Chapter 20

206 2 0
                                    

Hestia's P.O.V.

Bakit ko nasabi ang mga katagang 'yon? Eh hindi naman babae si Van. Bagay sana niyang maging bride kung babae siya kasi matapang siyang tao.

Pansin kong tatamaan na sana ng bolang mahiko si Van nang may lumiwanag.

"Van...!" Sigaw ko.




































Vanilla's P.O.V.

Ewan ko ba pero parang tumigil ang aking paghinga dahil akala ko ay tatama sa akin ang bolang mahika na 'yon pero salamat sa liwanag na 'yon ay nawala ang mga demonyong 'yon.

"Ayos lang ba kayo?"

Nagising nalang kami ni Hestia sa boses na 'yon at iminulat ang aming mga mata.

"Sabi na nga ba at nasa kamandag kayo ng mga bulaklak na 'yon"

"M-ma'am Virgo! Huhu salamat po niligtas ninyo kami. Muntikan na si Van doon buti nalang naligtas ninyo agad kami huhu!" Si Harris na umiiyak habang nakayakap kay Ma'am Virgo.

"S-salamat po ma'am..." naiiyak kong tugon.

"Hay... hindi ba tinuro sa inyo ni Chase ang Achlys Plant?!" Singhal niya.

"T-tinuro po.." tugon namin ni Harris at pansin ko namang lumapit na siya sa akin.

"P-pero ako po ang may kasalanan 'di ko po napansing 'yon na po pala yung halaman na tinutukoy ni sir" si Harris na nakayuko.

"K-kasalanan ko rin po 'di ko po agad siya pinaalalahanan" aniya ko. At pansing napailing nalang si ma'am.

"Buti nalang ako ang taga-bantay sa hardin na 'to dahil kung hindi kanina pa kayong patay. I want to tell Chase about this kaso 'pag sinabi ko 'to, you two will banned here for about 3 months"

Gulat kaming nagkatinginan ni Harris.

"P-pero ma-" aniya namin.

"But don't worry dahil mga transferee kayo ay papalagpasin ko 'to pero sa oras na hindi kayo mag-iingat, alam ninyo na" si ma'am na napakaseryoso kaya napa-yes ma'am agad kami.

Pagkaalis ni ma'am ay napabuntong-hininga nalang kami ni Harris.

"Van, salamat nga pala ulit ha saka tara bumalik na tayo sa mga kaklase natin" aniya pero 'di ako nakaimik.

"Teka, 'wag mong sabihing gusto mo pa rin maglibot?" Dahan-dahan akong tumango.

"Hindi ka ba natakot sa nangyari sa atin? Baka kung ano nanaman ang mangyari sa atin nyan"

"Ewan ko ba pero may nag-uudyok sa akin na magpatuloy pang maglibot at saka 'di mo na ako kailangang samahan. Ayaw kong mapahamak ka nang dahil sa akin" aniya ko at agad na umalis.

Ewan ko ba pero simula nang magising ako ay medyo sumasakit ang likuran ko o baka dahil sa pagod doon sa ilusyon?

Habang naglalakad ako ay dahan-dahang dumarami ang mga alitaptap kaya't napangiti ako.

Habang sinusundan ko ng tingin ang mga alitaptap ay napansin kong may isang lalaking nakaharap doon sa may malaking puno na kung saan namamalagi ang lahat ng mga alitaptap.

Teka, naka-uniform siya baka kaklase ko 'to.

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at nagulat nang magsalita siya.

"Who is it?" Aniya saka lumingon sa akin.

"Dark? Teka ba't ka umiiyak?" 'Di niya ako pinansin bagkus ay tumingin ulit siya doon sa puno.

The Demon King's Bride Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon