Chapter 12

240 2 0
                                    

Bigla namang nag-init ang ulo ko dahil sa mga naalala ko.

"Bwiset kang Almer ka! Kung 'di dahil sayo, 'di mangyayari sa akin 'to!" Singhal ko kaya um-echo naman ang boses ko dito sa kagubatan.

Si Xena kaya kumusta na? Sana ayos lang siya at sana nakapagsumbong na siya sa prinsipe paniguradong mapapakulong ang bastos na 'yon.

"T-teka ang lamig... nasa bag ko pa naman yung balabal ko hays! Saka paano ako makakaalis, ang dilim!" Sabay yakap ko sa sarili at nagsimula nang maglakad.

"Huhu... sana walang lumitaw na ahas, please!" Aniya ko habang nakadikit ang dalawa kong kamay na animo'y nagdadasal.

"Kakaiba! May tao sa kagubatang 'to?"

"Ngayon nalang ulit ako nakakita ng tao, kainin kaya natin?"

Nagulat naman ako sa dalawang nagsalita pero 'di ko alam kung nasaan sila kaya napaupo ako sa damuhan at niyakap ang sarili.

"Ahh! 'Wag ninyo akong kakainin pakiusap... ayaw ko nanamang mamatay ng maaga gusto ko naman maranasang magkaroon ng sariling pamilya huhu!" Naiiyak kong tugon.

"Teka! Naiintindihan niya tayo!?"

"Hala, tara nga magpakita tayo sa babaeng 'to"

Nagulat naman ako nang lumabas ang dalawang itim na ahas kaya napasigaw ako ng malakas.

"Ahhh!! M-may ahas huhu, tulong!!"

"Hoy ante kumalma ka lang, nagbago na pala isip namin 'di ka na namin kakainin, 'di ka naman pala mukhang masarap" aniya nung isang ahas kaya nabwiset naman ako.

"Tama tama!" Aniya naman nung isa.

"Wow ha, letche kang ahas ka ah!" Singhal ko at natahimik dahil ngayon ko lang na-realize na...

"Ahh! Yung ahas nagsasalita!!" Singhal ko habang tinuturo yung dalawang ahas.

"O kalma ante, nagsasalita naman talaga kaming mga hayop pero ang nakakapagtaka lang ba't mo kami naiintindihan? Eh tanging ang hari lang namin ang nakakaintindi sa amin"

"Oo nga, tama tama!"

"Hari? Sinong hari ninyo?"

"Of course, the Demon King"

Nagulat naman ako nang biglang umilaw ang pula nilang mga mata.

"G-gano'n ba? Sige alis na ako h-haha.." pagkatayo ko ay natumba ako sa gulat dahil bigla silang lumapit sa akin.

"Wah!! Please 'wag kayong lumapit huhu!"

"Arte naman nito, 'kala mo naman maganda"

"Tama, tama!"

"Aba lechugas kayong ahas kayo mga mapanglait, bagay lang talaga sa inyo ang anyo ninyo" natakot naman ako nang umilaw nanaman ang mga mata nila.

"J-joke lang 'yon, kayo naman 'di mabiro h-haha"

"Sagutin mo ang tanong ko, ba't mo kami naiintindihan?"

"P-promise 'di ko talaga alam, kaya pwede ba hayaan ninyo na akong umalis please?" Aniya ko saka yumuko pa sa kanila.

"Hmm... hindi kaya ikaw ang bride?"

Napatingala naman ako sa tanong niya.

"Hindi, hindi ako ang bride" seryoso kong sagot kaya nakumbinsi naman sila.

"Ay oo nga pala imposible na ikaw ang bride, 'di naman kagandahan"

"Tama, tama!"

Bwiset 'tong mga ahas na 'to kanina pa 'to ah!

The Demon King's Bride Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon