Chapter 32

165 5 1
                                    

"H-hindi tumatagos ang kamay ninyo sa akin?!" Gulantang kong tanong.

"Ha.ha.ha! May dahilan 'yan pero pakiramdam ko hindi pa ngayon ang tamang panahon upang sabihin ko sayo ang patungkol dyan. Hayaan mong magsaya muna tayo ngayon. Ano pala ang 'ngalan mo?"

"A-ako po si Vanilla Maelstrom hehe"

Pansin ko ang gulat sa kanyang mukha pero agad din itong nawala.

"Ha.ha.ha! Napakagandang pangalan. Alam kong kilala mo na ako pero hayaan mong magpakilala ako sayo. I am Aquilla Hazel Devereux, the 4th Demon King"

Napanganga ako dahil ngayon ko lamang nalaman ang buong pangalan ng 4th Demon King.

"Hays! Alam ko, alam kong nagagwapuhan ka sa aking 'ngalan kaya't nakanganga ka" aniya na proud pa sa sarili kaya sumang-ayon na lang rin ako.

"Ahm, maaari po ba akong magtanong?"

"Of course sweetie, what is it?" Aniya habang nataas-taas pa ang kanyang mga kilay.

"Ahm... may kasintahan na po ba kayo?" Nahihiya kong tanong.

"HUH?!! ANONG KLASENG TANONG IYAN?! KAHIT KAILAN HINDI KO INISIP NA MAGKAROON NG KASINTAHAN SAPAGKA'T WALA NG MAS GAGWAPO PA SA AKIN!" Singhal niya kaya't napanganga na lang ako.

"G-gano'n p-po ba? Hehe..." aniya ko na lang at saka yumuko.

Dapat pala 'di ko na lang tinanong huhu. Ibig sabihin hindi pa sila nagkikita ni King Reid which is ang tatay ng kamahalan.

Nagulat naman ako nang hawakan niya ang dalawa kong balikat.

"Hoy..." seryoso niyang tanong.

"B-bakit po? S-sorry na po kamahalan huhu!"

"At dahil galing ka sa future, kaya mo ba naitanong 'yan kasi... n-nagkaasawa ako?" Nandidiri niyang tanong.

Napalunok na lang ako at yumuko.

"H-hoy... ba't ka nananahimik? Ay teka, 'wag kang sumagot ayaw kong marinig ang kasagutan mo d-dahil imposibleng magkaroon ako ng kasintahan. Magiging masaya sana ako kung babae ang magiging kasintahan ko, teka babae 'di ba? 'Di ba?" Aniya kaya't umiwas na lang ako ng tingin.

"Hoy... ba't ka umiiwas ng tingin? Huhu!" Aniya saka napahilamos sa mukha habang pekeng umiiyak.

Lihim na lang akong natawa. Ganito pala ang ugali ng 4th Demon King. You have a cheerful funny mother, Your Highness.

"Vanilla, pang-ilang demon king na ang nasa panahon mo?"

"5th Demon King po, kamahalan"

"Oh... so kasunod ko lang pala. Anong klaseng demon king siya?" Aniya na may bakas na excitement sa kanyang mga mata.

Lihim naman akong napangiti dahil doon, anak ninyo lang naman po ang sumunod na demon king.

"Hmm... katulad ninyo po siya kamahalan pero ang kaibahan lang ay hindi siya cheerful 'tulad ninyo. Sa labas mukha siyang cold person pero he's really a warm person inside. Ginagawa po talaga niya ang mga gampanin niya bilang Demon King, palagi rin siyang tumutulong sa mga nangangailangan. Isa rin po ako sa mga natulungan niya, nang dahil po sa kanya ay nakahanap agad ako ng trabaho at iniligtas niya na rin po ang aking buhay. He's really worthy to be a Demon King" aniya ko.

Gulat naman ako sa reaction ng 4th Demon King. Yung ganyang reaction, 'yan rin yung nakikita ko kila Rhianne at Leilah.

"Eh...? Kakaiba ang mga ngiti sa iyong labi ineng ah, parang tila'y may dumadaloy na pag-ibig" aniya habang nakangiti kaya namula naman ako.

The Demon King's Bride Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon