Chapter 30

1.6K 30 0
                                    

Moon

12:00pm na at nasa byahe na kami papuntang airport dahil 2:00pm ang flight namin, sabay sabay narin kaming apat.

Ang saya lang kahapon dahil naglaro kami ng volleyball 2v2 si Carl at ang jowa niya syempre dalawa kami ni Carie hanggang sa may mga sumali ding iba kaya mas nakaka enjoy.

Lalo na si Carie kapag nakikita ko siyang tumatawa gosh nakaka tunaw grabe, at syempre medyo nalungkot din ako kasi babalik na naman kami kung saan marami na namang iisipin gaya nalang ng work at isa na don si Ada.

Di nag tagal ay naka sakay na kami sa eroplano, magkatabi kami ni Carie at sila Carl naman ay nasa likod namin.

Kaya naman ay hinawakan ko ang kamay nito at pinasandal sa balikat ko.

Habang naka sandal ito ay hinalik halikan ko ang noo nito at inamoy amoy ang buhok niyang sobrang bango.

"Are you happy?" Sabi nito at tumingin ito sa akin.

"Of course I'm happy" sagot ko dito at ngumiti sa kanya.

Hindi ba halata na masaya at nag eejoy ako kapag kasama siya? Hmm!

Gusto ko pa nga sana wag umuwi peru kailangan e dahil may kanya kanya din kaming responsibilidad sa buhay ahw.

"Uuwi ang parents ko next week" sabi nito.

"Ou nga taga saan pala parents mo?" Tanong ko.

"Nasa ibang bansa sila dahil sa work.. minsan lang silang umuuwi dito pag may vacant sila" sagot niya.

Peru pwede naman siyang mag work sa ibang bansa diba para makasama niya mga magulang niya at isa pa mas malaki ang sahod charot.

"And they're inviting you for family dinner, I hope you can come" sabi nito at tumingin ulit sa akin.

"Don't worry pupunta ako" ngumuti ako sa kanya at ganun din siya.

Gusto ko rin makilala ang family ni Carie, na e excite tuloy ako.

Sumandal na ulit ito sa balikat ko habang hindi parin kami nakakarating sa manila.

Maya maya pa ay nakalapag na ang eroplano at isa isang bumaba ang mga nasa unahan, kaya naman ay tumayo na kami at bumaba narin.

Papunta na kami kung saan naka park ang kotse namin at ganun din sila Carl peru hindi ko alam kung saan sila banda nag paalam nalang ito sa akin.

Nang makita ko ang kotse ko ay lumapit na ako at nagpasalamt kay kuya guard na inutosan ko pa talagang bantayn ang car ko mahirap na diba, kaya nag bigay ako ng tip kay kuya guard

"Here kuya" inabot ko ang pera.

"Naku wag na po ma'am trabaho ko po iyon" sagot dito at tinanggihan ang binigay ko.

"Take it kuya..and thank you for taking care of my car" kaya kinuha ko ang kamay nito at binigay ang pera at nagpasalamat sa akin, nag paalam narin ako at sumakay sa kotse ko.

Nag maneho na ako pauwi para makapag pahinga na din si Jade.

Ilang minuto lang ay nasa harap na ako ng bahay nito kaya naman ay bumaba ako ng kotse at pinag buksan siya gaya ng lage ko'ng ginagawa.

"We're back to reality" sabi nito at natawa ng konte.

"Sinabi mo pa" sagot ko.

Humarap ito sa akin at nag salita....napaka seryoso ng mukha niya ngayon.

"Thank you Moon" ngumiti ito sa akin ng malambing.... Cute niya talaga grabe!

"No Jade.... Thank you for coming with me, I know you have a lot of work and responsibilities, but you choose to be with me" hinawakan ko ang kamay nito at ngumiti.

"It's fine Moon..." tumungin ito sa akin.

"So? See you?" Dugtong nito.

"See you" ngumiti ako sa kanya ganun din siya.

Tatalikod na sana ito para pumasok sa gate niya kaso hinawakan ko ang kamay nito.

"Carie you forgot something" sabi ko kaya lumingon naman ito ng nag tataka.

"Hmm? What is it-----"

Hinawakan ko ang bewang niya, hinila ko palapit sa akin at hinalikan sa labi...gosh ilang beses ko ng natikman ang labi nito peru ramdam ko parin ang pang iinit ko kapag naka dikit ang mga labi namin...anong ginawa mo sakin Carie Jade ha....

"Next time, don't forget this hmm?" Sabi ko at ngumiti, kitang kita ko naman ang pamumula ng pisnge nito.

"Y--yeah....and sorry for that" kita parin sa mukha niya ang pagka gulat kaya hinalikan ko ulit ito peru sa pisnge na baka kung saan pa makarating ito charot.

"Okay take a rest na ha?" Sabi ko dito at kumalas na ito sa pagkakayap sa akin.

Tumango lang ito at ngumiti sa akin, kaya naglakad na ako papunta sa kotse ko.

"Text me when you get home!" Sigaw nito ng naka pasok na ako sa kotse ko.

"I will...byee" paalam ko sa kanya.

Kumaway ito sa akin at tinanguan ko naman kaya nag maneho na ako paalis sa bahay niya ng may naiwang ngiti sa labi ko.

Gusto ko pa sana manatili sa tabi niya kaso kailangan ko'ng bisitahin si Ada, medyo matagal tagal ko narin siyang di nabibisita sa Hospital.

Nasa bahay na ako ngayon at gusto ko sana bisitahin na si Ada ngayon peru naka ramdam ako ng antok kaya bukas nalang siguro.

Hinubad ko muna ang damit at pants ko para mas komportable ang tulog ko ganun hehe.

Ou nga pala muntik ko na makalimutan ang sinabi ni Carie sakin 'text me when you get home' kaya kinuha ko muna ang phone ko sa pants na hinubad ko lang kani kanina at nag text kay Jade.

To Carie:
-I'm here na :>

Hinintay ko munang magreply si Jade...ilang segundo pa ay nag reply na ito.

Carie
-good.. take some rest, I know you're tired.

To Carie:
-yeah baby you too😘

Parang ako yong kinikilig sa text ko hehe.

Carie
-I will 🤗

Hindi na ako nag reply pa sa huling text nito at nag react nalang ako ng heart emoji habang naka ngiti... Aysss kinikilig na naman ako mga mare.

Kaya naman ay nilapag ko na ang phone ko sa side table at humiga na para makatulog.

See you in my dreamland Carie Jade......











*********






Tylr:>

LOVING YOU IN RED   (INTERSEX) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon