Chapter 3

432 14 0
                                    

Agad akong tumakbo yung mabilis na takbo. Hanggang sa mahanap ko si Hestia.

"Hestia, sorry pero alis na tayo" aniya ko habang tinatago ang mukha sa buhok ko.

Pansin ko ang pang-asar na ngiti niya.

"H-hoy, anong klaseng ngiti 'yan? Hindi pangkaraniwan"

"Pag-usapan nalang natin sa kalesa saka kumain na ako. Ikaw ba?"

"Hindi na, tara na" Nang nasa kalesa na kami ay kanina pa ako tinitignan ni Hestia at parang inaasar ako sa tingin niya.

"Ehem! Anong palabas 'yon, Lady Vanilla?" Aniya habang nakangiti.

"Teka nakita mo?"

"Oo do'n sa bandang nilapit niya ang mukha niya sayo kyaah!" Pagtili niya habang nakayakap sa sarili.

"Teka kinikilig ka? Hindi ka magagalit?"

"Ha? Ba't naman ako magagalit? Hindi ba dapat maging masaya ako kasi mukhang magkakaroon na ng kasintahan ang kaibigan ko?" Sabay takip niya sa bibig niya.

"Pero kasi hindi para sa akin si Prince Rogue, hindi siya ang nakatadhana sa akin at saka wala akong gusto sa kanya, hinahangaan ko lang"

"Ha? Ano ka ba naman paano mo naman nasabi 'yan? At kung 'di kayo ang nakatadhana, ako mismo ang lalaban sa tadhana na 'yan" napailing nalang ako at napabuntong-hininga.

Grabe ka na Vanilla, yung bida pa mismo ang lalaban sa tinadhana sa kanya para mapunta sayo.

Napailing ako.

Hindi pwede, kung ako ang kaibigan niya ay dapat binibigay ko sa kanya kung ano ang para sa kanya. At saka 'di kami bagay ng Crown Prince 'no!

"Kung ano man 'yang nasa isip mo Vanilla, itigil mo 'yan. Masaya na akong nandyan ka hindi ko kailangan ng lalaki sa buhay ko" aniya saka kumain ng puto.

"Hala siya, mind reader ka ba?"

"Haha hindi 'no! Nakasulat kasi dyan sa mukha mo parang may gagawin kang kakaiba saka hindi nag-eexist ang mga mind reader pero ang mga demons yes, noong nawalan sila ng hari wala nang nakakita pa sa kanila" aniya kaya napaiwas ako ng tingin.

Someday, they will suddenly appear because the awakening of the new Demon King is near.

"O, nandito na pala tayo" aniya.

"Hestia, pwede bang punta ka dito ng tanghali? Dito ka na mananghalian, nakakaboring eh"

"Hmm... sige tamang-tama wala naman akong gagawin bukas"

Pagkatapos naming magpaalam ay pumunta na ako sa kwarto dahil wala sila mama at papa ngayon. May pinuntahan daw.

Humiga ako sa kama at inisip ang nangyari kanina.

Yung scene kanina sa garden, dapat si Hestia 'yon eh hindi ako. Hays!

Makatulog nalang dahil pagod na ako tapos ewan ko ba feeling ko may kakaibang mangyayari bukas hay..

































Rogue's P.O.V.

Pagkaalis nung babae ay may nahulog siyang crest kaya pinulot ko ito.

"Young Lady of Maelstrom's Family?" Napangisi ako at tinawag ang alalay ko.

"Ihanda mo ang kalesa bukas, pupunta tayo sa lugar ng mga Maelstrom"

"Masusunod kamahalan"

"Maelstrom? 'Yon ba yung babaeng nakablue dress?" Pagsabat ni Calvin na nasa likuran ko.

The Demon King's Bride Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon