Chapter 28

169 4 1
                                    

"Iho?"

Nagising ako sa nagsalitang 'yon.

"Hala! Bakit ka tumatangis?"

"W-wala lang po ito hehe" aniya ko at agad na umalis sa library.

Ako ang magtatapos ng lahat? Anong ibig sabihin nu'n, first demon king?














"Ok class, dahil malapit na ang Battle Tournament... buong week kayong walang pasok" si sir Chase kaya nagsihiyawan naman ang lahat.

"Yehe-"

"Dahil buong week kayong nasa training room, may attendance kayo kaya sa oras na meron kayong 3 absences you're disqualified to join in Battle Tournament"

"Yes sir!" Singhal namin.

"Wahh! Nakaka-excite naman!" Si Rhianne.

"Huhu, ikaw na-eexcite samantalang ako kinakabahan" si Leilah na bumuntong-hininga.

"Wag kang mag-alala Lei-Harris, mahuhugot 'yan sa training" aniya ni Rhianne.

Paano ko kaya sasabihin sa kanila na isang demon itong katawan na pinag-reincarnate ko?

Feeling ko kasi mapanganib kung ite-training ko ang kapangyarihan na 'to sa maraming tao, mas mabuti pang mag-self training na lang ako.

Pero paano?

"Sir, kailangan ko pa bang dumalo sa training?" Walang emosyong tanong ni Dark.

"Hay... dahil sa lakas na taglay mo ay kahit self training na lang ang gawin mo. Pero 'di ko rin naman masasabi kung nagte-training ka talaga kaya sa tingin ko ay kailangan mo ng kasama"

Nagulat naman ako nang mapatingin sa akin si Dark.

"Siya na lang ang isasama ko" sabay turo niya sa akin.

"Ha? B-bakit ako?"

"Be grateful, dahil ako na mismo ang magte-training sayo at... may kailangan akong kumpirmahin"

Ha? Ano namang kukumpirmahin niya?

"Mahusay! Mr. Nocturne sa pagpili, dahil nararamdaman kong may kakaibang lakas ang nasa loob ni Mr. Winterhale kaya't tama lang na ikaw ang mag-training sa kanya"

Napabuntong-hininga na lang ako at napatingin sa dalawa na may kakaibang tingin.

"May King Rogue ka na nga, may Dark Nocturne pa, saan ka pa?" Bulong ni Rhianne.

"Hay... how to be you po" bulong rin ni Leilah.

"M-mga baliw! Manahimik nga kayo..!" Bulong ko rin.

"Eh ba't namumula ka?" Si Rhianne na may tonong nang-aasar kaya't napahawak naman ako sa aking pisngi.

"B-baliw! Hindi kaya 'no!" Bulong ko at tinawanan lang nila ako.

Langya! Ba't ba kasi ako nagkakaganito?

"Ah! May nakalimutan pala akong sabihin, ngayong naibigay na namin sa inyo ang scope ng inyong examination ay mag-review na rin kayo. Remember, mas mauuna ang examination ninyo kaysa sa Battle Tournament so make sure na mag-review kayo and don't worry medyo dinalian namin ang examination ninyo ngayon dahil iniisip din namin ang trainings ninyo"

Nang dahil doon ay maraming nagreklamo at isa na ako doon.

"Ok class, proceed na sa training room. Nandoon na si sir Leo"

"H-hoy Dark, saan tayo?" Tanong ko.

"Doon tayo sa likod ng school, may malawak na field doon" tumango na lang ako at sumunod sa kanya.

The Demon King's Bride Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon