Chapter 4

381 14 0
                                    

Pansin ko namang napahawak si Hestia sa kanyang bibig dahil sa kilig kaya agad akong lumayo sa prinsipe.

"B-bakit 'yan pa ang naisipan ninyo, kamahalan?" Sabay iwas ko ng tingin.

"Wala akong maisip eh, kaya ito nalang" sabay hawak sa chin niya na animo'y nag-iisip.

"Mukhang sa tingin ko kailangan ko ng umalis" si Hestia na nagpipigil ng kilig.

"Ha?! Anong aalis ka dyan?" Tanong ko.

"Vanilla, nakalimutan kong may gagawin pala ako sa bahay so bye na!" Sabay takbo niya.

"H-hoy! 'Wag mo 'kong iwan dito!" Singhal ko pero patuloy pa rin siyang tumakbo hanggang sa mawala na siya sa paningin namin.

"Mahal na prinsipe, bakit 'di mo siya pinigilan katulad ng ginawa mo sa akin?" Nagulat ako nang ilapit niya ang mukha niya sa akin kaya namula naman ang pisngi ko.

"Bakit nga ba? Ah, dahil ikaw lang naman ang gumawa nu'n sa akin. Tara, gumala na tayo" aniya saka ako kinindatan at nauna nang naglakad.

Napahawak nalang ako sa aking dibdib dahil naloloka na ako sa mga nangyayari. Ako na extra lang sa kwento, pero ang laki ng exposure ko.

Dapat si Hestia ang kasama mo ngayon, Prince Calvin eh! Psh!

"O iho, bili ka na sa mga tinda kong pagkain"

"Sige po manong, dalawa po nyan" sabay turo niya doon sa burger.

Dalawa? Kakainin niya lahat 'yon? 'Di ko akalaing matakaw pala ang Prinsipeng Calvin.

Nagulat ako nang ibigay niya sa akin ang isa.

"B-bakit mo binibigay sa akin 'to, kamahalan?" Nagulat naman yung nagtitinda.

"K-kamahalan?!" Singhal nung nagtitinda.

"Ah eh... medyo hawig ko daw kasi si Prince Calvin kaya tinatawag niya akong kamahalan haha!" Napatawa nalang yung nagtitinda dahil sa sinabi ng prinsipe.

"Cal nalang ang itawag mo sa akin saka tanggapin mo na 'to kasi kung hindi, mas lalo kitang 'di patatawarin" bulong ni Prince Calvin saka ako kinindatan.

"S-sige po kamaha-este Cal" sabay kuha ko doon sa isang burger.

"Nakakatuwa naman kayo, bagay kayo"

"Ay talaga po? Haha! Paano ba 'yan Vanilla bagay daw tayo" sabay tingin niya sa akin habang nataas-taas pa ang mga kilay kaya napaiwas ako ng tingin at napahawak nalang sa pisngi kong namumula.

Letchugas na magkapatid 'to, ba't ba kayo ganyan sa akin? Huhu!

"O siya, mag-iingat kayo"

Pagkatapos naming magpaalam sa nagtitindang 'yon ay ipinagpatuloy namin ang paggagala.

"Ahm.. Prince Calvin hindi ka pa ba hinahanap sa inyo?" Tanong ko.

"Mamaya pa ako uuwi saka 'di ba sabi ko Cal nalang ang itawag mo sa akin? At Vanilla naman ang itatawag ko sayo" sabay cross arms niya.

"Eh... wala naman na pong nakakarinig sa atin" nagulat ako nang ipatong niya ang kanyang kamay sa ulo ko.

"Kahit na, kapag tayong dalawa lang gano'n ang tawag natin sa isa't-isa. Understood?" Aniya habang nakangiti kaya tumango nalang ako. Nagulat kami parehas nang may humawak sa wrist ko at ipuwinesto niya ako sa kanyang likuran.

"O.. kuya ikaw pala" si Prince Calvin na seryoso habang nakangisi.

"Calvin? Ikaw pala 'yan. What do you think you're doing with her?" Aniya ni Prince Rogue with his deep voice, it means seryoso talaga siya.

The Demon King's Bride Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon