Chapter 39

116 7 2
                                    

Buong byahe ay tahimik lang kami habang mariin akong tinitignan nung bata samantalang ako ay palunok-lunok at patingin-tingin lang sa paligid.

"Bakit ang isang tulad mo ang gumugulo sa kamahalan? Hindi ka ba masaya sa kung nasaan ka ngayon? Ah! Baka hindi ka tinanggap sa langit kaya't hanggang ngayon ay nandito ka pa rin sa lupa" aniya nung bata habang natango-tango pa dahil sinang-ayunan niya ang kanyang mga nasabi kaya't nabwiset naman ang buong pagkatao ko.

"Hoy bata! Unang-una, hindi pa ako patay at pangalawa, hindi ko ginugulo ang kamahalan dahil ehem! Magkaibigan na kami at pangatlo, kung sakali mang mamatay ako ay tatanggapin ako sa langit, ang bait ko kaya!" Singhal ko.

"At saka, paano mo ako nakikita?"

"May kakayahan akong makakita ng mga kaluluwa"

Ay! Kaya naman pala.

"Wow! Ang galing naman, may ganyan palang abilidad na nag-eexist sa mundong 'to?"

"Dahil lang naman dito..." Aniya sabay turo sa kanyang mata.

Oh! So that's why.

"Ngayon lang ako nakakita ng blue eyes, ang ganda pala sa personal" aniya ko sabay titig sa kanya.

Pansin ko naman ang pamumula ng kanyang pisngi at agad na umiwas ng tingin.

How cute!

"Isa ka ba sa mga nagtatrabaho sa palasyo?"

Agad naman siyang tumango.

"Bakit ka pala nagtatrabaho? Nasaan ang mga magulang mo?"

Pansin ko namang ang lungkot sa kanyang mga mata.

Mukhang hindi dapat ako nagtanong ng gano'n.

"May nag-ampon sa akin ngunit hindi ko gusto ang nag-ampon sa akin dahil pinapagawa niya sa akin ang mga hindi ko gustong gawin"

Nalungkot naman ako sa narinig ko. Ibig sabihin isa pala siyang orphan.

"Kung gano'n bakit ka pumayag na ampunin ka ng kung sino man iyon?"

"Noong kinuha niya ako sa bahay-ampunan ay akala ko'y isa siyang mabuting tao ngunit nang makarating kami sa kanyang tahanan ay habang tumatagal mas lalo kong nakikita ang tunay niyang pagkatao"

Napalunok naman ako sa aking narinig.

"Sinong lapastangan ang nag-ampon sayo?"

"Isa siya sa mga mayayaman na negosyante rito sa Devereux, Hegel Dorchester"

Hegel Dorchester? Sa panahon ko wala akong naririnig na ganyang pangalan, maaaring wala na siya sa panahon ko.

Gusto ko sana siyang tulungan pero hindi ko siya matutulungan sa ganito kong kalagayan.

Teka, hahanapin ko na lang siya sa panahon ko. Paniguradong binata na ang batang 'to sa panahon ko at paniguradong lumaki siyang gwap-este mabuting tao.

"Ahm... ano palang pangalan mo?"

"Ako si Vanilla"

"Ako naman si... Aqua"

Naalala ko tuloy ang first name ng kamahalan sa pangalan niya, Aquilla Hazel.






Pagkarating namin sa Tartarus ay pansamantala kaming naghiwalay ni Aqua at dumeretso ako sa Asrar Garden.

"Aray!" Sigaw ng dalawang boses na galing sa garden kaya't agad akong pumasok.

Napanganga naman ako sa aking nakita.

"Kahit kailan ang iingay ninyo talagang dalawa" si Dean na homeroom teacher nung dalawa.

Mukhang pinalo ni Dean yung mga kamay nila haha.

The Demon King's Bride Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon