"H-hindi na po. I'm so thankful to you, Your Highness" aniya ko saka siya binigyan ng malaking ngiti at pansin ko naman ang gulat sa kanyang mukha pero 'di ko nalang 'yon pinansin.
"Ehem! Ba't ka pala nandito?" Tanong niya habang natingin-tingin sa paligid.
"Ahm.. 'di po kasi ako makatulog kaya tumakas po ako sa amin para gumala hehe" sabay peace sign ko at bahagya naman siyang natawa at napailing.
"What a strange woman, ngayon lang ako nakakita ng babaeng tumakas sa tahanan nila dahil lang 'di makatulog" aniya habang nakatakip sa bibig, nagpipigil siguro ng tawa 'to.
What do you think you're doing with my woman?
Napanganga ako dahil ngayon ko lang na-realize ang sinabi niyang 'yon at napahawak sa pisngi kong biglang namula.
"Ahm... kamahalan ano palang ibig sabihin ninyo doon sa sinabi ninyong what do you think you're do-"
"Ah! 'Yon, sinabi ko lang 'yon para 'di ka na nila lapitan" napatango-tango nalang ako.
Tama naman yung ginawa niya haha! Kung lalaki rin ako tapos may nakita akong gano'n ay malamang gagawin ko rin 'yon. Ano ba kasing nasa isip mo, Vanilla!?
"K-kung gano'n po ay uuwi na ako salamat po ulit"
"Hatid na kita, mag-isa ka pa naman. Paano kung mangyari ulit sayo 'yon?" Napaisip naman ako sa sinabi niya at pumayag nalang.
Habang naglalakad kami ay nagtanong ako sa kanya.
"Ahm.. Prince Rogue, kumusta na yung mata ninyo, masakit pa ba?" Tanong ko kaya nagulat naman siya.
"Paano mo nalaman 'yan?"
"Kay Prince Calvin po"
"Teka, nagkita kayo?" Dahan-dahan nalang akong tumango at pansin kong iritado siya. Kalokang kuya 'to, naiinis sa kapatid niya tsh.
Nandito na pala kami, buti naman dahil feeling ko mawawalan ako ng hininga dito. Ikaw ba naman, makasama ng mag-isa ang isang Crown Prince-slash-Demon King, dapat si Hestia ang kasama niya eh alam ko kasing nagkita din sila ni Hestia nang ganitong oras.
"Nga pala kamahalan, nagkita ba kayo ni Hestia ngayon?" Napakunot-noo naman siya at napailing.
"Why are you asking me that?"
"Ahm.. kasi po siya ang nakatadhana sa inyo"
"Ha? Nakatadhana sa akin? Sino namang may sabi sayo nyan?"
Napakamot nalang ako sa ulo dahil sa nasabi ko. Ang bibig mo talaga, Vanilla!
"Ahm.. w-wala po haha!"
"Tch! Ako ang pipili ng tadhana ko, saka simpleng babae lang ang kaibigan mo para sa akin" sabay irap niya.
"Ha?! Eh ang ganda-ganda niya tapos wala lang siya sa inyo?! Samantalang sa comic, unang tingin ninyo palang sa kanya nahulog na agad kayo sa ganda niya tapos wala lang siya sa inyo?! Hindi ko akalaing ang laki na pala ng error sa comic na 'to" aniya ko at napasapo sa noo.
"Tch! Stop talking nonsense! Are you dreaming, huh?" Aniya saka napahawak sa kanyang beywang.
"Saan mo naman napulot 'yan? At kahit kailan 'di ako nahulog sa babaeng 'yon. And what the fvck is comic?! I will burn it" aniya na puno ng galit sa kanyang mga mata.
Napahawak nalang ako sa aking bibig dahil sa gulat.
My goodness 'di ko akalaing sasabihin niya 'yan sa beloved Hestia niya! Kaloka, tuluyan na bang nabago ang kwento dahil sa kagagahan ko?!
"Kung wala ka ng sasabihing matino, pumasok ka na sa inyo. Teka, nakasara pala ang gate ninyo" napabalik ako sa katinuan nang sabihin niya 'yon.
"Don't worry Prince Rogue, that's easy" aniya ko at agad na umakyat sa gate at saka bumaba sa kabila kaya napanganga siya.
BINABASA MO ANG
The Demon King's Bride
FantasyWhat if you suddenly die and reincarnate as an extra in the comic that you're reading in your previous life. What will you do? Will you stay as an extra or will you interfere in the events of the main characters? That's what Vivi or Vanilla needs to...