Chapter 36

132 7 2
                                    

Hestia's P.O.V.

"Waahh! Ikaw ba 'yan, Ces?!" Gulantang na tanong ni ma'am Virgo habang may malaking ngiti sa kanyang mga labi.

"Eh...? Virgo?" Si kuya Ces na nakasimangot.

"Hindi ka ba natutuwa na makita ako ha?! Kahit kailan ka talaga!" Singhal niya.

"Ang ingay mo kasi..." Si kuya Ces.

"Teka, anong kaingayan ito?" Si sir Leo na kakapasok lang sa faculty room. At oo, nandito kami ngayon sa faculty room.

"L-leo...?!" Si kuya Ces na biglang naging emosyonal.

Eh? Teka, ito ba ang totoong personality niya? At isa pa, ba't sila magkakakilala?

"Oh? Ces, akala ko wala ka nang balak na bisitahin kami" si sir Leo.

Nagulat naman ako nang mapaiyak si kuya Ces.

"Huhu! Lubos akong nangulila sayo, Leo huhu!" Si kuya Ces na yayakap sana kay sir Leo pero agad siyang pinigilan nito.

"Grrr! Si Leo na lang palagi ang bukambibig mo!" Si ma'am Virgo na kulang na lang umusok na ang kanyang ilong.

"Hay... napakagandang ara-Pisces?!" Si sir Scorpio na kakapasok lang ng faculty room.

Pisces? Iyon ba ang buong pangalan ni kuya Ces?

"Waah! Scorpio, isa ka rin sa mga gusto kong makita" si kuya Ces na umiiyak nanaman at nagyakapan naman sila ni sir Scorpio.

"Buti naman at napadalaw ka aking kaibigan!" Si sir Scorpio na nakangiti.

Wait! Scorpio, Pisces, Virgo, Leo, at yung bwiset na Cancer na iyon ay isang...

"Zodiac signs?!" Singhal ko at napatingin naman silang lahat sa akin.

Bakit ngayon ko lang ito napansin? At isa pa, hindi rin ba napansin 'to ng dalawang babaeng 'yon?

"Oh? You know your stuff. As expected to one of the students of my rival" si sir Scorpio na nakangiti pa rin.

"Sa lahat ng mga estudyante ay ikaw lamang ang nakapansin nyan, mahusay Harris Houston" si sir Leo.

"Harris Houston?" Si kuya Ces kaya't napaiwas na lang ako ng tingin.

"Ang totoo nyan Harris, lahat kaming naririto ay magkakasama dati sa isang orphanage na nasa pagitan ng Devereux at Durkheim kaya't ibig sabihin hindi ko totoong kapatid si Chase. Nagkahiwa-hiwalay lang kami dahil may mga pamilya na umampon sa amin at..."






































































Third Person's P.O.V.

"Ay jusko! Isa, dalawa, tatlo... pitong bata! Bale isang bata pa lang ang isang taon rito!" Aniya ng isang matandang madre na namununo sa isang orphanage.

"Napakaraming bata... anong ipapangalan ko sa mga ito?"

"Grabe naman ang mga magulang na nag-iwan sa mga batang ito, Sister Nella" aniya ng isang dalagang madre.

"Pero kahit na gano'n ay malulusog at magagandang itsura ang mga batang ito!" Aniya ng matandang madre na may malaking ngiti sa kanyang labi.

"Pero paano ko papangalanan ang mga batang ito? Hay..." Aniya ng matandang madre.

"Maaari bang ako na lang ang magbigay ng pangalan sa mga batang ito?" Aniya ng isang matanda na bigla na lang sumulpot.

The Demon King's Bride Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon