Moon
Nagmamaneho na ako papunta sa bahay ni Carie, 7:00 am palang peru hindi ako makapag antay na makita siya kaya inagahan ko na.
Habang nag mamaneho ay nag pa tugtug ako sa stereo ko para hindi ako masyadong maboring sa byahe.
Excited na ako makita si Carie... hays miss ko na ang amoy niya, miss ko na ang mga ngiti niya, yong mata niyang mala birde, yong labi niya..... Hays ano nanaman ba itong iniisip ko!
Dumaan muna ako sa coffee shop at bumili ng dalawang coffee latte at pancakes....pagka baba ko ay pumasok agad ako buti nalang ay wala pang masyadong tao, iwas pila ganun.
"Good morning Ma'am" bati nito sa akin habang naka ngiti.
"Good morning....two coffee latte and two pancakes please" ngumiti ako dito.
Habang inaantay ko and order ay umupo muna ako sa waiting area at nag nag scroll scroll sa phone ko.
Maya maya pa ay tinawag na ako ng babae at tumayo naman agad ako.
"Thank you, Keep the change" ngumiti ito at nag pasalamat, kaya naman ay lumabas na ako at pumasok sa kotse.
Gising na kaya siya? Sana naman hindi pa siya nag almusal para sabay kami kumain charot.
Di nag tagal nakarating din ako sa bahay ni Carie at nag door bell.
Naka ilang pindot na ako peru walang lumabas na Carie para pag buksan ako, baka tulog pa siya, kaya naman ay inakyat ko na ang gate nito....sorry na naging akyat bahay muna ako today.
Nasa harap na ako nang pinto at na pansin ko'ng naka bukas ito ng konte.. hindi ba siya nag lock ng pintoan? O baka naman ay pinasok ang bahay niya? Kinakabahan tuloy ako kaya pumasok agad ako at umakyat papunta sa room niya.
Pag bukas ko ay nakita ko'ng tulog pa ito at may kasama? Sumikip bigla ang dibdib ko sa nakita.
Si Carie may kayakap? Lumapit ako ng konte para makita ito kung sino at nakita ko'ng si Belle ito, the fuck? Akala ko ba Manager niya ito? Bakit magkatabi silang natulog?
Napansin ko na umiiyak na pala ako .... Yung ulo ni Carie nasa braso ni Belle at parehas silang naka yakap sa isa't isa..may nangyari kaya sa kanila?
Tumalikod na ako para umalis dito at hindi na kaya ng mata ko ang nakikita... Nasa pintoan na ako nang tinawag ako ni Carie....gising na pala ito.
"Drey?" Lumingon ako para tignan siya yung buhok niya gulong gulo pa.
"Here's your breakfast!" Nilapag ko padabog ang binili ko sa side table niya at nilisan ang kwarto.
Nasa labas na ako ng bahay niya peru tinawag niya ulit ako.
"Drey, It's not what you think!" Sigaw nito at lumapit sa akin.
"Hey" pinaharap niya ako at patuloy parin ang pag buhos ng luha ko, pinipigilan ko naman ito kaso ayaw magpapigil ng luha ko..alam ko naman na wala ako sa lugar para mag selos.
"Si Belle lang yon...yung manager ko..." Malumanay niyang pagkakasabi at hinaplos ang pisnge ko.
"Yeah and you slept with your manager huh?!...nice!" Napa sigaw ako nang hindi sinasadya.
Mas lumapit pa ito sakin para punasan ang luha ko at ngumiti ito saakin... Nagawa niya pang ngumiti? Nakita na nga niyang umiiyak ako!?
"Are you jealous?" Tanong nito habang ako ay naka titig sa kanya.
"And you invited her at your place para pagselosin ako?" Tanong ko.
"And Belle is also my Bestfriend, Drey" natawa naman ito at yumakap sa akin kaya napa yakap nalang ako sa kanya ng mahigpit and yes I admit that... I'm kinda jealous.
"I'm sorry" sabi ko sa kanya.
"Shhh.... It's okay..." Pag papatahan nito sakin.
Habang magkayakap kami ay hinalikan ko ito sa ulo niya.. oh diba? Ganun ako ka rupok sa kanya...maya maya pa ay may sumigaw.
"I should bring some popcorn next time!" tumawa ito ng nang aasar.
"Tapos na ba kayo mag drama diyan?" Dugtong nito na naka ngisi parin, habang papalapit sa amin.
"Uuwi na ako sis... At inomin niyo na rin ang kape niyo bago lumamig bye!?" Nag beso ito kay Carie at umalis din pagka tapos.
"Ingat jingle bells!" Pag papaalam ni Carie at tumawa naman ito.
"Ikaw din Kari Kari!" tumawa rin si Belle.
Nang maka alis na ito ay kumaway si Carie saka ito humarap sa akin.
"Breakfast na tayo?" Tanong nito ng naka ngiti kaya naman ay pumasok na kami sa loob at hinawakan ang bewang niya.
Akala ko naman kung may namamagitan talaga sa kanila, tssk kinabahan ako don ah 'seryoso ka Drey? Tsk!' sabi ng utak ko.
Umakyat ako sa taas papunta sa kwarto niya para kunin ang pinang bili ko at bumaba para makapag almusal.
Nilapag ko na ang kape at pancakes sa mesa at hinanda ito para makapag almusal na kami.
"So tuloy ba ang Show niyo ngayon?" Tanong ko sa kanya habang iniinom ang kape.
"Cancelled" tipid na sagot niya.
"Bakit naman?" Tanong ko.
"Kasi sinabi ko" tumingin ito sa akin at ngumiti.
Tumango nalang din ako....sana all ano nasusunod.
Maya maya pa ay natapos na kaming kumain...wala naman ako'ng huhugasan kasi disposable naman lahat ginamit namin ngayon.
Naka upo kami ngayon sa couch niya habang naka sandal yong ulo nito sa balikat ko, yung braso ko naman ay naka yakap sa bewang niya.
"Wala ka bang gagawin ngayon?" Tanong nito sa akin.
"Wala naman bakit?" Ngumiti ito sa akin at nag salita.
"Pano kung ngayon nalang tayo umalis papunta sa sinasabi mo kagabi?" Good Idea Carie.
Peru napa isip ako sa sinabi nito, mas masaya kasi doon pag linggo e staka balak kung pumunta sa paborito ko'ng lugar.
"Hmm... What if manuod nalang ulit tayo?" Suggest ko, gusto ko pa kasi siyang mayakap ngayon kaya lubos lubusin ko na diba?
Hindi ito nag salita at yumuko, wait nag tatampo ba ito? Kaya hinawakan ko ang baba niya pataas para tumingin sa akin.
"Don't worry... Kung gusto mo samahan nalang muna kita dito habang wala ka namang ibang gagawin okay ba yon?" Tumango naman ito. ngumiti ng malawak kaya hinalikan ko ang noo nito at inamoy amoy ang buhok niya gosh ang bangooo! Gusto ko tuloy iuwi.
Wala kaming ibang ginawa kundi ang manuod ng kung ano ano sa kwarto niya habang naka higa sa kama niya.
Maya maya pa ay nakatulog na si Carie kaya naman ay dahan dahan ako'ng tumayo para patayin ang TV at bumalik sa tabi niya para matulog..... Ng magkayakap shezz! Meron kayo non? Wala diba?!
"Goodnight Carie Jade" hinalikan ko ito sa pisnge bago pinikit ang mata ko.
***********
Tylr:>
BINABASA MO ANG
LOVING YOU IN RED (INTERSEX)
RomanceMoon Drey is a famous singer who has a girlfriend who is in a coma because of an car accident and she didn't realize that she is slowly falling in love with a famous model, named Carie. What she will do now when she has a girlfriend?