Chapter 22

162 4 1
                                    

"Shit bro, ang gandang babae!"

"Bisita kaya siya dito?"

"Lapitan ko kaya?"

"Lalaki ata 'yan eh"

Napayuko nalang ako habang naglalakad sa hallway papunta sa convention.

Ganito pala pakiramdam 'pag pinagtitinginan ka sa paaralan. 'Di ko 'to naranasan nung nag-aaral ako kasi 'di naman ako kagandahan saka 'di ako palaayos.

Pagkapasok ko sa convention ay napayakap ako sa aking sarili, ang lamig kasi dapat pala nagdala ako ng balabal.

Agad akong umupo doon sa may upuan ng mga estudyanteng announcers, may nakalagay na announcers sa upuan eh.

"Woah! Ganda mo pare ah, anong class mo?"

"Kno-knowledge class, ikaw?" tugon ko.

"Management class" napatango-tango nalang ako. Pretty boy siya mga 'te, pero lalaki 'to may adams apple eh.

"Name mo pare? Ako nga pala si Charles Garfield"

"Van Winterhale"

"Kung 'di ko lang alam na lalaki ka, mapagkakamalan kitang babae, ang ganda mo eh bagay na bagay sayong maging babae" ngumiti nalang ako ng pilit sa sinabi niya.

"Tignan mo mga mata ng mga tao rito, halos lahat nasa sayo. Hindi yata sila makapaniwala na isang lalaki ka lang" aniya kaya napatingin naman ako sa aking paligid at tama nga siya kaya yumuko na lang ako.

"Mic test, mic test! Ok, good afternoon everyone! Welcome to our today's event called Fashion Show, I am your emcee in this event, Chase Davidson let's start our eve-" hindi na naituloy ni sir ang sasabihin niya nang biglang may umakyat na isang teacher sa stage at tumabi sa kanya.

"Grabe ka talaga Davidson, kita mo namang dalawa ang emcee na nakalagay rito sa script tapos sisimulan mo agad yung event?" Aniya nung isang teacher habang nakangiti pero nakataas ang isang kilay.

Kaya napatawa ang lahat at napakunot-noo ako kasi bakit sila tumatawa?

"Ah! Nandyan ka pala Henderson, akala ko kasi malelate ka eh alam mo namang strikto ang oras dito tapos ngayon ka lang?" Si sir na nakangiti rin pero nakataas rin ang isang kilay.

"Ahm... sadya ba talagang ganyan sila kasi natawa lang kayo eh" tanong ko kay Charles.

"Ay oo haha! Ang homeroom teacher kasi ng Battle Class at ng Knowledge Class mag-rival, palagi na silang ganyan kaya natatawa na na lang kami"

Napatango-tango naman ako.

Kaya pala gustong-gusto ni sir na manalo kami sa Battle Tournament.

"Uy tigil ninyo na 'yan, mamaya ninyo na ituloy 'yan haha" si Sir Lu kaya tumigil na sila sir.

"Good afternoon everyone! I'm the other emcee, Scorpio Henderson the most handsome teacher" aniya ni Sir Scorpio kaya napatawa ang lahat kahit ako.

"Aba'y ang kapal naman ng mukha mo, Henderson" si sir kaya natawa nanaman ang lahat.

Maraming mga officials ang mga nagsalita pero isang pangalan ang aking narinig na siyang nagpakaba sa buong katawan ko.

"And last but not the least, Mr. Shun Laurent Dixon! Our number 1 donator" at nagsipalakpakan naman ang lahat except sa akin.

Napalunok ako at tumingin-tingin sa paligid kung nandito siya ngunit wala akong nakita.

"Mukhang 'di pa nakakarating ang ating number 1 donator kaya't pagsasalitain natin siya sa closing remarks. Let's proceed!"

The Demon King's Bride Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon