Chapter 15

210 2 0
                                    

Ito na ang araw na kinatatakutan ko, ang araw ng pasukan.

Grabe, 'di ko akalaing babalik ulit ako sa eskwelahan pero alam kong ibang eskwelahan ang papasukan ko.

"Van, yung mga payo ko ha"

"Yes, tiya. Mag-iingat po kayo rito at 'wag kayong mag-alala, magsusulat ako sa inyo"

"Mag-iingat ka rin ha, Van"

Pagkatapos naming magpaalam ay lumabas na ako ng bahay at napalunok ako nang makita ang nagsisiiyakan na mga babae.

"Huhu! Van ko, mag-iingat ka"

"Galingan mo huhu, susuportahan ka namin kahit 'di mo kami nakikita"

"Sapawan mo silang lahat doon huhu"

"H-haha... salamat sa inyo. Mag-iingat rin kayo" aniya ko at napatili naman sila.

Pagkatapos kong magpaalam sa mga kapitbahay namin ay saktong dumating na yung magarang karwahe.

Pagkasakay ko rito ay napahawak ako sa aking dibdib dahil sa kaba. Huhu! Sana walang makahuli.

Medyo malayo pa naman ang byahe sa Lyscia pa.

At dahil dyan iidlip muna ako dahil 'di ako nakatulog ng maayos kagabi.








"Sir, gising na kayo"

"Nandito na pal-wow castle ba 'to?"

"Ay hindi, school 'yan"

Napakamot nalang ako sa ulo at bumaba ng karwahe.

Kaloka ang bongga mo naman Tartarus.

Pagkapasok ko sa malaking gate ng school ay 'di ko pa rin maiwasang mamangha dahil ang ibang disenyo ay gawa sa ginto.

Napatingin ako sa paligid at pansin kong may mga bago lang rin dito kasi wala pa silang uniform like me. Bale pinagtitinginan tuloy kami huhu.

Kaloka nasa pugad ako ng mga lalaki! Pero kailangan kong gawin 'to para mapuntahan ko na si Hestia.

"Ehem! Good morning freshmen! I am Lucio Vendel, the head teacher of this school but just call me Sir Lu. So here's your classroom number, schedule, and dorm number. Go to your dorms and rest dahil magsisimula na kayo bukas. Goodluck and have a great day students!"

Pagkatapos niyang ibigay sa amin ang isang malaking papel at yung susi ng dorm ay agad rin siyang umalis.

Ay wow, busy yarn? 'Di manlang kami inilibot sa school, kaloka.

Tinignan ko naman yung papel at napabuntong hininga dahil sa likod pa pala ng school ang dorm building.

Makapunta na nga doon.


"Langya, pati ba naman sa dorm magkasama pa rin tayo?"

"Wala ka nang magagawa doon"

Pansin ko naman yung dalawang lalaki na parang nag-aaway, sa tapat pa mismo ng dorm building.

Ewan ko ba pero parang pamilyar sila sa akin. Pansin kong napatingin ang dalawa sa akin at 'di ko nalang napansin na halos ilang minuto rin kaming nagtititigang tatlo.

"Uy Hes-este Harris, parang pamilyar siya sa akin"

"Oo nga... parang pamilyar rin siya sa akin, Khalil"

'Di ko nalang sila pinansin at pumasok na sa building.

Nang mahanap ko ang dorm number ko ay agad akong pumasok at napanganga.

"N-napakalawak at ang ganda..."

Umakyat ako doon sa may hagdan at nakitang may dalawang pintuan at yung sa kanan ay may nakalagay na occupied. Mukhang may dorm mate na pala ako.

The Demon King's Bride Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon