Chapter 16

193 2 0
                                    

Pagkapunta namin sa Lyscia ay agad kaming pumunta sa likuran ng Tartarus Academy upang walang makakita sa amin.

"My Lord, magsisimula na ako" tinanguan ko si Noir hudyat na pwede na siyang magsimula.

Nang umupo sa lupa si Noir at inilagay ang kanyang mga kamay sa lupa na sabay ipinikit ang kanyang mga mata ay nagsimulang humangin nang malakas.

Napangisi ako dahil 'di ko akalaing ganito kalakas ang kauna-unahang kanang-kamay ng Demon King.

Habang tumatagal ang lakas ng hangin ay mas nararamdaman ko ang malakas na pressure na nanggagaling kay Noir.

Nagulat ako nang idilat ni Noir ang kanyang mga mata dahil sa mga mata niya ay may nakaukit na crescent moon.

At mas lalo akong nagulat nang tumingin siya sa akin kaya nagsimulang mandilim ang aking mga mata.


Pagkagising ko ay napatingin ako sa paligid na puro puti lang ang nakikita ko.

"Sa wakas, nagising ka na rin Mr. Nocturne. Ano, 'di ka pa rin ba papasok?" Aniya nung isang lalaki na nakasandal sa pintuan ng kwarto ko.

"Tch! Don't worry papasok na ako, Sir Lu" aniya ko.

"Buti naman" aniya nito at agad na umalis.

Napakunot noo ako dahil sa nangyayari sa akin ngayon.

Paano ko nakilala ang taong 'yon? Saka teka, ano 'tong mga memorya na 'di ko alam.

"My Lord, sa wakas ay nagising na rin kayo" si Noir na lumitaw mula sa shadow ko.

Napangisi ako dahil na-realize kong kapangyarihan nga pala niya 'tong nangyayari sa akin ngayon.

"Magpahinga ka muna Noir dahil alam kong matinding enerhiya ang nailabas mo kagabi. Tunay na napakahusay dahil pati ang mga mata at buhok ko ay nabago mo"

"Thank you, my Lord.." si Noir at agad na pumasok sa shadow ko.


End of Flashback






Mabilis kaming nakarating sa Cliveo dahil sa kami ay lumipad.

Pagkababa namin ay pinahaba na ni Noir ang aking buhok at bumalik ang mga pula kong mata.

"Shun Laurent Dixon, what are you doing in my castle? 3 days haven't passed yet"

"Oh! I just want to visit you, Your Highness. Natagalan ka yata sa banyo?" aniya.

Pansin ko ang nakayukong si Jasper. Ano naman kayang alibi ang sinabi nito?

"Ehem! Masakit lang ang aking tiyan dahil sa nakain ko kanina, kailangan pa bang itanong 'yan" Tanong ko saka umupo sa aking trono.

Pansin ko ang mariin niyang mga tingin nang umupo ako sa aking trono.

"Wala naman, Demon King Rogue. Nais ko lang na-"

"Kamahalan! Mawalang galang na po pero may naghahanap sa in-" yung isang gwardya ng palasyo.

"Sabing tabi 'di ba?!"

Nagulat ako dahil sa nakita ko.

"Calvin, Janai?!" Singhal ko.

"Wahh! Rogue!!" Si Janai saka ako niyakap.

"Huhu! I missed you so much!" Si Janai na lumuluha habang isinusubsob ang kanyang mukha sa aking dibdib.
































The Demon King's Bride Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon