, baka naman alam ninyo kung kailan bibisita si Mr. Shun Laurent Dixon" si Harris na nakapout.
Kaya napanganga naman ang lahat ng narito kahit ako. Kita ko rin ang mariing mga tingin ni Dark kay Harris.
"Harris, ba't mo naman hinahanap ang isa sa mga nag-donate sa school na 'to?" Si Jed.
"Oo nga nakamaskara kaya siya, weird nga eh" si Milo.
"Teka, 'wag mong sabihing hihiram ka ng pera sa kanya?" Si Thett na nakanganga.
"Mga engot hindi!" Singhal ni Harris.
Bakit naman hinahanap ni Harris ang main villain ng comic na 'to? Bale isang beses ko lang nakita si Shun sa comic, eh paano naman kasi saglit ko lang nabasa yung comic.
"B-bakit ninyo naman hinahanap ang main vi- este si Shun Laurent Dixon?" Tanong ko.
"Sa totoo lang magpapatulong kami sa kanyang mahanap ang isa naming kaibigan" bulong ni Khalil.
Ah! Oo nga pala hanapan pala ng nawawalang tao ang demonyong 'yon.
Hindi ko naman pwedeng ipahanap sa kanya si Hestia dahil paniguradong papatayin niya ito at hindi ko hahayaang mangyari 'yon.
Agad na akong pumunta sa dorm dahil sa pagod dahil mukhang may kailangan pang gawin yung dalawa kaya nauna na ako.
"Hoy, bakit kamo hinahanap nila ang bastar- si Shun Laurent Dixon?"
Napatili naman ako sa gulat kaya napatingin ako sa aking likuran dahil nasa kusina ako.
"What the heck is that scream? It's like a girl's scream" aniya habang nakakunot noo.
"A-ah! E-ehem! Gano'n lang talaga akong tumili saka ba't mo ba tinatanong?" Sabay iwas ko ng tingin.
"I'm interested with Shun Laurent Dixon" seryoso niyang tugon kaya napanganga naman ako.
Teka... 'wag mong sabihing may tinatagong pagkabading ang asungot na 'to?! OMG?!
"Tch! I don't like your expression, stop tha-" nagulat siya nang hampasin ko siya sa kanyang braso.
"Ay naks ikaw ha! May tinatago ka palang ano ha hahaha!" Aniya ko habang natatawa kaya lalong kumunot ang kanyang noo.
"What the hell are you talking about?"
"Haha! Wala wala, 'wag kang mag-alala wala kang kaagaw doon. Nagpapatulong lang sila kay Mr. Shun na hanapin yung nawawala nilang kaibigan. Wala namang bading sa kanila hihi" binulong ko nalang yung bandang huli baka marinig niya haha.
"I heard that, Van" aniya saka ako mariing tinignan.
Nagulat nalang ako nang hubarin niya ang polo niya kaya ang result naka-topless tuloy siya.
"Do I look like a gay to you, huh?" Aniya saka lumapit sa akin.
"B-baliw ka ba, ba't ka naghubad?!" Singhal ko sabay takip sa mukha ko.
"Why are you hiding your face? Ngayon ka lang ba nakakita nito? Teka, wala ka sigurong abs" aniya at ramdam ko ang pagngisi niya.
"H-ha?! Hindi kaya 'no, kapal mo naman!" Aniya ko sabay dilat ng aking mga mata at napatingin nanaman sa mga pandesa- ackkk! Ayoko na!!
BINABASA MO ANG
The Demon King's Bride
FantasyWhat if you suddenly die and reincarnate as an extra in the comic that you're reading in your previous life. What will you do? Will you stay as an extra or will you interfere in the events of the main characters? That's what Vivi or Vanilla needs to...