Janai's P.O.V.
"Shut up, will you? Don't you see I'm reading? Tch!" Aniya habang nagbabasa ng libro dito sa library ng palasyo.
"Eh kasi naman halos magdamag ka nang nagbabasa ng libro, tumingin ka naman sa akin" aniya ko habang nakanguso.
"Tch! You're not worth of my gaze"
Lalo naman akong napanguso. Simula nang dumating ako rito wala na siyang ginawa kundi sungitan ako, humingi na nga ako ng tawad 'di ba?
Nagulat naman ako nang tumingin siya sa ceiling.
"Teka, may problema ba?"
Ngunit 'di niya ako pinansin at tumuloy sa pag-alis.
"R-rogue wait...!"
Gusto ko na sanang umalis pero kailangan ko pang ayusin 'tong mga librong binasa niya.
Halos kalahating oras kong inayos ang mga libro at oo gano'n karaming libro ang binasa niya.
Nang lumabas ako ng library ay nakita ko si Rogue na kasama si Noir kaya agad akong lumapit sa kanila.
"Rogue! Ba't 'di mo ako hinintay?"
"Stop calling me Rogue, Janai! I'm a Demon King now" aniya kaya napalunok nalang ako.
"And stop bothering me, I'm busy" aniya at akmang aalis na nang magsalita ako.
"What, you're busy? Samantalang buong maghapon kang nagbabasa ng libro?"
Pansin kong natigilan sila pareho sa sinabi ko.
"Tch! Kanina 'yon, but now I'm busy. Stop bothering me or leave?" Seryoso niyang tanong kaya agad akong tumango.
"Good" aniya at agad na umalis.
Hanggang ngayon 'di pa rin nakakapasok sa utak ko na isa na siyang Demon King. Oo, aminin ko natatakot ako sa kanya pero gusto ko pa rin siya at hindi 'yon magbabago.
Pero nakakainis lang ang bait niya sa nobleng 'yon pero sa akin hindi. Sana hindi na siya makabalik pa!
Rogue's P.O.V.
"My lord, please calm down baka may makahalata... yung clone ninyo relax lang, pero kayo 'di mapakali" bulong ni Noir kaya napabuntong-hininga nalang ako.
"Kamahalan, narito po pala kayo kanina ko pa kayo hinahanap. Ito pala yung mga papeles na pinapa-"
"Jasper, we need to talk. Follow me to my room"
"Kayo na po pala 'yan kamahalan"
Pagkapasok palang namin sa aking silid ay agad ko siyang tinignan ng mariin.
"Jasper, nabanggit mo ang ngalan ni Vanilla Maelstrom. Ibig sabihin hindi mo siya nalimutan, tama ba?"
Nagulat naman siya sa kanyang narinig.
"Teka kamahalan, bumalik na ang iyong alaala? Mabuti naman, sa totoo lang ako nga lang talaga ang hindi nawalan ng alaala patungkol sa babaeng 'yon. Pakiramdam ko ay narito lamang sa palasyo ang salarin kamahalan"
Nang banggitin ni Jasper ang mga posibleng salarin ay nanlaki ang aking mga mata.
"Si Calvin? Oo, iba ang ugali ng kapatid kong 'yon ngunit hindi niya magagawa 'to"
"Kung gayon, may posibilidad na nagsisinungaling lamang si Almer kamahalan" si Jasper.
"Simula nang dumating tayo sa palasyong 'to, iba na talaga ang tingin ko sa Almer na 'yan" si Noir kaya naalala ko naman ang sinabi nung may ari ng restaurant na pagtatrabuhan sana ni Vanilla patungkol kay Almer.
BINABASA MO ANG
The Demon King's Bride
FantasyWhat if you suddenly die and reincarnate as an extra in the comic that you're reading in your previous life. What will you do? Will you stay as an extra or will you interfere in the events of the main characters? That's what Vivi or Vanilla needs to...