Chapter 23

162 4 0
                                    

Salem?

Teka, 'yan yung narinig kong pangalan nung sa mga nakapasok dito sa school!

Hindi na ako nagulat sa aking nalaman. Hindi ko alam kung anong balak niya ngunit kailangan 'tong malaman ng kamahalan, pero paano?























Hestia's P.O.V.

Napatingin naman ako sa likuran ko para kasing may tumatawag sa akin ng Hestia o baka imahinasyon ko lang 'yon?

Pagkapasok ko sa convention ay Q&A na pala at saktong kay Rhianne napatapat.

Agad naman akong umupo sa pwesto.

"Uy ba't napatagal ka ata?" Si Jed.

"May nakasalubong lang akong masamang prinsipe"

Nagkatinginan naman sila.

"Hay... pumunta ka lang ng cr nabaliw ka na" si Aldrin na umiiling.

"Mahirap paniwalaan pero totoo, wag ninyo na lang pansinin" aniya ko na lang.

"So, Mr. Retford here's the question for you. Kung sakaling nasa isang labanan ka, na kung saan alam mong matatalo ka, kanino ka hihingi ng tulong at bakit?"

"Thank you for that wonderful question. Kung sakali mang mapunta ako sa ganoong sitwasyon ang hihingian ko ng tulong ay ang kuya ko. Bakit? Dahil handa siyang ibigay ang kanyang buhay alang-alang sa mga nangangailangan ng tulong. Isa ang kuya ko sa mga magigiting na tao na kilala ko at tunay ko siyang ipinagmamalaki, iyon lamang at maraming salamat" si Khalil saka nag-bow kaya napatayo kaming mga magkakaklase at nagsipalakpakan ang lahat.

"May kuya pala siya..." si Milo habang nakangiti.

"Oo meron, kaya dapat marunong kang magpakitang-gilas" aniya ko.

"Syempre ako pa haha!" Napailing nalang ako habang nakangiti.

Habang ongoing ang event ay mas lalo akong nag-aalala kay Van.

"Ok! Before we announce the winner, sadly to say but 'di makakapagsalita ngayon ang ating number 1 donator na si Mr. Shun Laurent Dixon dahil may emergency raw na nangyari"

Napa-tss na lang ako dahil tuwang-tuwa pa naman kami ni Rhianne nang malaman naming bibisita ngayon si Mr. Dixon tapos ganito?

Calm down, Leilah siguro naman ayos lang si Vanilla kung nasaan man siya ngayon.



















































Vanilla's P.O.V.

Paano ako papasok nito sa convention? Ang gulo na ng makeup at ng buhok ko. Buti na lang 'di masyadong nagulo ang suot ko, lagot ako kay Ma'am Virgo kung sakali.

Habang naglalakad ako sa hallway ay nagulat ako nang makasalubong ko si Ma'am Virgo.

"O! Ba't nandito ka? Malapit nang i-announce ang pana-" nagulat nalang siya nang yakapin ko siya.

"P-pasensiya na po ma'am, natatakot pa rin po ako sa nangyari sa akin" aniya ko habang nakayuko.

"Ha?! Ano bang nangyari? Teka, halika sa dorm ko at aayusan kita ng mabilisan para makabalik ka agad, buti na lang at malapit lang ang dorm ko rito"

Pagpunta namin sa dorm ni ma'am ay agad niya akong inayusan.

"Ano bang nangyari sayo Van? May nangyari bang masama sayo?" Si ma'am na inaayusan ako.

The Demon King's Bride Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon