Chapter 6

299 8 0
                                    

"S-sigurado ka?" Tanong ko.

"Oo, 'yan pa nga ang laging ikunikuwento sa akin ni nanay nung bata ako eh. At saka imposible namang mabubuti ang mga demons haha" si Hestia na umiiling. 'Di ko alam pero medyo nainis ako sa sinabi niya.

"Tara na, napagod na ako kakahanap sayo" aniya kaya sumabay na ako.

Alam kong sinabi ni Hestia na hindi totoo ang kwentong 'to pero bakit ramdam kong totoo 'to?

"Pero alam mo Vanilla, banned na ngayon 'yang libro kasi parang pinapamukha na ang tao ang masama kaya 'wag mong ipapakita 'yan sa iba kasi makukulong ka. Pero mukhang ito nalang ang nag-iisang copy ng libro, bakit kaya 'di pa 'to sinusunog nila tiya?" aniya kaya napayuko nalang ako.

"Tanda ko tinago ko 'to nung bata ako kaya 'di nakita nila mama" aniya ko kaya napatango nalang siya. Isa din 'yon sa nakita ko sa mga senaryo sa utak ko.

"At saka alam mo Vanilla, kapag iniisip kong sa ganitong bahay ako matutulog parang komportable ako" aniya habang nakangiting nakatingin sa paligid.

Naalala ko naman yung nangyari bago mangyari ang ball. Bigla ko nalang naalala sa kanya si Leilah.

"Hestia, naniniwala ka ba sa reincarnation?" Tanong ko.

"Ewan, 'di pa naman ako nakakakita ng gano'n kaya hindi ako naniniwala"

"Kung gano'n, pamilyar ba sayo ang pangalang Vivi?" Nabigla ako dahil 'di ko akalaing itatanong ko ang sarili kong pangalan.

"Ha? Vivi? Pangalan ba ng tao 'yan? 'Di kasi ako pamilyar eh" aniya kaya napabuntong-hininga nalang ako.

Ba't ba ako umaasa na siya si Leilah? Tsh.

"Ah eh.. wala kalimutan mo nalang yung sinabi ko haha" nagulat kami nang biglang kumidlat ng malakas.

"Ahh! Vanilla, natatakot ako sa kidlat" aniya sabay nagtago sa likuran ko.

"Ahh! Vivi, natatakot ako sa kidlat" aniya ni Leilah sabay nagtago sa likuran ko.

Napanganga ako dahil naalala ko nanaman si Leilah sa kanya.

"T-takot ka rin sa kidlat?" Tanong ko kaya tumango siya.

"Bakit? May kakilala ka bang takot rin sa kidlat?" Aniya kaya tumango ako.

"Oo, kaibigan ko sa dati kong buhay" aniya ko kaya nagtaka naman siya.

"Ha? Kaibigan mo sa dati mong buhay?"

"Ah eh... w-wala! Kung ano-ano nang pinagsasabi ko haha! Tara, pumasok nalang tayo sa kwarto ko para 'di ka matakot" agad naman siyang tumango.




































Prince Rogue's P.O.V.

Napatingin ako sa langit habang kumikidlat.

"Hay... tanghali na tanghali umuulan?" Si Calvin.

"Tch! What are you doing here in my room?"

"Why? Is it wrong to stay at my brother's room?" Aniya habang nakangisi.

"Tch! Kung wala ka namang sasabihin sa akin, umalis ka nalang. I thought you hate me? Then leave"

"Yes, I hate you ever since we're young. I only like the ambiance here in your room" aniya habang nakangisi pa rin kaya umirap nalang ako.

"Hey Rogue!" Si Janai na nasa tapat ng pintuan ng kwarto ko habang kumakaway at agad akong niyakap.

"I know you're being rude to me but I can't leave you alone especially when you're in pain" si Janai na puno ng pag-alala sa mukha kaya napaiwas ako ng tingin.

The Demon King's Bride Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon