Chapter 1

670 21 0
                                    

"Dear, hanggang kailan ka tutulala dyan? Aba'y pumunta ka na sa cr at maligo" si mama.

"Ma... 'di lang ako makapaniwala na na-reincarnate ako sa isang comic book na binabasa ko"

"Kanina mo pa 'yan sinasabi 'nak, wala akong naiintindihan. Sige na maligo ka na" tumango nalang ako at pumasok sa cr.

Nilublob ko nalang ang sarili ko sa bathtub dahil sa nalaman ko. Wala namang Vanilla Maelstrom sa kwento so ibig sabihin, isa lang akong extra? Sakit ninyo naman.

Napahawak ako sa aking dibdib dahil makikita ko na nang harap-harapan ang dalawang prinsipe. Teka lang kinikilig ako lalo na kay bebe Rogue hihi! Ang masaklap 'di ko naman siya pagmamay- ari dahil kay Hestia na siya simula palang. Ah! Alam ko na ipagtatanggol ko nalang si Hestia sa mga ahas!

Hay.. magpasalamat ka sa akin Vanilla dahil bibigyan kita ng exposure sa kwento.

Ano ba 'yan naiwan ko pala yung bathrobe sa labas!

Lumabas ako ng cr at napasigaw dahil kay Diana na hawak ang bathrobe ko.

"Ba't ka napasigaw, Lady Vanilla?" Sabay ayos niya sa salamin niya.

"Sinong 'di mapapasigaw eh nakahubad ako!" Aniya ko habang nakatakip sa private parts ko.

"Hay... ano ka ba Lady Vanilla. Sanay na akong makita kang ganyan at saka 'pag tinatamad kang maligo, ako ang nagpapaligo sayo" seryoso niyang tugon saka binigay sa akin ang bathrobe.

"Dati lang 'yon, 'di na mauulit kaya 'wag na kayong papasok 'pag alam ninyong nakahubad ako" tumango lang siya saka umalis.

Pagkatapos kong maligo at magbihis ay pumunta ako sa balcony para tignan ang magandang paligid.

"Hay... saan ko naman makikita si Hestia? Alam ko na, gagala nalang ako! Nakakatamad namang nandito lang ako sa bahay" agad akong bumaba at pinuntahan sila mama at papa.

"O anak, akala ko'y nagpapahinga ka?" Si papa.

"Oo nga dear, matulog ka nalang muna" si mama.

"Ayos na po ako nakapagpahinga na po ako. Ahm... pwede po bang gumala?"

"Sige, pero magsama ka ng isang bodyguard at isang maid" si mama.

"T-teka, kahit hindi na po 'di naman ako maliligaw. Gusto ko lang po gumala mag-isa"

"Dear, galing ka sa hospital. Sa tingin, mo hahayaan kitang mag-isa lang?"

Napabuntong-hininga nalang ako at sumunod sa kanila.

Habang gumagala kami 'di ko maiwasang mamangha sa nakikita ko.

"Wow, I didn't know that the world of The Demon King's Bride was this beautiful and amazing" nakanganga kong tugon.

"Young Lady, I don't really understand what you're saying. Ano po bang klase ng libro 'yang comic na 'yan? Wala naman 'yan dito" si Lira na napakamot sa ulo.

"Talagang wala 'yon dito pero meron sa dati kong mundo"

"Ha? Dati ninyo pong mundo?"

"Wag mo nalang pansinin yung pinagsasabi ko Lira. Teka, sino 'yon ang sama ng tingin sa akin, sundan ninyo nga" sabay turo ko sa likuran nila.

"Hala tumakbo, dito ka lang muna Young Lady" si Lira at sabay silang umalis nung bodyguard na si Kuya Ethan.

Ayon! Nice one Vanilla!

Sa totoo lang 'di naman ako sinasamaan ng tingin nung lalaki, tinignan lang ako haha.

Hahanapin ko na si Hestia, dahil alam kong dito siya sa Ultrea palagi namamalengke.

The Demon King's Bride Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon