Chapter 41

1.8K 37 2
                                    

Carie

11:40 am

Lumabas muna ako sa bahay para silipin sana si Moon dahil hindi ko kasi siya nakita mula sa taas ng bintanan ko kaya baka nasa gilid lang ito peru wala siya.

Nagtataka ako kung bakit wala siya e 7 palang ng umaga andito na yon sa labas naka tambay e peru mag aalas dose na wala parin siya.

Wait inaantay ko ba siya? No! Chineck ko lang baka may nangyari na sa kanyang hindi maganda, at wag naman sana.

"Ano wala pa ba?" Tanong ni lola sa likuran ko, sinundan niya pala ako tss!

"Binisita ko lang ang mga halaman grandma" pag sisinungaling ko peru ang totoo ay hinahanap ng mata ko si Moon.

"Oh dear wag ka ng mag sinungaling kilala kita" ngumiti ito sa akin nang nakaka halata.

"Hmm" ang tangi ko'ng sagot sa kanya.

"Baka naman umuwi na ng Pinas?" Ngumisi ang lola ko at tumalikod na para pumasok sa loob.

"E di mabuti" tanging nasabi ko nalang at pumasok narin sa loob.

Nakaka panibago naman, peru mas okay na siguro yon kesa naman kung ano pa mangyari sa kanya sa labas diba.

Umakyat na ako papunta sa kwarto ko para sana tawagan ang ilang staff na nag ta trabaho sa hotel ng grandparents ko.

Pagkarating ko ay agad ko namang dinial sa landline ang numero ng hotel, tatanungin ko sana kung nakita nilang lumabas si Drey.

"Hello? Hotel Del Salvador, what can I help you" tanong ng nasa kabilang linya.

"This is Carie" sagot ko.

"Ohw Im sorry ma'am" sagot ng babae.

"Uhm... did you see Moon Drey there?" Tanong ko dito.

"I didn't see her around ma'am, and also her foods is still in front of her door, we've been trying to call her but no one answered" mahabang paliwanag nito sa akin.

"Okay thank you" sabi ko at binaba na ang telepono.

Ano naman nangyari sa kanya...at hindi pa siya kumakain simula kaninang umaga? E kung puntahan ko kaya siya?

Baka may sakit siya dahil malakas ang ulan kahapon at ilang oras itong naka babad? hayss!

Kaya naman ay kumuha ako ng jacket sa closet ko at short. pupuntahan ko si Drey baka ano na nangyari don, tama si Belle wala pa naman siyang ibang kakilala dito kundi ako lang.

Kaya dali dali ako'ng bumaba at hinanap si manong sa labas at sakto namang andon din ang lola ko.

"Where are you going?" Tanong nito sa akin.

"Uhm.....may bibilhin lang" sabi ko.

"Magpa drive kana kay manong" tumango ako at ngumisi naman si lola, hayss nang aasar ba siya? Alam kaya niyang pupuntahan ko si Drey? Bahala na.

Kaya naman ay lumabas na ako ng gate at sumakay na sa SUV na lageng ginagamit ni manong.

"Saan po ma'am?" Tumingin ito sa front mirror para tanungin ako, nasa likod kasi ako naka upo.

"Hotel" tipid ko'ng pagka sabi at nag umpisa ng mag maneho si manong.

Hindi naman malayo dito ang Hotel ng grandparents ko kaya ilang minuto lang ang byahe at naka rating din kami sa harap ng mismong hotel.

Bababa na sana ako peru nag tanong si manong sa akin kaya tumingin ako sa kanya.

"Ma'am aantayin pa po ba kita?" Ngumiti ako dito at umiling.

"Tawagan nalang kita kung mag papasundo na ako manong, salamat" kaya naman ay tuloyan na akong bumaba sa sasakyan.

Pumasok na ako ng hotel at may iilang naka ngiti sa akin peru wala ako'ng balak ngumiti pabalik sa kanila ...kaya naman ay tumango lang ako at nag tanong kay Jane na lageng nag a update sakin kay Drey.

"Where is she?" Tanong ko kay Jane.

"Room 403 ma'am Carie" sagot nito at nagpa salamat sa kanya.

Kaya naman ay tumakbo na ako papuntang elevator dahil nasa 4th floor pa kasi yon kaya pinindot ko ito sa pang apat na palapag ng hotel.

Ilang segundo pa ay bumukas na ito at lumabas para hanapin ang room 403.

Pasalamat ako dahil hindi na ako nahirapang hanapin dahil malapit lang ito sa elevator kaya naman ay kumatok ako.

Habang nag aanaty na pag buksan ako ng pinto ay napansin ko yong dalawang trey ng pagkain na nasa gilid ng wall.

Maya maya pa ay bumukas naman ang pinto nito at nakita ko siyang matamlay na halata talagang may sakit ito.

"Carie Jade" ngumiti ito sa akin,pag pasok ko ay bigla naman itong natumba buti nalang ay nahawakan ko ito.

"Drey! Ohw my god ang init mo!" Kaya naman ay hiniga ko siya sa kama nito at inayos ang paa para mas komportable ang pag higa nito.

"Your here" ngumiti ito sa akin habang ako ay nag aalala sa kalagayan nito.

Aalis na sana ako para kumuha ng pwedeng ilagay sa noo nito peru hinawakan niya ako sa kamay.

"D---don't l---leave me" halata talagang nang hihina ito dahil sa lagnat.

"Kukuha lang ako ng bembo okay" sabi ko dito at tumango naman ito sa akin.

Kaya naman ay binuksan ko ang closet nito at nag hanap ng pwedeng ilagay sa noo niya at kumuha ng maaligamgam na tubig.

Pag balik ko ay umupo ako sa gilid niya at inilagay ang bembong basa sa noo nito.

"Here" sabi ko nang mailagay ko na ito sa noo niya.

"Carie-----" may sasabihin pa sana siya kaso nag salita agad ako.

"Magluluto lang ako para makakain ka, sabi ni Jane hindi ka nag order ng pagkain sa kanila kaya iniwanan ka ng pagkain sa labas peru hindi mo iyon kinuha" mahaba ko'ng paliwanag sa kanya.

Kaya naman ay tumalikod na ako papunta sa kitchen at mag luluto ng kung pwede, may nakita naman ako'ng macaroni kaya kinuha ko na ito.

So gagawin ko nalang itong supas, at saktong may hotdog naman sa ref nito kaya kinuha ko na at nag umpisang magluto para maka inom na siya ng gamot.

Pagkatapos ko'ng magluto ay inilagay ko na ito sa mixing bowl, dala dala din ang gamot na hiningi ko kanina kay Jane.

"Kumain kana para maka inom ka ng gamot" tinulongan ko na itong umupo at sinubuan ko na rin dahil nanghihina talaga ang katawan niya.

Pagkatapos niyang kumain ay pinainom ko na rin siya ng gamot at pinahiga ulit.

"Thank you Carie" sabi nito at naka ngiti sa akin, hinawakan ko ang pisnge niya at pinisil ito ng konte.

"Take a rest okay? Dito lang ako sa tabi mo" tumango naman ito at pinikit ang mga mata niya, kaya naman ay hinalikan ko ito sa noo.

Galit ako sa kanya ou peru parang biglang nawala iyon ng makita ko siyang nang hihina gosh! Bakit ganun hindi ko siya matiis!

Kung kinausap ko nalang siya dati hindi sana siya magkaka sakit ngayon, kasalanan ko to!

Habang natutulog siya ay pinag masdan ko lang siya habang hawak hawak ang kamay nito, na miss ko talaga siya sobra!

Kaya naman ay tumabi ako sa kanya at niyakap ito, gosh I miss her scent.













**********




To be continued.....

LOVING YOU IN RED   (INTERSEX) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon