Chapter 19

1.4K 23 0
                                    

Carie

You have a text message

Tinignan ko phone ko kung sino ang nag message at nakita ko, si Drey ito kaya binuksan ko kaagad ito.

Moon
-nasa labas na ako

Sabi nito kaya naman ay bumaba na ako... ayaw ko na sanang magpa sundo kasi may sarili naman ako'ng kotse peru nagpumilit parin ito para sabay daw kaming pumunta sa Party.

Sumilip muna ako sa salamin para tignan ang sarili ko, naka suot ako ngayon ng red backless dress na kitang kita ang legs at dibdib ko... Red is my favourite color lalo na pagdating sa dresses wala lang nakaka dagdag ganda kasi... eyy!

Bumaba na ako at lumabas na ng bahay hindi pa man ako nakarating sa gate ay tanaw ko na ang magandang si Drey, naka suot ito ng Black Suit... as always naman never ko pa siya nakitang nag susuot ng dress.

"Hello Gorgeous!" Masiglang bati nito habang papalapit sa akin at hinalikan ang pisnge ko... Gosh namimiss ko na ang malambot nitong labi sa totoo lang...peru bakit sa pisnge lang? Kidding.

"Hello Beautiful slash Handsome!" Sabi ko naman at ikina ngiti niya naman ang sinabi ko.

Kaya naman ay pinagbuksan na niya ako at pumasok sa kotse nito....maya maya pa ay nag salita ito.

"How are you?" Tanong nito sa akin habang naka focus siya sa daan.

"Okay naman.... ikaw ba?" Tanong ko pabalik sa kanya.

"I'm okay now" lumingon siya sa akin at ngumiti gosh namiss ko mga ngiti.. kaya umiwas ako ng tingin feeling ko kasi namumula na pisnge ko.

"Good to know" iyon nalang din ang nasagot ko at ngumiti naman ito.

Ilang minuto lang ay naka rating na kami sa Belmont Hotel, isa ito sa pinaka sikat at mamahaling hotel sa Pilipinas.

Pagka hinto ng sasakyan ay bumaba agad ito para pag buksan ako..... napaka gentle woman talaga nito ...napangiti nalang ako sa loob loob ko.

Pumasok na kami sa loob at habang papasok na kami yong kamay ko ay naka hawak sa braso nito... sa loob ay may ilang taong nag bubulongan nong nakita kami ni Moon hindi nila inaasahan na ang isang sikat na Moon Drey Haltson ay kasama ko ngayon habang yong iba ay naka ngiti kay Moon, ahhkkk kahit saan talaga ilagay si Moon agaw pansin talaga siya ang lakas kasi talaga ng karisma nito kahit ako naman napapangiti kapag nakikita siya, peru nakaramdam ako ng selos? Hayss erase erase!

Umupo na kami ni Drey kung saan naka reserve ang table namin ngumiti ito at hinawakan ang kamay ko at nagsalita.

"Okay kalang? Tanong nito na tila nag aalala.

"Ou naman" ngumiti lang ako peru ang totoo naiinis ako pag may ngumingiti sa kanya o lumalapit... alam ko wala ako'ng karapatan peru hindi ko mapigilang mag selos.

"You need anything?" tanong nito.

"Lemon Juice nalang" tumayo siya at kumuha ng juice sasabihin ko sanang 'ikaw' peru pinigilan ko sarili ko achkkk.

Nong tumayo na si Drey ay may lumapit sa akin, si Belle ito.

"Sis! ikaw ha usap usapan Kayo na daw ni Drey! Kaya mo ba siya dinala dito ha?" Tanong nito na halos mapatalon talon sa tuwa... nag aantay na mag kwento ako sa kanya.

"Kung ano man yang naririnig mo pwes wag ka mag papaniwala dahil hindi totoo yan" sagot ko sa kanya...

Napaisip tuloy ako bigla...ou nga ano ba kami ni Drey? Lage kami magkasama, magka tawagan, magka text at higit sa lahat may mangyari na din sa amin ..ano ba ako sa kanya? Hindi kaya sex body lang? Ughh!

"Here's your Juice gorgeous" napatingin ako sa nag salita at si Drey pala ito kaya inayos ko ang upo ko . Tinignan ni Drey si Belle at tumingin ulit sa akin parang nag tatanong ang mga mata niya kung sino ang kausap ko kaya naman ....

"Ahm this is Belle my Manager slash best friend" pagpapa kilala ko kay Belle.

"Nice to meet you Belle" ngumiti ito at nakipag shake hands.

"Please join us" dugtong pa nito.

Pagka tapos non ay umupo na si Drey ganun din si Belle na pangiti ngiti habang tumitingin sa akin dahal hawak hawak pala ni Drey ang kamay ko, wait bat hindi ko ito napansin?

Malakas ang Aircon dito peru parang pinagpapawisan ako dahil sa mga titig ni Drey sa akin.... bakit ba siya naka titig may dumi ba mukha ko?

Hindi ako makapag salita dahil ang lakas ng tibok ng puso ko peru naalala ko walang kami! Kaya wag masyadong mag assume.

"Drey!? Oh my God it's you.... how are you!?" .... napalingon ako sa babaeng nag sasalita.

"Estella!? I'm fine ikaw ba? How's your life, California girl?" Bati ni Drey sa babaeng blonde ang buhok at sa tingin ko isa din itong model dahil sa hubog ng katawan nito.

"I'm fine ... kayo ni Jeada kumusta?" tumingin sa akin si Drey ako naman ay nagtataka kung bakit binanggit ang pangalan ni Jeada? At anong meron sa kanila? Kilala ko si Jeada, we used to be best friends before peru nang maging isang Model ito kagaya ko ay bigla nalang siyang hindi namamansin sa akin at hindi ko alam kung anong dahilan.

"Ahm... we're good n---asa Hospital pa din siya" tumingin ulit ito sakin, napa higpit yung hawak ko sa baso dahil sa narinig ko ngayon, si Belle naman ay tumingin sa akin ng nag aalala.

"Ohw sabi ko na nga ba kayo din ang magkakatuloyan e" so sila nga!? The fuck? nararamdaman ko ng may tumotulong luha sa gilid ng mata ko kaya agad ako'ng tumayo para lumabas hindi ko na kaya ang mga naririnig ko. Tinatawag ako ni Belle peru hindi ako lumingon, tumakbo ako palabas at wala ako'ng pakialam ko'ng may mabangga man ako'ng tao.

Pagka rating ko sa labas ay doon na bumuhos ang luha ko at pasalamat ako dahil wala ng tao dito... tumakbo ako para tuloyang umalis sa lugar na to peru may nabangga ako'ng isang lalaki kaya natumba ako.

"Miss sorry......Carie? Why are you crying!?" Minalas nga naman ako Ou at ang ex fiancé ko pa ang nabangga ko shit...

Hahawakan na niya sana ako para tulongan ako'ng maka tayo peru tinulak ko ito at napa hagulhol na ako sa iyak....

"Anong ginawa mo sa kanya!? Carie are you okay?" Narinig ko'ng sigaw ni Drey at hinawakan ako sa bewang peru tinulak ko ito.

"Don't touch me!" Sigaw ko sa kanya.

Tumayo ako mag isa at tumakbo paalis sa dalawang taong nanakit sa akin! Ganito ba talaga ang kapalaran ko? Ang lokohin lang? I hate this! I hate my life!

"Carie let me explain!....please" hinawakan niya ako sa braso at humarap sa kanya.

"You don't have to explain Drey, walang tayo!" Tumalikod ako habang umiiyak parin.

"Please Carie...." pag pupumilit niya.

"Ayaw na kitang makita!" Sigaw ko sa kanya at tumakbo na paalis..

Nang makalayo na ako sa building ay nag punas ako ng luha at inayos ang sarili ko, sumasakit narin ang paa ko dahil sa kakatakbo kaya mag aabang nalang ako ng taxi pa uwi.

'i hate you Drey' sabi ng utak ko... peru ayaw ko na nga ba siyang makita? Walang kami peru sobrang sakit!! Ayuko na magmahal!











*********








Tylr:>

LOVING YOU IN RED   (INTERSEX) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon