"T-teka sigurado ka ba dyan Rhianne? Eh paanong..." si Leilah.
"Ah teka! Naalala ko na, noong bata pa ako nasa akin na talaga yung comic, 'di man halata pero matagal na sa akin yung comic na 'yon napulot ko lang nu'n sa playground pero may time na nawala yung comic kong 'yon at halos isang buwan 'tong nawala. Kaya may posibilidad na napunta sa kamay ng babaeng 'yon ang comic na 'yon and after that one month, the book suddenly appeared at sa playground ko lang ulit nakita" si Rhianne kaya mas lalo akong kinabahan.
"Malakas ang posibilidad na natapos niyang basahin ang comic, Rhianne. Nasa disadvantage nga talaga tayo!" Singhal ko.
"Hayaan mo, natatandaan ko pa naman boses nung babaeng 'yon. Nang dahil lang naman sa kanya naalala ko ang dati kong buhay" si Leilah.
"And calm down Vivi, your other prince charming is now here in Devereux. Patay na patay na nga talaga sayo hay" si Leilah na umiiling.
"Naks! Ikaw ha Vivi, na-reincarnate ka lang may prince charming ka na agad. Hindi pa ba sapat ang Demon King? Porket single kang namatay bumabawi ka dito ha, hahaha!" Si Rhianne kaya napailing naman ako.
"Hay... makapagsulat na nga kay kuya na nandito ka lang pala. 'Wag kang mag-alala papa-kumusta ko rin si King Rogue para sayo" aniya ni Rhianne na kinikilig pa at nagsimula nang magsulat.
"Hay... ikaw talaga Rhianne. Teka nga pala Leilah, ibig mong sabihin nandito si Prince Calvin?!" Tanong ko.
"Oo 'te 'wag mo akong sigawan. Desidido talaga siyang hanapin ka at agawin dyan sa Demon King mo"
Napanganga naman ako sa sinabi ni Leilah.
"Haba naman talaga ng buhok oh! Kailangan mo lang palang lumipat ng mundo para magkajowa haha!" Si Rhianne na nagsusulat.
Langyang babae talaga.
"Pwes! Kung babaguhin ni Shun Laurent Dixon ang kwento, babaguhin naman natin ang bida ng kwento!" Si Leilah na tuwang-tuwa.
"Ay bet! Go mo na 'yan Vivi" si Rhianne na nagsusulat pa rin.
"Ha? Ba't naman ako? Saka hindi pwedeng mabago ang bida ng kwento dahil ikaw lang ang nag-iisang bride Leilah a.k.a. Hestia Campbell"
Nagulat naman ako nang tanggalin ni Leilah ang kanyang wig.
"A-ang buhok mo... anong nangyari?!"
"Ngayong itim na ang buhok ko siguro naman hindi na ako ang bida ng kwentong 'to. At nang dahil lang naman sa babaeng nagtangka ng buhay ko kaya ko pinakulay ng itim itong buhok ko" si Leilah na napailing na lang.
"Sayang naman yung blonde hair mo. Sino ba kasi yung babaeng 'yon?" Naiirita kong sambit.
Kali's P.O.V.
"Dito muna kayo, ibigay ko lang 'to sa Letter Distribution Room" aniya ko at tumango na lang yung dalawa.
Pagkatapos kong isuot ang wig ko ay agad na rin akong umalis.
Pagkaalis ko sa dorm nila Vivi at Dark ay napangiti ako dahil 'di ko akalaing makakasama ko sa mundong 'to yung dalawa.
Nang papalapit na ako sa Letter Distribution Room ay nagulat ako nang lumabas mula roon si Milo.
"O, ikaw pala 'yan Khalil h-haha" aniya habang nakangiti at nakamot sa batok kaya mariin ko siyang tinignan dahil napapansin kong iba na ang ngiti niya 'pag ako ang nakikita niya, parang may something na ewan ko ba.
BINABASA MO ANG
The Demon King's Bride
FantasyWhat if you suddenly die and reincarnate as an extra in the comic that you're reading in your previous life. What will you do? Will you stay as an extra or will you interfere in the events of the main characters? That's what Vivi or Vanilla needs to...