Chapter 18

173 2 0
                                    

Nagulat ang lahat nang mapangisi si sir.

"Ready yourselves because from now on, you need to train yourself how to fight"

Nagulat naman ako sa nalaman ko.

"Sir, akala ko po ba knowledge class tayo?"

"Hindi porket knowledge class, doon ka nalang tututok. At isa pa...." nagulat naman kami sa lalong pag-ngisi ni sir.

"Pagkatapos ng dalawang buwan ay magkakaroon tayo ng Battle Tournament. At dapat tayo ang manalo hindi ko na hahayaang manalo ang taong 'yon" seryoso niyang tugon.

At nagulat naman ako nang lihim na napatawa ang iba naming mga kaklase.

Ano namang nakakatawa?

"Oo nga pala dahil ngayon na ang second day of school ninyo, magsisimula na ring magpakita at magturo ang iba ninyong mga subject teachers. Respect them, class"

At ayon nagsimula na ngang magdiscuss si sir.

Nakakatuwa lang kasi may natutunan nanaman ako.

Bale yung kaharian ng Durkheim at Verneil ay talagang magkasundo noong namumuhay ang 1st Demon King. May time na nasunog ang buong kaharian ng Verneil na siyang pagkawala rin ng 1st Demon King kaya't naisip ng kaharian ng Durkheim na isisi sa 1st Demon King ang pagkasunog nang kaharian ng Verneil. Kahit na ang Durkheim talaga ang may kasalanan, sa totoo nga lang may isang pamilya na dating naninirahan sa Verneil ngunit sila'y lumipat na sa Durkheim, sila ang nakakita sa pangyayaring 'yon at may hawak silang ebidensya ngunit agaran silang pinaslang ng mga walanghiyang kawal ng Durkheim, sa utos na rin ni Alexander Cyrus Durkheim III na siyang great-great-grandfather ng dalawang prinsipe.

Kaya ayon nagalit ang Verneil sa 1st Demon King. Kaya't nagsimulang naghanap ang dalawang kaharian sa kahariang tinitirahan ng 1st Demon King halos ilang taon rin ang paghahanap ngunit nabigo silang hanapin ang kaharian ng Devereux sapagkat ito'y tago.

Hanggang sa isang araw nakita ng isa sa mga kawal ng Verneil ang isang dalagang naninirahan sa gitna ng kagubatan at ang nakakagulat pa ay nasa kanya lahat ng ebidensya. Kaya't nalaman ng kaharian ng Verneil ang katotohanan at nang dahil doon ay nagkaroon ng digmaan ang dalawang kaharian. Nagkaroon lang pansamantala ng pagkakasunduan na itigil ang digmaan.

"Kaya't dapat tayong mag-ingat dahil hindi natin alam kung kailan matutuloy ang away ng dalawang kontinente" si sir.

Nagulat nalang ako nang magtaas ako ng kamay kaya napanganga naman yung dalawa. Kanina ko pa kasi 'to tinatanong sa isip ko eh.

"Yes, Mr. Winterhale?"

"Ahm.. sir nasaan na po pala yung dalagang 'yon?" Tanong ko.

"Iyan ang wala sa libro iho, sa totoo lang ay isa ito sa mga misteryosong pangyayari na kahit kailan ay hindi nalaman ng mga historian o ng kahit sinong mga awtoridad. Base sa sinabi ng kawal na nakakita sa kanya ay napakahaba ng buhok ng dalagang ito kaya't hindi na nito nakikita ang kanyang mukha at pagkatapos na ibigay ng dalaga ang mga ebidensya ay agad na rin itong umalis" napatango-tango naman ako.

"Kung gano'n po, bakit po biglang nawala ang 1st Demon King?" Tanong ko ulit.

"Isa rin 'yan sa mga misteryosong nangyari iho. Noong araw kasing nasunog ang buong Verneil ay naroroon ang 1st Demon King dahil may party na naganap at nakakapagtaka lang nang masunog ang Verneil ay biglang nawala ang 1st Demon King" napaisip-isip naman ako sa sinabi ni sir.

"Ok class that's all, you can now have your break time"

"Uy.."

"Uy, Van!"

The Demon King's Bride Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon