Chapter 20

1.7K 30 0
                                    

Moon

Sunday 10:30 am

Kinaumagahan pag gising ko sobrang sakit ng ulo ko, ininom ko ba naman mag isa ang isang bote ng whisky.. hindi ko alam bakit ako na aapektohan kagabi nong nakita ko siyang umiyak fuck nasaktan ko siya? Peru nasasaktan din ako nasasaktan ako dahil hindi pwedeng maging kami at dahil narin sa nalaman ko kagabi.

Gusto ko siyang yakapin kagabi, kausapin at sundan para magpa liwanag at humingi ng sorry peru pinigilan ako ng ex fiancé ni Carie
At sinuntok ako kaya nagkaroon ako ng sugat sa gilid ng labi ko.

Flash back

"Pabayaan mo muna siya!" Hahabulin ko sana si Carie kaso sumigaw ito.

"Pabayaan? Gaya ng ginawa mo!?" Sagot ko sa kanya.

"How dare you talking to me like that huh!?" Lumapit ito sa akin.

"Bakit? Sino kaba sa tingin mo para saktan siya ng ganun ganun ha?!" Sigaw ko pabalik sa kanya.

Sinontik niya ako kaya napa dapa ako, gusto ko'ng tumayo para sana suntukin din siya peru hindi ko magawa dahil nang hihina ang mga tuhod ko

"Sa tingin mo ba hindi mo siya sinaktan!? Kitang kita sa mga mata niya! At kung may nagawa man ako'ng mali noon wala kang karapatang husgahan ako dahil hindi mo alam ang nangyari!" Umiyak lang ako sa sinabi niya.

"Nalaman ko na may nagugustohan siyang iba! Mula bata pa lang siya ay hinahanap na niya ito! At sa tingin mo hindi masakit sakin yon? Kaya hindi mo ako masisi kung bakit ko niloko si Jade!" Jade? At sinong bata ang hinahanap niya noon pa?

"Jade?" Tumingin ako sa kanya ng nagugulohan.

"Carie Jade Dela Vien ang buong pangalan niya at alam mo ba kung sino yong hinahanap nya non?" Naka yukom ang kamay niya habang sinasabi niya iyon.

"S---sino?" Si Carie ba yong batang matagal ko nang hinahanap?

"Ikaw!" Sigaw niya at umalis na ito habang ako ay naiwan at umiiyak.

End of flashback

Dahil sa nalaman ko ay sobra ako'ng nasaktan! Ang matagal ko nang hinahanap ay nakasama ko na pala? Kaya pala sobrang familiar ng mata niya, kaya pala sa tuwing nag sasalita siya naaalala ko sa kanya ang batang nakilala ko dati.

Bakit ngayon ko lang nalaman lahat ng to? Bakit ngayon ko lang nalaman na siya pala ang batang hinahanap ko? Bakit ngayon lang kung kailan may Jeada na sa buhay ko?

Nagugulohan ako, gusto ko siyang puntahan at sabihing matagal ko na siyang hinahanap peru na tatanga ako hindi ko alam ang gagawin ko!

Ngayong alam ko na, na siya pala si Jade hindi ako papayag na hindi niya ako kausapin... ang tagal ko siyang gustong makita kaya kakausapin ko siya kapag nahimasmasan na ako at para din makapag isip si Carie ng maayos.

Peru napa isip ako kung matagal na ako'ng hinahanap ni Carie bakit hindi niya sinabi sa akin yon ? Bakit niya tinago? Ngayong nahuhulog na ako sa kanya.

Ilang sandali pa ay tumunog ang phone ko, dali dali ko itong kinuha at nag babaka sakaling si Carie ito peru si Carl pala.

Sinagot ko ang phone ko, sigurado ako'ng may sched nanaman ako.

"Hello Drey!?" Masigla niyang bati peru wala ako sa mood makipag kulitan dito.

"Hmm?" Ang tangi ko lang sagot.

"May photo shoot ka sa Friday 5:00pm okay, don't be late" sabi niya.

"Okay" yon lang ang lumabas sa bibig ko kaya binaba ko na ang phone at nag tungo sa banyo para maligo.

Habang naka babad ay hindi parin mawala si Carie sa isip ko, kumusta na kaya siya? May ginagawa ba siya? Nakangiti ba sya ngayon? Umiiyak? haysss kailangan ko siyang makausap bago sumabog ang utak ko.

Pagka tapos ko maligo ay nag bihis na agad ako at kumuha ng hoodie jacket at bibisitahin ko nalang si Ada baka mabaliw ako dito sa bahay.

Tinignan ko ang phone ko at may missed calls iyon ni Manang Aida kaya tinawagan ko ito....hindi nag tagal ay sinagot naman niya ito.

"Hello manang?" Sabi ko ng sinagot na niya.

"Hello anak? May ginagawa kaba ngayon?" Tanong ni Manang.

"Wala naman po manang, ito nga at nag hahanda para pumunta jan" sagot ko.

"Abay sakto anak may pupuntahan kasi ako, dadalawin ko muna mga apo ko baka kung pwede ikaw muna ang mag bantay kay Jeada?" Pakiusap nito.

"Opo manang ako na po bahala papunta na ako" binaba ko na ang phone at dali daling nag tungo sa baba.

Habang nag mamaneho ako ay may nakita ako'ng nagtitinda ng mga bulaklak kaya naman ay huminto muna ako at bumili ng rosas...pagka bili ko ay nilagay ko na ito sa backseat katabi ng gitara ko.

Ilang minuto lang ay nasa harap na ako ng Hospital kaya pumasok na ako....lakad, takbo ang ginawa ko para mas mabilis makarating sa kwarto niya.

Nasa harap na ako ng room ni Ada at pag bukas ko may naka upo sa gilid nito.... at si Carie? Ano ginagawa niya dito? Magkakilala ba sila?

"Carie?" Sabi ko at lumingon naman agad ito sa akin... hinanap ko si Manang Aida peru wala na ito baka umalis na.

"What are you doing here?" Tanong ko sa kanya nang nag tataka, peru sa loob loob ko masaya ako dahil nakita ko siya.

"Magka kilala kayo?" Tanong ko ulit dahil hindi siya nag sasalita, naka titig lang ito sa akin.

Aalis na sana ito peru hinawakan ko siya sa braso para pigilan ito.

"We're best friends before" ha? Bakit walang sinabi si Ada sakin?

"Peru wala siyang sinabi sa ak----"

"Hindi niya sinabi dahil......." hindi niya tinapos ang sasabihin niya sana at tumalikod ito sa akin.

"I have to go" pag iwas niya.

"Carie we need to talk" hinawakan ko siya sa braso peru inalis niya ito.

"Please.....j---just...."nag buntong hininga ito at humarap sa akin.

"Kalimutan na natin ang nangyari Drey, isa lang itong malaking pagkaka mali" hindi ako nakapag salita agad sa kanya at hinawakan na nito ako door knob peru bago paman siya maka alis ay hinila ko siya palapit sa akin at ngayon ay magka dikit ang katawan namin, gosh her scent is driving me crazy! I miss her.

Nakatitig ako sa mga mata niya na kulay birde  pababa sa mapupulang labi nito at hinalikan ng walang pag aalinlangan peru hindi ito tumugon.

"How can I forget you Jade kung lageng ikaw ang laman ng isip ko!" Pasigaw ko'ng bulong sa kanya habang siya ay nagulat sa sinabi ko.

Tinulak niya ako at umiwas ng tingin... umatras ito at sinabing...

"This is wrong...." mahina nitong sabi at sabay tumulo ang luha niya at umalis sa harap ko habang ako ay naka tulala parin, hindi ako maka galaw....

Hindi ko alam ang gagawin ko.... Nagugulohan ako sa mga nangyayari....











********









Tylr:>

LOVING YOU IN RED   (INTERSEX) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon