Chapter 33

140 6 1
                                    

Shun's P.O.V.

"Tsk! Kahit kailan talaga, tatanga-tanga ang Almer na 'yon!" Singhal ko.

"Anong nais ninyong gawin ko, kamahalan?" Tanong ni Salem habang nakayukod.

"Wala kang dapat gawin Salem, ako na ang bahala" aniya ko at agad na pumalakpak ng isang beses.

"Kamahalan, naglagay rin kayo sa taong 'yon?"

"Of course, Salem. Paniguradong wala na sa mundong 'to ang lapastangang 'yon" aniya ko.

"Kamahalan..." aniya ng dumating at halatang pagod na pagod.

"O, nandito ka na pala? Kumusta, may nakuha ka pa bang impormasyon patungkol sa kanya?"

"Opo kamahalan... sa Asrar Garden alam ninyo po ba ang kakaibang puno na naroon?"

"Kakaibang puno?"

Napaisip naman ako at nagulat dahil posible na ang punong iyon ay ang puno ng babaeng 'yon.

"Ang puno ba na iyon ay maraming alitaptap?"

"Opo kamahalan! Parang iyon na nga ang tirahan ng mga alitaptap"

Nagulat naman ang lahat ng aking mga alagad dahil sa aking pagtawa.

"Hindi parang dahil tirahan talaga ng mga alitaptap ang punong iyon. Ang punong iyon ay pagmamay-ari ng ikaapat na demon king ay mali, ang punong iyon ay ang mismong ikaapat na demon king"

Marami namang nagulat sa aking nasambit.

"P-paanong naging ikaapat na demon king iyon, kamahalan?"

Napangisi na lang ako.

Hmm... hindi ko akalaing sa hardin pa ng Tartarus mo itatago ang iyong katawan, Hazel.

"Teka, bakit pala nasama ang punong iyon nang itanong kita patungkol kay Van?"

"Pagkatapos niyang mag-training ay dumeretso siya sa punong iyon at natulog"

"Dumeretso? Ibig sabihin alam niya na may kakaibang puno sa Asrar Garden at teka natulog? Doon pa siya natulog?"

"He's really interesting! Observe him more"

"Yes, my lord"































































Rogue's P.O.V.

"Kaia, mapagkakatiwalaan ba kita sa misyong ito? This mission of yours is a top secret mission, just tell me if you need anything"

"My lord, can I bring the vice-captain of my division along with me?"

"Good decision but who'll lead your division while you're away on your mission?"

"It's Diego Browne, my division's future royal captain"

Lihim naman akong napangiti dahil pinag-iisipan na nila ang maaaring isunod na royal captain.

"Huwag po kayang mag-alala sapagka't nasabi ko na sa kanila pero hindi ko naman po sinabi kung anong misyon ko"

"Good, pwede ka nang umalis bukas ng umaga"

"Masusunod, kamahalan" si Kaia na nagbigay galang bago umalis.

"At ikaw Noir, 'wag ka munang manatili sa shadow ko dahil gusto kong tutukan mo ng pansin ang itim na crystal"

"Kamahalan... si Almer bigla na lang sumabog" si Jasper na tumatakbo papunta sa amin kaya't nagkatinginan naman kami ni Noir.

"Teka, sumabog? Ibig mong sabihin... self-destruction? Huwag mong sabihin na may nakita ka ring itim na crystal?" Si Noir.

The Demon King's Bride Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon