Pansin ko namang napatingin ang mga tao sa akin kaya't napayuko naman ako.
"Hay... kahit kailan ang ingay mo talaga, Kali"
"Sorry naman kuya, eh sino ba naman kasing 'di magugulat kung yung kaklase pala namin ay isa pala talagang demon king pero 'yon ba talaga ang itsura ng demon king? Masyado naman siyang gwapo"
"Hindi, hindi 'yon ang totoo niyang itsura. Iyon ay kagagawan ni sir Noir at ako ang nag-suggest na Dark Nocturne na lang ang ipangalan sa kamahalan"
Kagagawan ni Noir? Ibig sabihin...
"Memory manipulation..."
Pansin ko ang gulat sa kanyang mukha.
"Kali, paano mo nalaman 'yan? Samantalang hindi pa nagagamit ni sir Noir ang kapangyarihan na 'yon noon kaya't hindi iyon nasusulat sa mga history book"
"Ah eh... may nabasa lang ako sa isang libro na kwentong pambata saka base sa libro may side effect nga lang 'to dahil sa malakas nga ang kapangyarihan nito ay isang beses lang niya itong pwedeng gawin at isang taon lang ang duration ng kapangyarihan na 'to. At sa oras na gamitin niya muli ito sa pangalawang pagkakataon ay mamamatay siya..." aniya ko habang nakayuko.
"Totoo ang lahat ng nasa librong binasa mo, sinunog mo ba 'yan?"
Tumango na lang ako. Alangan namang sabihin ko sa kanya na matagal ko ng kaibigan si Noir kaya alam ko ang patungkol dyan 'di ba?
Nagulat naman si kuya nang hawakan ko ang dalawa niyang kamay.
"Kuya, pakiusap pagsabihan ninyong mabuti si sir Noir na 'wag niya na muling gagamitin ang kapangyarihan na 'yon. A-ayaw ko siyang mawala..." naiiyak kong tugon.
"H-huwag kang mag-alala sapagka't napagsabihan na siya ng mahal na hari... pero bakit ka umiiyak? Isa ka rin ba sa mga taga-hanga ni sir Noir?"
Tumango na lang ako at yumuko habang pinipigilan ang pagtulo ng aking luha.
"Sige kuya, papuntahin ko lang dito si Hestia"
Pagkapunta ko sa labas ay pansin kong nakahawak si Leilah sa kanyang pisngi at palakad-lakad.
Hestia's P.O.V.
Nagulat naman ako nang makita kong nasa harapan ko na pala si Rhianne na nakapoker face pa.
"O ano, nahulog ka na sa kuya ko 'no?"
Ramdam ko naman ang pamumula ng aking mukha.
"H-ha? Hindi kaya 'no!" Pagmamaang-maangan ko.
"Ay sus! Sa tingin mo, ako na matagal mong kaibigan maloloko mo? Huwag ako, Leilah ha. Noong highschool tayo ganyan ka rin sa isa nating kaklase"
"N-naalala mo pa pala 'yon?!"
"Aba malamang! Akala mo ha! Halika na nga, patapos na ni lola yung pagkain natin"
"P-pero kasi... nakakahiya namang kumain na kasama ang kuya mo" aniya ko habang nakayuko.
"Kaya mo 'yan! Ayaw mo nu'n, makakasama mong kumain yung taong gusto mo? Halika na nga!" Singhal niya sabay hawak sa pulsuhan ko at ikinaladkad papunta sa table ng kuya niya.
"Hmm... ayos ka na ba, Hestia?"
Kyaah! Tinawag niya pangalan ko huhu!
"A-ah eh... a-ayos na po ako..." aniya ko at dahan-dahang umupo sa harapan niya at tumabi naman sa akin si Rhianne.
BINABASA MO ANG
The Demon King's Bride
FantasyWhat if you suddenly die and reincarnate as an extra in the comic that you're reading in your previous life. What will you do? Will you stay as an extra or will you interfere in the events of the main characters? That's what Vivi or Vanilla needs to...