Chapter 27

139 4 1
                                    

"Ah! W-wala 'yon... nakaluto ka na ba?"

"Hindi pa, maghintay ka na lang muna"

"Sige, magbabasa na lang muna ako"

"Ahm, may tanong ako matagal ko nang napapansin 'to kaya itatanong ko na. Hindi ba't ang lengguwaheng ingles ay para lamang sa mga aristocrat?"

"Tama ka ngunit noon, ang lengguwaheng 'yan ay 'di pa gano'n kalaganap. Lumaganap lang ang lengguwaheng 'yan nang mamuno ang pangatlong demon king kahit sa iba't-ibang kontinente"

Napatango-tango na lang ako dahil sa aking narinig.

"Ba't parang wala kang kaalam-alam? Galing ka ba talaga sa mundong 'to, Van?" Seryoso niyang tanong kaya't napalunok naman ako.

"O-oo naman haha... hindi lang talaga ako mahilig sa history. Sige magbabasa na ako"

Agad akong pumunta sa kwarto at binuklat ang The History of First Demon King.

Nakakaloka naman magtanong 'yon, basahin ko na nga ito.





Because of the existence of the Demon King, the two continents are wary of him: the Durkheim and Verneil continent...

'Di ko na lang napansin na nakatulog na pala ako.










Pagmulat ko ay nasa kagubatan ako kaya bahagya akong napasigaw.

"AHHH! BAKIT AKO NASA GUBAT?!" Sabay bangon ko mula sa mga damuhan at naglakad-lakad.

Habang naglalakad ako ay may natanaw akong dalawang kambal na lalaking nag-uusap kaya't nagkaroon ako ng pag-asa at lumapit sa kanila.

"Mga kuya! Alam ninyo po ba kung nasaan tayo? Hehe" ngunit parang wala silang narinig dahil patuloy lang sila sa pag-uusap.

"Mga kuya naman ba't hindi ninyo ako pinapan-ah!" Napasigaw na lang ako dahil nang dumaan sila sa harapan ko ay tumagos lang sila sa katawan ko.

T-teka, b-bakit sila tumagos sa akin? Hindi kaya... patay na ako?! Haha! hindi naman siguro, natutulog lang ako sa kwarto ko tapos namatay na at napunta pa ako sa lugar na 'to? Haha 'kakatawa naman!

Mabuti pang sundan ko na lang 'tong dalawang kambal na nag-uusap tutal 'di naman nila ako nakikita.

"Ang tagal-tagal mo naman kasing maglakad, Yem ayan tuloy nauna na ang ang mga kamahalan!"

"Ako pa talaga ang may kasalanan, Yam? Sino bang nagpaalam na pumunta sa palikuran? Hindi ba't ikaw?"

Napanguso na lang si Yam dahil sa sinabi ng kanyang kambal.

"Ilang taon na ang nakalipas pero 'di pa rin ako makapaniwala na meron na talagang hari ng mga demonyo at nakayanan niyang magpatayo ng isang bansa"

"Tama! Kung iisipin mo, talagang kamangha-mangha ang hari na 'yon. Kinakabahan na tuloy ako lalo na't makikita na natin siya ng harap-harapan"

Ha? Ang first demon king ba ang tinutukoy nila? Pero imposible namang nag-eexist pa rin hanggang ngayon ang first demon king.

"Maaaring ang mahal na prinsesa at ang haring iyon ang magkatuluyan"

"Tama! Paano ba naman kasi, noong biglang nawala ang prinsesa dahil ang buong pamilya Verneil ay namasyal at siya ang nagligtas sa prinsesa"

"Paniguradong nahulog na ang mahal na prinsesa sa haring 'yon, malakas raw ang itsura eh"

Pamilya Verneil? As in royal family ng Verneil? At papunta sila ngayon sa demon king para siguro magpasalamat kasi iniligtas nito ang babae nilang anak?

The Demon King's Bride Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon