Chapter 38

79 1 0
                                    

"Mahusay! Napakahusay... Vanilla" ang kamahalan na tuwang-tuwa.

"Ngayong natamaan mo na ang ilang bote sa kahit gaano kalayo pa 'yan ay maaari mo nang gamitin ang iyong bow and arrow"

Napaupo na lang ako dahil sa pagod. Sa wakas, nagawa ko na rin. Hindi ko alam kung ilang weeks na ang nakalipas pero ang alam ko next week na ang tournament.

Kinakabahan ako na na-eexcite!

"Ngunit hindi mo dito sa palasyo gagamitin ang bow and arrow na 'yan. Doon tayo sa maganda kong lugar " aniya ng kamahalan kaya't sinundan ko naman siya.

"Mahal na hari, saan po kayo pupunta?" Si Jhaz Wriedt na 1st Royal Captain ng kamahalan.

Hindi ko alam pero parang may kamukha siya, hindi ko lang maalala kung sino.

"Pupunta lamang ako sa aking training ground"

"Kung gano'n po ay magpapadala ako ng apat na kawal"

"Hindi na kailangan, kahit isa na lamang ang ipadala mo at bantayan na lamang ang karwahe na aming ehem! Aking sasakyan"

"Masusunod, kamahalan"

Habang nasa karwahe kami ay tinanong ko ang kamahalan.

"Kamahalan, saan po pala yung maganda ninyong lugar na sinasabi ninyo?"

"Just wait and see" bulong ng kamahalan at kinindatan ako.

Kailangan niya talagang bumulong kase kaharap niya yung isang kawal.

Napanganga ako nang makita ko ang Tartarus Academy. Wala pa ring pinagbago ang school na ito.

"Kamahalan, 'wag mong sabihing..."

"Tama, sa Asrar Garden tayo" bulong niya.

So ibig sabihin makikita ko ang garden na iyon sa panahon ng ikaapat na demon king? Exciting!









Pagkapasok pa lang namin sa garden ay amoy na amoy na ang bango ng mga bulaklak at halaman.

Isa lang ang masasabi ko, kakaiba ang Asrar Garden sa panahon ng ikaapat na demon king. Napakaganda ng environment at ang hangin dito ay masarap sa pakiramdam.

"Talagang alagang-alaga ninyo ang garden na ito, kamahalan"

"Of course! This is my favorite place"

"Ahm kamahalan, sa totoo lang doon ako sa malaking puno na may mga alitaptap ako natutulog ngayon. I mean yung tunay kong katawan"

"Malaking puno na may mga alitaptap? Huwag mong sabihing... teka sundan mo ako" aniya kaya't sinundan ko naman siya.



Hanggang sa makarating nga kami sa malaking puno.

Ito nga ang malaking puno ngunit kakaunti lamang ang mga alitaptap rito.

"Dito ba natutulog ang tunay mong katawan, Vanilla?"

"O-opo kamahalan dito nga po"

"Alam mo ba, gusto ko 'pag namatay ako... dito ako ililibing"

Nanlaki naman ang aking mga mata sa aking nalaman.

So ibig sabihin, kaya pala tuwing nahahawakan ko ang trunk ng puno ay napupunta ako sa panahon ng ikaapat na demon king dahil siya ang nagmamay-ari nito. At isa pa, nasa punong ito ang katawan niya.

"B-bakit naman po sa punong ito pa ang napili ninyo?"

"Gaya nga ng sabi ko, ang lugar na ito ang pinakapaborito kong lugar at ang aking training ground. At isa pa, paniguradong 'di mahahanap ng demonyong 'yon ang puntod ko kung dito ko ilalagay ang aking katawan"

The Demon King's Bride Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon