Nang dahil doon ay parehas kaming napatingin kay Leilah.
"O-oh... ba't kayo nakatingin sa akin? Hindi na ako ang bride 'no!" Aniya kaya't napailing naman kami.
"Hay... kanino kaya naipasa ang marka ng bride? Sana hindi ito napunta sa maling tao" si Vivi.
"Huwag kang mag-alala paniguradong nasa tamang tao na ang marka na iyon" si Leilah.
"Vivi, pwede bang ipakita mo ang iyong likod sa amin?" Tanong ko.
"Hay... kung ano man 'yang nasa isip mo Rhianne wala sa akin ang marka at imposibleng maging bride ako" aniya.
"Ay hindi mo sure baka nga sayo napunta" si Leilah.
Agad namang tumalikod si Vivi at ipinakita ang kanyang likod.
"Vivi, kailan ka pa nagkaroon ng malaking nunal sa likod?" Tanong ko.
"Hindi ko rin alam pero nakita ko na rin ito nung nagbibihis ako kaya hinayaan ko na lang"
Hmm... wala sa kanya ang marka kung gano'n ay nakakanino?
"Kung sino man ang bride ay nawa'y magampanan niya ng maayos ang mga dapat niyang gawin" aniya ko na lang.
Vanilla's P.O.V.
"Nice position! Keep it up!" Ang kamahalan.
"K-kamahalan... may naghahanap po sa inyo" aniya nung isang opisyales na hingal-hingal dahil sa pagtakbo.
"Ha?! Huwag mong sabihing siya nanaman?!"
"S-siya nga po kamahalan..."
"Sabihin mo sa kanya umalis na siya dahil may ginagawa pa ako!"
"P-pero sabi po niya maghihintay daw po siya kahit gaano katagal"
"HA?! ANO BANG NAKAIN NU'N AT LAGI NIYA AKONG GINUGULO!!"
"H-hindi ko po alam k-kamahalan..." Aniya nung isang opisyales na napaluhod na lang dahil yata sa takot.
"O siya sige, makakaalis ka na pupuntahan ko na siya"
"S-sige po kamahalan" aniya at agad na umalis.
"Tsk! Ano bang problema ng lalaking iyo-teka ba't ka ngumingiti Vanilla?!"
"H-hindi po ako nakangiti kamahalan h-haha" aniya ko at agad na umiwas ng tingin.
Paano ba naman 5 days na ang nakalilipas simula nang turuan ako ng kamahalan at halos araw-araw ay binibisita siya ni King Reid, sino ba namang hindi kikiligin?
"Samahan mo ako papunta sa lalaking 'yon tutal 'di ka naman niya nakikita. Baka kasi mabangasan ko na 'yon kaya kung sakaling mangyari iyon ay pigilan mo ako ha"
Napalunok naman ako sa sinabi niya. Grabe na talaga ang kaangasan ng ikaapat na demon king hay!
Pagkapunta namin sa lobby ng palasyo ay agad naming nakita si King Reid at nang mapatingin ito sa kamahalan ay agad itong ngumiti.
Wala ka na talagang kawala kamahalan, in love na talaga ang mahal na hari hihi!
"Ultear, akala ko ay hindi mo na ako sisiputin"
"Dahil mabuti akong hari ay hindi ko gagawin iyon sa mga taga-hanga ko kahit IRITANG-IRITA na ako" aniya ng kamahalan saka umirap.
Talagang pinagdiinan ng kamahalan yung katagang iyon haha!
BINABASA MO ANG
The Demon King's Bride
FantasyWhat if you suddenly die and reincarnate as an extra in the comic that you're reading in your previous life. What will you do? Will you stay as an extra or will you interfere in the events of the main characters? That's what Vivi or Vanilla needs to...