Mukhang wala na akong papel dito.
Now its time to find work!
Aalis na sana ako nang tignan akong mariin ng prinsipe kaya napalunok nalang ako.
Bumalik na ang lahat ng mga tao sa kani-kanilang gawain kaya patago akong sumunod sa kanila papasok sa palasyo.
Pagkapasok palang sa malaking gate ay napanganga na ako.
"Wahh! Ang lawak, mas malawak pa sa palasyo ng Durkheim!" Sigaw ko habang nakanganga kaya napatingin ang lahat sa akin at nag-peace sign sa kanila.
"S-sabi ko nga tatahimik na ako" aniya ko sabay ni-zipper-an ang bibig. Kaya nagpatuloy ang lahat sa pagpasok ng palasyo.
"Paano mo nalaman 'yan?" Yung bwiset na demon.
"Ha? Ang ano?" Tanong ko.
"Wala" aniya at nauna nang naglakad.
Tignan mo 'to magtatanong tapos 'di naman sasabihin tsh! Sama talaga ng ugali.
Siguro inabutan kami ng 7 minutes bago makapasok sa loob ng palasyo. Ang haba ba naman ng bridge na dinaanan namin kanina.
Pagkapasok palang namin ay mas lalo akong napanganga dahil sa sobrang laki at may pa-red carpet pa, sosyal.
Pansin ko ang mga kawal na nakatayo sa magkabilaang gilid at nagulat ako nang sabay-sabay silang lumuhod at nagbigay pugay sa New Demon King.
Pagkatapos nu'n ay mahabang hallway pa ang nilakad namin bago makapunta sa trono ng Demon King.
Wow, ang laking upuan!
Walang nakaimik dahil sa pag-upo ng prinsipe sa kanyang trono. Nagulat ako nang lumuhod ang lahat kaya lumuhod na rin ako at sabay-sabay na nagbigay pugay.
Pagkatapos ng pangyayaring 'yon ay nag-atas ang prinsipe ng mga bagong opisyales ng palasyo.
"Jasper Wriedt, I assign you to become a 1st Royal Captain. I saw your great performance through this" sabay pakita niya nung bilog na crystal at nagsimula itong magpakita ng mga pangyayari.
Wow! Ang angas naman palang makipaglaban ang bwiset na demon na 'to.
"It's my pleasure to serve you, Your Highness. I'll gladly accept my position and will use this for your glory" aniya habang nakaluhod at nagpalakpakan naman ang lahat.
Kaya pala ang lakas niyang sabihin na mukha akong useless. Edi ikaw na hindi useless!
Nagpatuloy lang ang pag-atas ng prinsipe sa bagong opisyales ng palasyo. Halos 15 pala ang dapat na maatasan na Royal Captain sa dami ba naman ng mga kawal eh.
Pagkatapos ng pangyayaring 'yon ay nagsialisan na ang lahat hanggang sa kami nalang dalawa ang natira. Eh paano kasi 'di naman niya ako pinaalis.
Nagulat ako nang lumapit siya sa akin at mariin akong tinignan.
"Sigurado ka bang hindi ka dito magtatrabaho?" Using his deep voice kaya napalunok ako at tumango.
"Y-yes Your Highness, lalo na't siya ang 1st Royal Captain baka maging utusan pa niya ako tapos 'pag 'di ko siya sinunod biglang magbigay ng death threat"
"Ha? Anong sabi mo?"
"Ah eh... wala po kamahalan haha! Ang sabi ko po ay opo, hindi po ako magtatrabaho dito"
"Hmm... kung gano'n saan ka naman maninirahan?"
"Sa labas po, meron naman pong mga inn dyan 'diba?"
"Hindi, dito ka sa palasyo maninirahan. You're the only who believed at me after all"
"Ahm.. kung gano'n po ba't 'di ninyo rin po patirahin dito yung mga tao sa labas? Naniniwala din sila sa inyo" aniya ko at nagulat naman ako nang takpan ng prinsipe ang kanyang bibig dahil nagpipigil siya ng tawa.
BINABASA MO ANG
The Demon King's Bride
FantasyWhat if you suddenly die and reincarnate as an extra in the comic that you're reading in your previous life. What will you do? Will you stay as an extra or will you interfere in the events of the main characters? That's what Vivi or Vanilla needs to...